#2 - First Encounter?

7 3 0
                                    

Chapter Two: First Encounter?


༺═───THIRD PERSON'S POV───═༻

Malamig ang hampas ng hangin na nararamdaman ni megumi habang naglalakad sa isang parke, na kahit hating gabi na ay marami pa rin ang mga tao. Karamihan ay mga kabataan na may sinasakyang skateboards at mga magkasintahang nagpapalipas ng oras kasama ang isa't isa.

Naupo ang dalaga sa isang bakanteng vench nang mapagod itong maglakad-lakad at saka ipinikit ang kan'yang mga mata. Kinakalma ang sarili mula sa mga pangyayaring naganap  kanina lamang. Wala pang limang oras ng makalapag ang sinasakyan niyang eroplano sa bansang pilipinas ay ito na siya at nagdadrama kasama ang bituin at ang buwan na nagsisilbing kanlungan ng liwanag sa langit.

Flashback

"Kailan mo sasabihin kay megumi na wala na kayong babalikan sa australia, ate?"

"Hindi muna siguro sa ngayon, alam mo naman ang batang 'yon. Pahirapan nga na madala siya rito sa pinas kung hindi ko pa sasabihin na magbabakasyon lang kami ay hindi pa magiimpake."

"pero ate hindi naman ata maganda 'yon? ibigsabihin hindi nakapagpaalam ang pamangkin ko sa mga kaibigan niya sa australia?"

"mabuti na rin 'yon marina para madali niyang matanggao ang buhay niya rito sa pinas."

Hindi alam ng kanyang titonang at kanyang ina na naririnig ng dalaga ang usapan nila. She felt betrayed and she can't believe by no other than her own mother.

She run outside their apartment.

Hindi mapigilan ni megumi ang inis kaya gusto muna niyang magpahangin at hinayaang dalhin ng paa niya kung saan, at sa parke nga kung saan siya ngayon nakapawesto.

"F*ck this freakin' life!" iritang sigaw niya. wala siyang pake kung magmukha siyang baliw sa gitna ng maliwanag na parke. Ang tanging iniisip niya nalamang ay ang pagkontrol sa kanyang emosyon.

Idinilat niya ang kanyang mga mata ng may maramdaman siyang tumama sa hita niya.

skateboard.

Matalim ang tingin na tinignan niya ang batang may-ari ng skateboard na 'yon na ngayon ay patakbong palapit na sakanya.

"Pasensya na ate dumulas sa paa ko eh." nakangising sabi nito.

napansin ng dalaga ang ilan pang mga bata na nasa likod nito at kapwa nagtatawanan.

"Sinadya mo." walang buhay na sabi ni megumi at hinagis palayo ang skateboard na tumama sakanya.

tila narealize naman ng bata ang ginawa ng kaya patakbo itong lumapit sa mga kaibigan niya matapos damputin ang inihagis na skateboard at nagmamadali silang tumakbo palayo. Tumalikod na rin ang dalaga at balak na umalis na ng may marinig siyang sigawan sa hindi kalayuan.

Iniwasan ng isang grupo ng mga nagb-bike ang mga tumatakbong batang may skateboard na nagresulta ng kawalan ng tamang direksyon ng mga gulong nito at tumilapon sila sa kalsada.Nanghina ang tuhod ni megumi sa mga sumunod na nangyari. Pumailalim sa isang kotse ang bike ng isa sa mga mnagbibike, isang binata. Pinikit niegumi ang mha mata sa pagaakalang magugulungan rin ang binata ngunit sa awa ng diyos gumilid ang kotse at tumama sa poste ng ilaw.

Sigawan ang mga tao at mabilis na nagkumpulan sila sa paligid ng insidente. samantalang nanatili sa pagkakatayo si megumi, iniisip niya na kasalanan niya ang nangyari. Kung hindi niya tinakot yung bata hindi sana mapupunta sa daanan ng kotse ang mga nagb-bike na 'yon.

Bumalik nalamang sa katinuan ang pagiisip niya ng may marinig ulit siyang sigawan at bakas ang takot sa mata ng mga tao. Isang babaeng buntis ang tumatakbo mula doon sa sasakyan. She's running for her life while holding her round belly. Kasunod nito ang paglabas ng isang lalaking duguan ang noo at may hawak itong kutsilyo, hinahabol nito ang babae. Nagsilayuan ang mga tao at sa hindi inaasahang pangyayari naabutan ng lalaki yung buntis na babae at walang ano ano ay sinaksak siya nito sa tagiliran.

MOISLE UNIVERSITY - The Selenophile CaseWhere stories live. Discover now