#9 Case Closed?

6 2 0
                                    

CHAPTER NINE: Case Closed?

═───LAITO'S POV───═༻
I can't help but to smirk. Ngayong araw binaba ang warrant of arrest para kay dean. Hindi makapaghintay ang mga pulis na arestuhin siya kaya kahit nasa school pinuntahan na siya. Mayor ba naman ang dinamay eh. We still keep all the information classified we made sure of that, kahit sobrang imposible. Also, I know most of the students has an idea about what happened especially from the previous events but not exactly. After the investigation we're all back from our respective business. Hindi na ulit kami nagpapansinan ni lucas at paulit ulit akong naiirita kay megumi.

Speaking of... biglang sumulpot sa gilid ko si megumi. Nakikichismis din sa kasalukuyang dinadampot na dean ng moisle.

"Aishh old man." mahinang bulong niya pero narinig ko. I stare at her, it feels weird. This is the megumi I've met at the park but the question is why is she pretending like she never met me it was an incident but who would...in just a few days ...argh!

Mukhang napansin niya agad na ako pala ang katabi niya kaya nagulat siya ng makitang nakatitig na ako sakanya.

Malayong malayo ang megumi na nakikita ko sa megumi na pinapakita niya kapag may ibang tao.

Hindi ako nagsalita at tinignan nalang si dean na dadaan sa harap namin bago sa police car. Malayo palang nakatitig na ito saakin, masamang titig.

"Hindi ito ang huli laito, mabubura ka rin sa landas namin." sabi nito saakin na ikinangisi ko.

"Huy oldman hanap ka na ng rehas, go na! babyeeee" sabi ni megumi na ikinaasim ng mukha ni dean.

hinatak na ito ng tuluyan ng mga police. nagwave pa si megumi bago umandar ang sasakyan, kitang kita sa mukha ni dean ang matinding galit.

Tinignan ko muli si megumi. talagang ibang iba siya kapag ako lang ang nakikita niya. Letse! what am I thinking? why do I care?!

"Hoy imported baka nakakalimutan mo ah--"

"Wait! teka lang draco ah h'wag ka magsalita..." napakunot ako sa sinasabi nito "babyeeee" pagtuloy niya sabay takbo palayo

"Anong trip ng bruhang 'yon?" tanong ko sa sarili

naglalakad na ako pabalik sa classroom ng  makita ko si lucas kausap si megumi at niyakap siya nito.

"Tsss isang dalawang mukha at isang traydor." usal ko

"Kung nakamamatay ang titig baka bumulagta na yung dalawa. Nagseselos ka ba?" napalingon ako sa gilid ko biglang sumulpot si coach John.

coach ng archery club at pinsan ko.

"Selos? ano 'ko bakla?"

"Siraulo! anong bakla? bakit si lucas ba ang type mo? si lorenzo ang tinutukoy ko engot."

oo nga noh,.. ano ba kasing---

"Lumayo layo ka nga saakin at damputin mo na yung alaga mo! imbis na nasa practice nakikipagharutan sa hallway. masakit sa mata." iritadong wika ko pero lalo pa itong dumikit sabay hawak sa braso ko.

anak talaga ng shokoy 'to eh.

pinagtitinginan tuloy kami dito sa hallway.

"hoy kolokoy sino ba ang magrequest na pahirapan si lorenzo at h'wag pagpraktisin? ako ba?"

"tumigil ka nga ginagawa mo na sakanya 'yon bago ko pa sabihin."

"sabagay."

"Pero matanong ko lang bakit mo nga ba siya ayaw papasukin sa team mo?" tanong ko sakanya

MOISLE UNIVERSITY - The Selenophile CaseWhere stories live. Discover now