First Day First Meeting

91 5 1
                                    

BEA

Andito ako ngayon sa lobby ng JLAM & Associates Law Office. It's the first day of the internship and maaga akong nakarating kesa kay Maki. May 20 mins pa naman bago ang call time namin. This is a dream come true para sa law student na kayagaya ko. This Law firm is one of the best in the country. Sabi dun sa email na natanggap namin, ipapakilala daw kaming lahat sa mga senior lawyers na maghhandle saamin. 

There are 10 interns accepted for this year. There are 5 senior associates in this law firm at bawat isa sakanila ay maghahandle ng dalawang interns. I dont mind naman kung sinong maghandle sa akin, ang importante ay matuto ako. 


"Hello, you are so early pa. The orientation meeting will start in 20 mins. Maybe you can grab coffee muna, pantry is that way." 


Kinausap naman ako ni Ms. Gandler, sya yung secretary ni Atty. JLAM. Nakausap ko na sya few times nung nagsubmit ako ng application for internship. Mabait sya at napansin kong sweet din. She smiles a lot so mukhang wala naman problema dun.


"Thank you Ms. Vannie, I think I really need coffee talaga. I will get myself one. How about you?"


 Kailangan ko talaga ng kape kasi parang inaantok nako. At hindi pa nagsisimula ang araw. 

Patayo na sana ako from the waiting area ng biglang bumukas ang glass door. Paglingon ko ay papasok ang isang babaeng matangkad na morena. She is wearing a cream colored dress na hanggang tuhod. She matched her outfit with a corporate blazer na kulay black. Nkasuot sya ng may takong na sapatos kaya lalo syang tumangkad. 

She has simple earings, and a silver watch. For some reason naamoy ko ang perfume nya at bigla akong napapikit.  

I was literally lost in my train of thoughts when I heard a voice. 


"Goodmorning Atty J, schedule is on your table and coffee will be ready in 5 mins." Ntatarantang sabi ni Vannie. So, she's the boss and owner of this Law Firm, Atty Maraguinot. The one and only. 


Tumango lang si Atty J at derederechong pumasok sa hallway papunta sa pinakadulong opisina. Doon ang office nya. 

Yes, nagreview naman ako about sa firm. She has won so many cases in a short period of time and she has built a reputation as one of the smartest and youngest attorneys in the Philippines. 

Syet sya pala yun. She's...........beautiful. Hindi nya naman siguro napansin yung pag drool ko sa kanya? Nakakahiya. 

I walked towards the pantry to get myself a coffee. Naabutan kong nagmamadali si Ms. Vannie na ayusin yung kape ng boss. Napaisip naman ako, baka masyadong masungit kaya ganyan sya natataranta. 


"Here let me help you." 


Sabi ko kay Ms. Vannie habang nakasmile. Para kasing wala na sya sa hulog para magtimpla ng kape. Nang maayos na yun ay agad nyang dinala sa office ni Atty.J at nagpasalamat naman sya saakin. 

Pag balik ko ng lobby ay dumami na ang interns na nagsidatingan. Almost kompleto na kami at nandito nadin si Maki na agad na nakihigop sa kape ko. Kapal talaga nito. Haha

Maya maya pa ay lumabas ang isang babaeng sopistikida rin at nka dress itong yellow. Naka corporate blazer at naka low cut boots na black. 


The Fight of My LifeWhere stories live. Discover now