First "Case"

122 8 5
                                    


BEA

We survived our first week of internship. Andito kami ngayon sa isang fastfood sa baba ng bulding para kumain. 


"Grabe I can't believe it's Friday now. It was a tough week, trying to impress the attorneys." Caloy said while we are eating lunch. 


Kasama ko ngayon sila Maki, Caloy and Jules. The rest of the interns chose to stay in the pantry kasi hindi pa sila tapos sa mga research nila. Ilang beses nakong may  nakasalubong na kapwa ko intern na parang iiyak na, everytime lalabas sila ng briefing room. It means kasi that they had an initial discussion about their cases and the senior attorneys are not impressed. 


As for me, my research is going well. Nakakuha na ako ng ibat ibang angulo na pwedeng silipin kung bakit mababa ang nakuhang retirement pay nung complainant. Atty De Jesus was happy with my work. Si Jules naman ay maganda din ang progress sa naka assign na kaso sa kanya. 


Pagkatapos namin mag lunch ay bumalik na kami sa opisina dahil ngayon ay importanteng araw para sa aming mga intern. We have a meeting with Atty J Maraguinot. Yes, the one and only boss.  Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit.  The whole week hindi na kami nagkausap or nagka meeting pa ulit. Hindi ko na sya nalapitan dahil subsob na lahat ng tao sa trabaho, I'm sure naman ay ganun din sya. 


1PM na, supposedly ay may briefing and update kami ni Atty Ella about sa kasong hawak ko. Yes, she asked us to call her Atty Ella nalang daw para mas magaan. I looked at her office at wala sya doon.  Naghintay nalang ako sa cubicle namin ni Jules dahil baka nasa ibang meeting pa sya. 

After 30 minutes ay wala parin si Atty Ella. Biglang pumasok si Ms. Gandler at sinabihan akong pumunta sa office ni Atty. Maraguinot. 


Kinabahan ako dahil wala naman akong meeting sakanya today except sa 4pm schedule para sa lahat ng interns. Dali dali kong kinuha ang folders ko at dumeretso sa office ni Atty. Maraguinot


Kumatok ako sa kanyang opisina, First time kong papasok dito kahit 1 week na kami as interns. Ako palang ata ang unang makakapasok dito sa pagkakaalam ko. 


Narinig kong nag unlock ang pinto kaya pumasok na ako. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sinilip ang loob upang magbigay galang. Hindi ko alam kung bakit masyado akong conscious. 


"Good afternoon Atty. Maraguinot, pinapatawag nyo daw po ako?" I was mumbling and nervous. 


Come on Bea you can do better than this!  I told myself. 


Hindi ako makapag concentrate dahil ang bango ng opisina nya, nilibot ko ang paningin ko and I cant help but admire the sophistication of this office. White walls, ang ganda ng interior, halos lahat ay white at yellow ang tema.  Malawak ito. Merong mini living room pag pasok mo palang ng pinto, kulay yellow na couch. Sa bandang dulo malapit sa glass wall ang table nya. Her personal table was very neat. Aside sa laptop nya, isang maliit lang na cactus plant at planner ang makikita dito. I was in awe. 


Somebody cleared their throat and I was taken back to my senses. It was Atty. Maraguinot staring at me. I got conscious at sobrang namula ako. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Fight of My LifeWhere stories live. Discover now