Kabanata 1

17 4 0
                                    

Dedicated to: beeliya

Falls

Lumipat kami ng bahay gaya nga ng sinabi ko. Mabuti naman at pinatuloy kami ni Tiya. Wala siyang anak o kahit na asawa. She's a relative from my mother side. Apat silang magkakapatid at ang dalawa ay nakatira na sa ibang bansa.

Hindi magkasundo si Mama at Tiya sa hindi malamang kadahilanan. Noong una nga ay nagalit si Mama kung doon kami lilipat pero anong magagawa niya? Wala na kaming malilipatan dahil pinaalis na kami sa bahay.

Napapikit ako nang mariin nang sumagi sa isip ko na tuluyan na nga kaming pinaalis sa bahay na iyon. Na wala na kaming magagawa dahil kalaban namin ang Governor.

Pero ano ba ang magagawa namin? Kailangan lang naming mabuhay at magpatuloy kahit mahirap.

Pinadausdos ko ang aking palad sa magulo kong buhok na hinipan ng pang-hapong hangin. Mula sa pagkakapikit ay iminulat ko ang aking mga mata at pinagpatuloy ang pagpitas ng mga gulay sa likod ng bahay ni Tiya. Binasa ko ang aking labi at huminga nang malalim.

Malawak ang lupain ni Tiya kaya napakaraming lupain ang mga nakatanim dito. Dala ng kahihiyan ay naisipan kong tumulong na lang sa pagbebenta ng mga gulay sa palengke.

Wala kaming trabaho kaya naisipan kong tumulong. Kahit na sa ganitong paraan man lang ay makabawi kami sa kaniya. At dahil gipit kami ay kinailangan kong maghanap ng iba pang trabaho.

Kaya kahit labag sa loob ay tumigil na muna ako sa pag-aaral para makapag-ipon. Nakatapos na rin naman ako ng Senior High kaya mabilis akong nakahanap ng iba pang trabaho. Dagdagan pa na marami akong kilala rito sa amin.

Noong una, hindi ako pinayagan ni Mama na tumigil sa pag-aaral lalo na't dahil iyon sa kanila kaya ako tumigil. Ganoon din si Tiya na kung makaasta ay para akong nakagawa ng malaking krimen. Nagtataka pa rin ako hanggang ngayon sa pangyayaring iyon pero hindi ko na lamang pinagtuonan ng pansin.

"Oh, Eiko? Tapos ka na ba riyan?"

Napalingon agad ako sa pagtawag sa akin ni Tiya. Binigyan ko siya nang tipid na ngiti at tumango.

Kumpara kay Mama, mas mataas ng kaunti si Tiya. Mahaba ang itim na itim na buhok, manipis ang labi, at mataas ang ilong. Ang kulay tsokolate at bilugan niyang mga mata lang ata ang kapareho niya kaya Mama.

Hindi maipagkakaila na maganda siya sa edad niyang iyon. Kaya kahit hanggang ngayon ay napakaraming dumidiskarte sa kaniya ngunit wala siyang ni isang sinagot.

Umiwas ako ng tingin. "Opo, tapos na rin naman."

Tumango siya bago ako talikuran. "Martes bukas kaya asahan mong maraming taong bibili. Kaya dapat maaga pa lang ay naroon ka na," narinig ko pang ani niya bago niya ako tuluyang iniwan.

Agad akong napahinga nang malalim nang umalis siya. Kung dati ay nagtataka ako kung bakit wala siyang anak o asawa, ngayon ay naiintindihan ko na.

Mabait ang awra ni Mama habang si Tiya naman ay napakasopistikada. Para akong binabalot sa malamig na yelo kapag siya ang kausap ko. Nakakatakot na gumawa ng kahit isang pagkakamali kapag nakatingin siya.

Kinabukasan nga ay maaga pa ay nandoon na ako sa palengke. Hindi ako ang naunang dumating dahil may mga nakita na akong mga tindera na nagliligpit ng mga tinda nila. Pagkaraan ng ilang oras ay dumarami na rin ang mga tao.

"Eiko!"

Napataas ang kilay ko nang marinig ko ang boses na iyon ni Chiena. Pinunasan ko ang aking mga kamay sa apron kong suot bago siya hinarap.

Pagkalingon ko pa lang sa kaniya ay sinalubong niya agad ako ng kaniyang maliit na tuwalya na tumama sa aking mukha. Agad na nanuot sa aking ilong ang kaniyang palaging ginagamit na pabango.

Napakagat ako ng aking pang-ibabang labi at huminga nang malalim bago ko kinuha ang tuwalya sa aking mukha.

"Pawis na pawis ka, ah?"

"Hindi, naghilamos ako." Umirap ako nang nakita ang pagsalubong ng kaniyang kilay. "Anong ginagawa mo rito? Sinong kasama mo?"

Umalis siya sa harapan at pumunta sa gilid ko para makabili ang iba. "Wala. Ako lang," aniya at kumuha ng isang pirasong kalamansi.

"Malulugi kami," pagpaparinig ko sa kaniya. Her lips protruded for a pout that made me chuckled.

"Babayaran ko naman!" Umirap siya at kumuha ulit ng isa pero hindi ko na iyon pinansin dahil may biglang bumili.

"Pero, huminto ka talaga sa pag-aaral? Akala ko, hindi ka seryoso roon."

Napangiti ako at ginulo ang buhok niya. Umiwas naman agad siya sa akin dala ang masama niyang tingin.

May pagka-chinita si Chiena. Mataas rin siya at palaging nakalugay ang itim niyang buhok. Nakasuot siya ng pantalon at simpleng puting damit.

"Eiko! Si Chiena ba 'yan? Girlfriend mo na?" tanong ng tindera sa kabila.

Mahina akong tumawa nang narinig ang tanong na iyon at inakbayan ang babaeng ngayon ay nakasimangot na.

"Si Chiena? Hindi ko pa nililigawan, ate! Baka sagutin ako agad! Alam niyo naman, patay na pa-"

"Assuming naman. 'Wag ka nang magsalita! Baka bumagyo!" sigaw niya at nandidiring lumayo sa akin.

Tumawa ako nang mahina.

Napapikit ako nang humaplos sa aking balat ang mabining hangin. Nagkukulay kahel na ang kalangitan at malapit nang lumubog ang araw. The trees around me swayed with the raging wind. Ang malinaw at kulay asul na tubig sa aking harap ay tunay na nakakaakit pero pinigilan ko ang sarili na tumalon roon.

Bukod kasi sa malamig ang tubig, dagdagan pa ng pang-hapong hangin, malapit nang sumapit ang gabi ay uuwi na rin ako maya-maya. Natulala ako at kung ano-ano na namang pumapasok sa isip ko habang nakatitig sa kawalan.

Ang tanging maririnig ko lang sa napakatahimik ng lugar ay ang haplos ng hangin, ang mga kuliglig na nag-iingay sa kung saan, at ang mga ibon na lumilipad sa himpapawid.

Kumuha ako ng maliliit na bato sa aking gilid dahil wala nang magawa. Isa-isa kong hinagis iyon sa tubig at gumawa iyon ng kaunting ingay. Ngunit ihahagis ko na sana ang pang-huling bato at pagkatapos noon ay uuwi na nang bigla akong napatigil. Ang aking kamay ay naiwan sa ere at ang batong dapat ay ihahagis, hindi na naihagis.

Napapitlag ako nang biglang may tumalon sa kanina lang ay mahinahong tubig. Ang kaninang kalmadong falls ay nagbigay ng kaunting alon. Nag-iwan iyon ng napakaraming bula.

Biglaan akong napatayo at para akong napako sa aking kinatatayuan habang nakatitig sa tubig na tinalunan niya. Ilang minuto ko iyong tinitigan, naghihintay sa pag-ahon niya. Ngunit ilang sandali pa akong nahintay sa kaniyang pag-ahon ay hindi iyon nangyari. Wala akong nakitang ni isang bakas niya.

Sa pagkakataranta ay dali-dali kong hinubad ang aking damit at walang pag-alinlangan na tumalon. Hindi ko pa alam ang uunahin kong gawin. Ang magtawag ng ibang tao o ang tumalon para hanapin siya. Pero wala na akong nagawa dahil tuluyan na akong tumalon sa tubig.

Agad na nanuot sa aking katawan ang malamig na tubig ng Cambugahay falls. Para akong tumalon sa nagyeyelong tubig ngunit hindi ko na pinansin ang lamig dahil sa pagkakataranta.

Mulat ang mga matang hinanap ko siya sa ilalim ng tubig. Nang nakita ang nakapikit niyang mga mata habang nakahilata at nakalutang ay agad umahon ang kaba sa aking dibdib.

Agad kong nilangoy ang distansya naming dalawa at nang tuluyan ng nakalapit ay binuhat ko siya para makaahon na kami. I carried her bridal style. Ang paghaplos pa lang ng kamay ko sa katawan niya ay para na akong mapapaso.

Napahinga ako nang malalim nang tuluyan na kaming nakaahon mula sa malalim na tubig. Nakapikit pa rin ako habang hawak siya. Inihilamos ko ang aking palad pababa sa aking mukha.

Mabilis ang pintig ng aking puso, hindi ko alam dahil ba nakikilala ko ang mukha niya o dahil sa matagal na paglangoy. Nang iminulat ko ang aking mga mata ay nagtama ang tingin naming dalawa.

Nanlaki ang mga mata ko at ganoon din ang kaniya.

Unhealthy Standards (Sedulous Series #2)Where stories live. Discover now