Kabanata 9

25 2 1
                                    

Dedicated to: eyeseeyou_

Yakap

"You, bastard! Bakit hindi ka nagrereply sa 'kin kagabi? Nagchat din ako sa 'yo sa messenger pero hindi ka nagrereply kahit online ka naman!"

Napaatras ako at napangiwi sa mga narinig galing sa kaniya. Sinasalag ko rin ang mga hampas niya at napapapikit kapag tumatama ang mga palo niya sa braso ko. Kahit masakit ay tumitindig ang balahibo ko nang naramdaman ang paglapat ng kamay niya sa akin.

My brows furrowed as my lips parted to breathe.

Hinihingal din siyang huminto kaya napahinto rin ako malayo sa kaniya. Ngayon ko lang napansin na nasa gitna na kami ng gymnasium sa laki ng mga atras ko para makatakas sa mga hampas niya.

Binasa ko ang pang-ibabang labi nang nakita ang nag-aalburoto niyang mukha. Parang kanina lang ay nagrereklamo at namomroblema pa ako. Pero ngayong nandito na siya sa harap ko ay tiklop at hindi na ako makapagsalita.

"Hindi naman ako nag-online kagabi. Lowbat ang cellphone ko kaya hindi na ako nakapagreply. Si Chiena siguro ang may hawak ng account ko."

Gusto kong sampalin ang sarili nang naisip na mali ang mga nasabi ko. Marahan akong pumikit nang nakitang mas lalong dumilim ang mukha niya.

"Girlfriend mo na ba siya?"

Huminga ako nang malalim at umiling. "Hindi, Danaya. Ang mabuti pa ay umuwi ka na. Medyo madilim na at kung gusto mo ay tatawagan ko si Math para iha—"

"Hindi ko kailangan si Math! I just wants to talk to you!" sigaw niya na bumalot sa buong gymnasium.

Kinabahan agad ako. Dahan-dahan akong nagpakawala nang malalim na buntong-hininga.

"Kung ganoon ay umuwi ka na sa in—"

"Napakawalang-hiya mo." Taas-baba ang dibdib niya habang nakatitig sa akin nang mariin. Kitang-kita sa mga mata niya ang galit na nag-aalab. "After all you've said, bigla-bigla ka na lang iiwas sa akin? Bigla mo na lang akong hindi papansinin? Ano? What you said was just a fucking lie? Sinungaling ka na ba ngayon?"

I bowed down guiltily. Guilty ako, oo, pero ano ba ang magagawa ko? Nagdesisyon na akong iwasan siya. Layuan siya. Hindi ko kayang biguin si Math.

Huminga nang malalim si Danaya. Umiwas siya ng tingin kaya nakita ko ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha niya.

Mas lalong umigting ang panga ko.

"Bigla-bigla ka na lang pumasok sa buhay ko. Palagi mong pinaparamdam sa akin na gusto mo ako. Ano 'yong lahat? Katangahan? O assuming lang ba ako?"

Umiling ako. Gusto ko siyang lapitan pero kahit anong pilit ko sa sarili kong maglakad ay hindi ko magawa.

"Danaya..."

"Fuck you! Of all people..."

Nang tuluyan nang tumulo ang mga luha niya ay gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang aluin at bawiin ang mga sinabi ko sa sarili ko na iiwasan ko siya, pero hindi ko magawa. Gusto kong magsalita at sabihin sa kaniya ang mga nararamdaman ko pero hindi ko kaya. Parang naputol ang dila ko.

"I like you, okay."

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Parang may nagbabarang sakit sa lalamunan ko kahit na hindi naman masakit ang sinabi niya. Pero kahit na ganoon ay pakiramdam ko, lumalayo na siya sa akin.

"But that doesn't mean I will easily forgive you. At kung darating man ang araw na babalik ka sa akin, hinding-hindi na kita tatanggapin."

Hindi ko na mabilang ang mga araw na nagdaan. I lost count of days. Ilang buwan na ang nakalipas simula ang nangyaring iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unhealthy Standards (Sedulous Series #2)Where stories live. Discover now