Kabanata 2

18 3 0
                                    

Dedicated to: nzuri_ivy

Libre

Napaawang ang labi ko dahil sa presensya niya. Mabilis ang tibok ng puso ko na sa palagay ko ay hindi na ako makahinga. Taas-baba ang dibdib ko habang nakatingin sa kaniya.

Ang dalawa kong kamay ay nasa katawan pa rin niya, buhat-buhat siya. Iba't-ibang pakiramdam ang naramdaman ko. Bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa  buo kong katawan dahil lang sa paghaplos ng kamay ko sa kaniya. Ang ilang hibla ng buhok ko ay nahulog pababa sa aking nuo dahil nakayuko ako sa kaniya kaya tumusok iyon sa aking mga mata.

Agad kong inalis ang kamay ko sa kaniya at napapikit nang mariin dahil sa pagsagi ng buhok ko sa aking mata. Napakurap-kurap ako ng ilang sandali. Pagkamulat ko ay nagsalubong ang aming tingin.

Nakatitig pa rin siya sa akin, nakaawang din ang labi. Binasa niya ito kaya bahagya itong namula. Kahit basa ng tubig ang kaniyang buhok ay napakalinis pa rin nitong tingnan. Namumula ang kaniyang mga mata at ang kaniyang pisngi.

Nakasuot siya ng kulay asul na swimsuit kaya bahagyang namula ang aking tainga. Hindi sinasadyang bumaba ang tingin ko sa kaniyang dibdib kaya nanlaki ang aking mga mata. Umiwas ako ng tingin at napakamot sa aking ngayon ay namumula ng tainga.

Hindi ko tuluyang naibalik ang tingin sa kaniya dahil agad na dumapo ang mainit niyang kamay sa aking pisngi. Sa katahimikan ng lugar ay rinig na rinig ang paglagapak ng palad niya sa aking pisngi.

Agad na napabaling ang aking ulo sa kanan. Uminit ang kaliwa kong pisngi at kahit na hindi ko nakikita ay namumula na ito ngayon. I bit the inside of my cheek as I sighed heavily.

"Bastos!" sigaw niya. "Bakit mo hinawakan ang legs ko?! And you even stare at my boobs! Maliit lang siya at alam kong wala kang nakita pero napakabastos mo pa rin!"

Napatanga ako sa sinabi niya. Napataas ang dalawa kong kilay. Ilang sandali pa akong natameme sa harap niya at hindi nakapagsalita. Napakurap-kurap ako bago tumawa nang hindi makapaniwala. Huminga ako nang malalim bago nagsalita.

"Miss, hindi ganoon 'yon. Mali ang iniisip mo," mahinahon kong sabi, nakakunot ang nuo.

"Bakit? Alam mo ba ang iniisip ko? Hindi! May powers ka ba? Wala!"

Napatampal ako sa aking nuo at dahan-dahang huminga nang malalim. "Miss, mag-e-explain ako. Akala ko kasi—"

"Hindi! Hindi mo na kailangang mag-explain! You already touched my legs and you stared at my boobs! The only thing I can do is sue you!" mahaba niyang sinabi bago niya ako tinalikuran.

Parang huminto ang pag-iisip ko nang iwan niya ako roon pagkatapos ng mga sinabi niya.  Pati ang paghinga ko ay tumigil din.  Nagsalubong ang mga kilay ko at napahawak ako sa aking sentido. Parang biglang umikot ang aking mundo. Napangiwi ako.

I just had a conversation with Danaya Gaile Villaflor. Ang anak ng Governor. Ang Governor na bumili ng lupain namin.

What just happened? What was that?

Sabado noong pinatawag ako ng school sa biglaang pag-alis ko. Nagtagal ang pag-uusap namin ng Principal ng school. Hindi ko inaasahan na magtatagal iyon ng dalawang oras.

Isa ako sa mga varsity players ng basketball at nakapasok din ako sa mga top 5 kaya napahaba ang pag-uusap namin. Scholar din naman ako ng school pero marami pa rin ang babayaran kahit na ganoon. Kaya kailangan talagang tumigil kahit hindi ko gusto.

"Maraming salamat, Mr. Flores. Sana ay bumalik ka dahil kailangan ka talaga namin dito."

Napangiti ako sa sinabi niyang iyon at niyuko ko ang aking ulo. "Maraming salamat. Babalik naman po ako kapag nakaipon na."

Unhealthy Standards (Sedulous Series #2)Where stories live. Discover now