CHAPTER 13 - KUMPARE

216 16 0
                                    

LIAM

Naalimpungatan ako dahil sa bigat na nakadagan at nakatanday sa tyan ko.

Nakakainis naman, singhal ko.

Nakita ko si Miguel na nakatanday sa aking tyan at nakayakap pa sa akin, muli ko tuloy naalala nang makita ko si Miguel sa labas ng aming dormitory na sumisigaw, hindi ko masyado maintindihan yung sinisigaw niya dahil kasabay nun ang pag iyak niya, nang hawakan ko si Miguel nanghina ang katawan ko akala ko ako na ang pinaka miserableng tao dahil iniwan pero hindi pala, nang makita ko na nanghina si Miguel agad ko siyang binuhat pauwi sa loob ng aming dormitory, natigil ang pag iisip ko nang gumalaw si Miguel at nagsalita.

Baby, bat mo 'ko iniwan, sabi niya.

Mukhang inlabo ang kumpare ko ah, sabi ko sa sarili ko. Ayoko siyang magising ang sarap pa nang pagkakayakap niya sa akin at mukhang kailangan niya talaga nang makakasama. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ko kung anong oras na, alas dos palang pala, babalik na sana ako para matulog nang maramdaman ko ang paggalaw ng alaga ni Miguel sa kanang bahagi ng katawan ko. Hindi ko maiwasan mamula at manlami, kaya't sinubukan ko nang tumayo at pumunta na sa lababo, habang nasa lababo ako hindi ko maiwasan na maalala kung paano ko nakita ang paghahalikan ng nobya ko sa ibang lalaki. Kaya pala ayaw niyang umuwi ako sa condominium niya dahil may lalaki siyang tinatago doon at kinakasama. Akala ko nung lumabas ako sa condominium ay hahabulin ako nang nobya ko pero nagkamali ako,pakiramdam ko  nun na ako ang pinakamiserableng tao at pinakatanga pero andyan papala si Miguel nang makita ko siya kagabi mas nakakaawa ang kalagayan niya. Tumingin ako sa salamin upang punasan ko ang mga luha na tumutulo pero nagulat ako nang makita ko na nakatayo si Miguel sa likod ko.

Pre, salamat nga pala kagabi, pasensya kana baka naging pabigat na ako sa'yo, sabi niya sa akin.

Hindi pre, ako nga dapat ang magpasalamat sa'yo e, wala yun, pilit akong ngumiti sa harap niya at pinipilit kong hindi umiyak. Matapos kong magsalita ay nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.

Sige lang pre, alam ko may dinadamdam ka ngayon, libre pa ako ngayon para sabihan mo kase panigurado bukas may bayad na, pabiro niyang sabi sa akin pero alam kong nais niya lang mapagaan ang pakiramdam ko.

Hindi ko maiwasan na umiyak at agad na magpasalamat sa kanya, pagkatapos kong yakapin si Miguel agad kong pinunasan ang mga luha na tumulo lalo na't nakakahiya naman kay Miguel, baka isipin masyado akong OA. Matapos kong yakapin si Miguel nakita ko ang ngiti sa mukha niya, niyaya ko siyang magkape kami at sumang ayon naman si pare.

Habang nagkakape kami, naisipan kong binuriin si Miguel.

Pre, may girlfriend ka ba ngayon? tanong ko.

Bakit ilang beses mo nang natatanong yan sa akin,bakit type mo ba ako?sabi niya sa akin alam ko binibiru niya lang ako.

Wala, natanong ko lang kase kagabi nang makita kita sa kalye para kang inagawan nang kendi na bata e, grabe ka pala umiyak par, sabi ko.

Ah, yung kagabi ba? wala yun, hindi ko lang talaga kase matanggap na hindi ako nakapasa sa inapplyan kong part time job sana, sabi niya sa akin.

Ah, ganun ba, hayaan mo subukan kong ipasok ka sa coffee shop na pinagtatatrabuhan ko, sabi ko sa kanya.

Ah, hindi na nakakahiya naman sa'yo, sabi niya sa akin.

Pre, sa akin ka pa ba mahihiya, magkakilala at magkaibigan naman na tayo handa at bukas kitang tulungan anong mangyari , sabi ko sa kanya.

Sige, salamat pre, sabi niya sa akin.

Basta handa mo lang yung mga requirements mo ah, sabi ko sa kanya.

Tumango nalang siya sa akin, bago siya umalis tinanong ko muna siya kung ilan beses ko na nga ba siyang nasukahan, tumawa lang siya at sinabing madaming beses na at nakita kong namula ang mukha nito. Tumayo ako sa aking pagkakaupo at sinundan siya sa kanyang kwarto, nagulat ako nang makita ko siyang naghubad ng kanyang pang itaas na damit.

Pre, andyan ka pala, hindi ka kase nagsasalita e, sabi niya sa akin.

Ah pre, pasensya kana ah, kase ilang beses na pala kitang nadudumihan dahil sa pag iinom ko, sabi ko sa kanya.

Ayos lang yun sa akin, sabi niya sa akin sabay tapik sa braso ko.

Habang tinatapik niya ang braso ko nagkatinginan kami sa isat isa, kita ko sa mga mata niya ang saya at nakikita kong wala siyang dinadalang problema. Natigil ang pagtititigan namin nang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa. Agad akong pumunta sa lamesa at tinignan kung sino ang tumatawag sa akin nang ganitong oras, nang mabasa ko ang pangalan ni Khris sa aking cellphone ay nag init ang ulo ko, ang lakas ng loob niyang tumawag pa sa akin, ang kapal din nang mukha niya para gamitin ako, gamitin ang tatlong taon na pinagsamahan namin, oo tatlong taon kaming magkasintahan, alam nang mga magulang namin ang relasyon namin, nakatira ako sa laguna at siya naman ay lumaki sa ibang bansa kahit LDR kami ay nagmahalan kami, nagtiwala ako sa kanya pero ngayon hindi na kahit kailan man. Natigil ang pag iisip ko nang may gumulo ng buhok ko hindi ako magkakamali si Miguel ang gumawa nun.

Pinatay ko ang cellphone ko at humarap kay Miguel, niyaya ko siyang lumabas kami at pumunta sa bar, agad naman siyang tumango sa akin.

PAAOOLOO

HELLO PI, SILENT READER
PLEASE VOTE, COMMENT AND SHARE TO YOUR FRIENDS.

MR. PERVERT (BL) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon