CHAPTER 38 - HEADSHOT

140 8 0
                                    

LIAM

Naramdaman ko na itunutok ni Khris ang baril sa noo ko, habang umiiyak na ako, hindi ko maiwasan magmaka awa na kay Khris.

Khris, bat mo ba 'to ginagawa sa amin, tanong ko sa kanya.

Alam mo bakla, mahal pa din naman kita e pero mukhang baliw na baliw kana kay Miguel, kaya kung hindi man ako ang taong makakagamit sa'yo, lalong lalo na si Miguel ay hindi kana pakikinabangan at magsasama na kayo sa libingang dalawa, sabi naman sa akin ni Khris.

Hayop ka Khris, wag niyo nang iidamay pa si Miguel dito ako nalang, parang awa niyo na wag na wag niyo siyang gagalawin, sabi ko sa kanya.

Bakla, hindi namin ginusto na isama namin dito si Miguel pero dahil masyado siyang papansin at pafeeling anime character, sorry but kailangan din namin siyang iligpit na at ilibing nang buhay, sabi akin ni Khris habang tumatawa pa.

Mga gago kayo, sigaw ko sa kanya.

Naramdaman ko ang pagbagsak nang buong katawan ni Khris sa aking harapan, nang imulat ko nag aking mga mata nakita si Miguel na may hawak na malaking tabla, nakita ko din na itinulak ni Miguel si si Khris para idapa sa sahig, tinanggal ni Miguel ang mga tali na nasa kamay ko, tinanggal niya din ang mga tali sa paanang bahagi ko.

Tumakas kami ni Miguel dahil sa sakit nang katawan ko ay inalalagayan niya ako Miguel, nakita ko ang bag ko sa isang tabi at binigay ko ang aking cellphone kay Miguel para makatawag siya namg mga pulis, nakita namin na hinahabol at pinauulanan kami ng bala nang mga kasamahan nina Khris hindi kami makababa at hinahabol kami ng mga ito, umakyat kami sa itaas nang building ang rooftop at doon nakatawag na nang pulis si Miguel, bago pa man dumating ang mga pulis andito na ngayon ang mga lalaking humahabol sa amin.

Wala kaming nagawa kundi makipagbugbugan at lumaban na din sa kanila, naramdaman ko ang sapak na tumatama sa akin nang isang lalaki ngunit di ako nagpatinag sinubukan ko din siyang sapakinat lumaban, nasa panganib pa din ang buhay namin ni Miguel lalo na't ang ibang mga kalalakihan na humahabol sa amin ay may mga hawak na balisong. Maraming beses akong nasugatan pero kita ko sa mukha at katawan ni Miguel na mas marami ang natamo niyang saksak sa kaysa sa akin. Nakarinig ako nang isang malakas na pagputok nang isang baril. Kasabay nun ay ang paglabas ni Khris hawak ang isang baril at nakatutok sa amin ito ngayon.

Mga bakla kayo, ang kapal nang mga mukha niyong demonyo kayo na patayin si Adrian, lalo kana, sabi niya sa amin at tinutok niya kay Miguel ang baril na hawak niya ngayon.

Hindi maalis ang kaba ngayon sa aking katawan at natatakot ako na baka iputok niya ang baril na hawak niya ngayon.

Narinig ko ang pagdating nang mga pulis, tinatawag kami nito ngunit asa taas pa din kami, sinubukan kong sumigaw nang malakas pero agad nang nagpaputok nang baril si Khris at nagbanta ito sa amin.

Umalis si Miguel sa tabi ko at agad nang nakipag agawan nang baril kay Khris habang ako ay tulala pa din ako sa nangyari sa kanila ngayon, narinig ko na pinapaalis na ako ni Miguel.

Pre, tumakas kana, umalis kana dito, bumaba kana, sabi niya sa akin.

Hindi ako aalis pre, sabay tayong bababa, sabi ko sa kanya.

Hindi ko na kaya Liam,bumaba kana, sabi nito saakin.

Mahal na mahal kita Liam, wag mong isipin na galit ako sa'yo, mahal na mahal kita,hayaan mo na ako, ako na ang bahala dito, sabi niya pa sa akin.

Miguel pre, mahal din kita, sabi ko sakanya habang umiiyak.

Bumaba kana, singhal niya sa akin.

Bago pa man ako makababa nakarinig ako nang isang malakas na pagputok nang baril at doon nagsimulang bumuhos lalo ang mga luha ko. Hindi ko na nakayang bumaba pa at sinubukan kong umkyat muli sa itaas.

Nakita kong paakyat na din ang mga pulis at habang papakyat ako nankita ako nang isang taong nakabulagta ngayon sa sahig nang tignan ko ay si Miguel iyon agad akong lumapit sa kanya at kita ko ang dugong tumatagas sa kanyang tyan, hinanap nang mga mata ko si Khris kung nasaan siya, nakita kong lumapit siya sa akin at nagsalita.

Pasensya kana Liam, sabi nito sa akin.

Bago pa man mahuli nang mga pulis si Khris agad siyang tumalon sa rooftop at doon mismo nakita ko kung paano siyang tumalon sa mataas na bahay na ito, bumalik ang tingin ko kay Miguel nang marinig kong nagsalita pa siya.

Mahal na mahal kita pre, sabi nito sa akin at nagsimula na siyang pumikit.

PAAOOLOO

HELLO PI, SILENT READER
PLEASE VOTE, COMMENT AND SHARE TO YOUR FRIENDS.

MR. PERVERT (BL) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon