CHAPTER 41 - WISH NI TITA

131 8 0
                                    

LIAM

Tita, okay lang po, ano po ba ang itatanong ninyo sa akin? tanong ko naman ngayon sa mama ni Miguel.

Ah, iho gusto ko lang malaman kung may relasyon ba kayo nang anak ko? gusto ko na magsabi ka sa akin nang totoo ah, sabi ng mama ni Miguel sa akin.

Sa totoo lang po tita wala po kaming relasyon ni Miguel pero may nararamdaman po ako sa anak ninyo tita, tita napamahal na po sa akin si Miguel hindi lang bilang kaibigan.

Iho, sasabihin ko sa'yo ang totoo, hindi ko inasahan na darating ang araw na magmamahal ang anak ko nang kagaya niyang lalaki. Iho, ayoko kitang saktan pero pwede ko bang hingiin sa'yo ang isang pakiusap na layuan mo ang aking anak, ayoko man maging hadlang ang pagmamahalan ninyo pero naiisip ko din na mahaba pa ang panahon niyo, mabuting huwag kayong magpadalos dalos sa mga bagay na ganito lalo na't sa pagpasok sa isang relasyon, pagnagkamalay na ang aking anak ay gusto kong kunin siya at pag aralin nalang sa bagong paaralan na malapit sa amin, ayokong maging kontrabida sa pagmamahalan ninyo pero naiisip ko din naman na balang araw ang anak ko ay magkaroon nang isang buo at masayang pamilya. Alam kong mahirap ito sa'yo pero sana magkaparehas tayo nang iniisip, gusto kong mapabuti ang buhay nang anak ko, gusto ko siyang maging masaya muna siya sa buhay niya ngayon at makapagtapos nang kanyang pag aaral.

Tumango tango na lamang ako sa mama ni Miguel, sa tingin ko wala naman talaga akong magagawa lalo na't mama na ni Miguel ang nagsabi sa akin at humingi nang pabor. Sa tingin ko ang pabor na hinihingi sa akin nang nanay niya ang papatay sa akin hindi ang mga pasa at sugat na ngayon ay iniinda ko, pero ayoko namang kalabanin ang nanay ni Miguel, naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang nanay ni Miguel at gusto niya lang pangalagaan ang anak niya, gusto niya lang mapunta sa mabuti at maayos na kinabuksan ang sasalubong para sa anak niyang lalaki. Tumingin ako sa walang malay na si Miguel, hiniling ko na sana naririnig niya kami ngayon nang nanay niya, sana magising na siya hindi nalang para sa akin kundi sa sarili niya at sa mama niya ngayon na nakatingin din sa kanyang mahimbing na pagkakatulog.

Niyaya ko ang mama ni Miguel na kumain muna kami nang lugaw na binili namin ni Arthur kanina sa labas. Kumain kami nang sabay nang mama ni Miguel, nabalot nang katahimikan ang buong kwarto ni Miguel, nang matapos kumain ang mama ni Miguel ay agad na itong napaalam sa akin at sa kanyang anak, kinissan nito ang anak sa nuo  at nagpaalam na sa amin, nang marinig kong sinara na nang mama ni Miguel ang pintuan ay agad akong tumingin Kay Miguel,
habang nakatingin ako sa nakahigang si Miguel hindi ko maiwaan maluha at umiyak nang umiyak at sinubukan ko nang hawakan ang kamay nito, habang hinahaplos haplos ko ang palad ni Miguel naiisip ko na baka ito na ata ang huling mahahawakan ko ang kamay ni Miguel. Nang isang oras na akong nagbabantay kay Miguel pumasok si Arthur may daladala itong mga prutas.

Ayos ka lang ba Liam? tanong sa akin ni Arthur.

Ayos lang ako pre, sabi ko naman sa kanya.

Ako na ang magbabantay sa kanya, umuwi ka muna kaya, sabi nito sa akin.

Hindi, ako na magbabantay, kaya ko pa, sabi ko sa kanya sabay nag like sign pa ako sa kanya.

Wag mong pabayaan ang sarili mo ah, gusto ko pagnakita ka ni Miguel maayos ka ah, ayoko naman sisihin ako nitong si Miguel na baka hindi kita inasikaso, sabi nito sa akin sabay tawa.

Okay lang talaga ako, sabi ko sa kanya.

Ayoko naman sabihin pa sa kanya na pagmulat nang mga mata ni Miguel ay hindi na niya ako makikita, hindi na niya ako makakasama.

Tumayo ako sa aking pagkakaupo at niyakap nang mabilis si Arthur, mukhang nagtaka naman si Arthur, bago kami maghiwalay sa pagkakayakap nagpasalamat ako sa kanya nang sobra sobra lalo na't sa mga ginawa niya hindi nalang para sa akin kundi kay Miguel ngayon.

Gabi na at andito pa din ako katabi si Miguel, hindi kami pumasok ngayong araw sa aming klase pati din si Arthur, nakaidlip na din ako sa tabi ni Miguel, hinaplos ko ang mga mukha ni Miguel at nagsimula ulit tumulo ang mga luha ko. Kinalabit ako ni Arthur at mukhang niyayaya niya akong kumain na, kahit napadungis ko na dahil sa dami kong sugat balewala lang ito sa sakit na dinulot ko kay Miguel at sa pagkamatay ni Khris. Tatayo na ako papunta sa lamesa kung saan kumakain si Arthur pero hindi ko na napagpatuloy ang aking paglalakad dahil ang paningin ko ay nagsimulang magblurred para makita pa si Arthur at bigla nalang nag dilim ang buong kapaligiran sa paningin ko at naramdaman ko na bumagsak ang katawan ko sa isang matigas na bagay.

Nagising ako at naramdaman ko may mga bandages na ang mga sugat na kanina ay natamo ko, nakita ko si Arthur na alalang ala sa akin ngayon, tumingin ako sa kanya at nagtanong kung bakit andito ako, sinabi niya na bumagsak daw ako kanina bago kami kumain. Pinainom niya ako nang tubig at sinubuan niya na ako para makakain, humingi ako nang tawad sa kanya lalo na't nagiging pabigat na ako sa kanya ng sobra sobra, pero nagulat ako nang guluhin niya ang buhok ko at nagbigay nang isang matamis na ngiti sa akin.

Dumating na din si Karl sa aking kwarto, kinamusta niya ako at sinabihan niya din ako na magpahinga muna ako sa dormitory namin ni Miguel, hinatid ako ni Arthur sa dormitory namin at sinabihan ko siyang inggatan nila si Miguel at salamat sa oras na itinuon nila sa amin ni Miguel.

PAAOOLOO

HELLO PI, SILENT READER
PLEASE VOTE, COMMENT AND SHARE TO YOUR FRIENDS.

MR. PERVERT (BL) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon