CHAPTER 26 - TRAGIC KISS

160 9 0
                                    

MIGUEL

Nang makita ko naman na nag eenjoy si Liam dito sa bar, naisipan ko nang lumabas at sumakay na sa motor ko ngunit nagulat ako nag bigla may humawak sa kanang palad ko.

Pre, bakit ka pumunta pa dito? tanong niya sa akin.

Wala lang, hinanap lang kita kase sabi mo uuwi ka nang maaga sa dormitory pero nung pag uwi ko wala ka naman pala doon.

Ah, e, oo naisipan ko lang kasing pumunta nalang dito sa bar, sabi niya sa akin.

Sige, mukhang ayos ka naman, una na ako pre, sabi ko pero bago pa man ako makasampa sa aking motor nagulat ako nang biglang hilahin ni Liam ang mukha ko at pilit itong ipalapat sa kanyang labi.

Nang magdikit ang labi namin, agad kong tinangal ito dahil alam kong  hinahanap na siya nang mga babaeng  nagpapapansin sa kanya sa loob ng bar, sumakay ako nang aking motor at iniwan siya sadyang binilisan ko ang pag andar nito.

Nang nasa kalagitnaan ako nang kalye di ko maiwasan at pumasok sa isip ko kung bakit ba ako nagiging baliw kay Liam, bakit ako nagseselos naalala ko ang mga araw na magkasama kami, mga ginawa namin na magkasama lalo na sa tuwing naglalapat ang aming mga labi.

Hindi ko maiwasan na magkagulo gulo at kulang na lang sumabog sa utak ko ang selos na nakita ko kanina at galit sa aking sarili. Tumigil ang pag iisip ko nang sobrang lalim nang biglang nakita ko nalang ang isang sobrang liwanag na papalapit sa akin.

LIAM

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ginawa ko yun kay Miguel, siguro nga nahuhulog na ako sa kanya, sa totoo lang di ko alam kung sino talaga ako at sino ang gusto ko, habang papasok na ako sa bar, biglang may tumawag sa akin, agad ko itong binuksan at nakita ko ang pangalan ni Karl. Nagtaka ako kung sino si ang Karl na kakilala ko lalo na't hindi naman nagbibigay kung kani kanino ng aking cellphone number. Sinagot ko ang tawag nito sa akin, nanlamig ang katawan ko nang marinig ko na kasalukuyang nasa ospital ngayon si Miguel at naaksidente sa kanyang motor.

Agad kong tinanong si Karl, kung saan ko kaagad makikita si Miguel. Binigay naman kaagad ni Karl sa aking ang kasalukuyang ospital na pinagdalahan si Miguel. Habang nasa loob ako nang taxi, sobra sobra ang pagdarasal ko na sana maging maayos ang kalagayan ni Liam. Hindi ko tuloy maiwasan na sisihin ang sarili ko, kung bakit pa rin ba hindi ko alam ang gusto at kilala ang sarili ko, sinabihan ko ang taxi driver na naghatid sa akin na pakibilisan ang pag andar lalo na't mukhang traffic.

Nang makababa ako sa taxi na aking sinakyan agad akong nagtanong sa nurse na nakapwesto sa counter kung saan nakakwarto ngayon si Miguel Santiago. Habang hinahanap ko ang 115 room ay kinakabahan talaga ako, hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin kay Miguel at ano ang unang gagawin ko, agad akong kumatok sa kwarto ni Miguel. Nanlalamig ang mga kamay ko at di ko maiwasan na magpasmado ito. Bumungad sa akin ang kababata ni Miguel na si Karl at nakita ko si Miguel na nakahiga ngayon sa kama. Agad akong lumapit kay Miguel di ko maiwasan na maiyak ngayon sa kalagayan niya, hinaplos naman ni Karl ang aking likod para ipaalam sa akin na tumahan na pero di ko talaga maiwasan umiyak. Nakarinig kami ni Karl nang isang tunog na mula sa cellphone niya, agad niyang sinagot ang tawag at nagpa alam sa aking lalabas muna siya. Naiwan akong magbantay kay Miguel ngayon, naisip ko tuloy kung gaano ako kagago kung bakit ko ginawa kay Miguel ang paghalik ko sa kanya, kung hindi dahil sa halik ko sa kanya wala sana siyang mga galos at nakahiga ngayon dito sa kama.

Miguel, gumising kana, umuwi na tayo, doon na lang kita aalagaan, pasensya kana kase dahil sa akin andito ka ngayon, sorry pre, pre, sabi ko sa kanya habang patuloy pa din na umiiyak.

Natigil ang pagsasalita at mas lalong bumuhos ang mga luha ko nang gumising si Miguel at mukhang ininda pa ang sakit sa katawan na kanyang natamo. Hindi ko maiwasan na yakapin si Miguel at nagulat ako na ngumiti ito sa akin.

Liam pre, akala ko mamamatay na ako, buti andito ka sino ang ang sabi sayo na andito ako? tanong niya sa akin.

Si Karl, si Karl yung nagdala sayo dito at sinabihan niya lang ako, pasensya na pre, pasensya na kase nadala ako nang tukso at nagawa ko lang yun sayo, pagpapaliwanag ko sa kanya.

Ayos lang pre, sabi niya sa akin.

Atsyaka kasalanan ko din naman 'to kasi lutang yung isip ko nung nagmamaneho ako, wala kang kasalanan, sabi niya sa akin.

Nagkatinginan kami ni Miguel at mukhang kahit maraming pasa ang nakuha nito mula sa aksidente, masasabi ko na ang mga mukha pa din nito ay walang kupas, ang gwapo pa din niya sa paningin ko, agad naman natigil ang pagtitig ko sa kanya nang may magbukas nang pintuan.

Bro, may dapat na ba akong malaman sainyo? singit naman nitong si Arthur.

Anong dapat malaman Miguel? tanong ko dito.

Ah, wala baliw ka talaga dito ka nga bro, sabi ni Miguel kay Arthur.

PAAOOLOO

HELLO PI, SILENT READER
PLEASE VOTE, COMMENT AND SHARE TO YOUR FRIENDS.

MR. PERVERT (BL) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon