Bölüm (二十六)

70 14 5
                                    

Warning: Violence and Language

Paalala ito sa mga readers na hindi sanay sa scene na sakitan. Dito pa lang ay binabalaan ko na kayo. Baka maka trigger ito ng mental health niyo.

_____________

Sa unang pagmulat ng mga mata ni Pieris ay malabo ang kaniyang nakikita hanggang nasanay na ito sa paligid at liwanag.

Nagbaba siya ng tingin sa sarili. Naka pang-ospital na ang kaniyang suot. May mga cable ring naka kabit sa kaniya at bigla siyang nakaramdam ng sakit sa isa niyang braso, kung saan banda ang tama ng palaso na may lason. May bandage na iyon at mukhang ginamot ng mabuti.

May napansin rin siyang marka ng injection sa kaniyang balat. Tinurukan siya niyon upang labanan ang lason na unti-unting kumakalat sa kaniyang katawan. Sino man ang nakaisip agad ng pwedeng igamot sa nakalalasong halamang iyon ay isang magaling na doktor.

Nabaling ang tingin niya nang may naghawi sa kurtina sa gilid ng hinihigaan niya.

Kaagad nabaling ang tingin niya sa lalaking may suot na puting coat na mukhang doktor. Maputi, may katangkaran, may angking gandang lalaki at higit sa lahat ay may berdeng mga mata.

May kasama itong nars, nginitian siya ng mga ito. "Ow you're awake now" aning doktor.

Nailibot ng Prinsesa ang kaniyang paningin. May nakita siyang ibang pasyente doon, ang ilan ay natutulog. Narinig niyang may sinabi ang nars at doktor sa kaniya saka nagpakilala ngunit hindi niya na inintindi ang ilan sa mga sinabi nito.

Pilit inaalala ng Prinsesa kung bakit siya nasa ospital. Hanggang sa sumagi sa kaniyang isipan ang lahat ng pangyayari. Bigla na lang nanlabo ang kaniyang paningin sa humaharang na mga luha.

"Hey!" napahabol ng 'di oras ang doktor nang bumaba na lang bigla si Pieris at pinagtatanggal ang mga nakadikit sa kaniya.

Kumaripas ng takbo kahit naka paa lang, habang nililingon ang paligid "Mama! Mama! Ma!" pilit hinahanap si Jaslyn habang humihikbi. Para bang nawawalang anak.

Panay ang habol sa kaniya ng mga nars hanggang sa magwala ito nang siya ay mahuli at tinurukan ng pampakalma.

.
.
.

Nag-iimbestiga ang mga pulis ngayon tungkol sa mga nangyari. Kabilang si Pieris sa nagbigay ng panayam. Ang ilan sa kaniyang mga sinabi ay totoo ngunit ang ilan ay hindi, gaya na lamang nang hindi niya kilala kung sino ang bumaril kay Jaslyn.

Pinalabas niya na isang hindi pa nakikilalang delikadong tao ang gumawa noon kaya nadadamay si Ernesto sa kaso dahil sa may record ito sa pagkakakulong noon.

Kung sasabihin niya kase na kilala niya si LIVE baka maging kabilang siya sa suspect dahil sa kalahi niya ang mga ito at posible rin na maghinala ang mga tao na may kinalaman ang Prinsesa sa pagpatay dahil sa hindi niya naman kadugo si Jaslyn.

Gayon pa man ay nakatutulong rin ang mga pekeng dokyumento ng pagkatao ni Pieris upang malayo siya sa kaso'ng iyon at maghanap ng panibagong suspect at witness. Bukod sa Prinsesa, may isa pang naging witness pero hindi pa ito nakikita ni Pieris. Tanging nasabi lang ay lalaki ito, mukhang iba ang lahi at mas matanda ang edad kays sa kaniyang Ama. Hindi naman daw kulay hazel ang mga mata nito.

Ang lalaking iyon mismo ang tumawag ng pulis at ipinasugod agad siya sa ospital lalo na si Jaslyn ngunit ang babae lang ang hindi nakaabot sa kaniyang buhay dahil sa marami ang nabawas na dugo.
.
.
.

Ang lahat ay nakikiramay sa lamay ni Jaslyn lalo na sa mga magulang nito na humagulgol sa pagkamatay ng kanilang anak. Naririto ang lahat sa kanilang tahanan. Nandoon ang mga kamag-anak ni Jaslyn, ang mga kasamahan na madre noon sa simbahan, naroroon rin ang ibang guro na nakatrabaho ni Jaslyn at ilan pang kakilala nito.

I'm brOKenWhere stories live. Discover now