Bölüm 三十一

83 12 1
                                    

Oo tol. T angina talaga, hinabol talaga ako!

HAHAHA!

hindi ko akalain mahahabol niya ako, e ang put angina alam pala ang shortcut doon

HAHAHA tapos, tol?

G ago tol binalibag ako ng baklang 'to!

HAHAHA oh tapos?

Tapos mukhang pati siya hindi niya daw alam paano niya ako binalibag sa payat niyang 'yan!

Oh? HAHAHA tapos?

Ta's nung tanungin ko siya tol kung kaninong grupo siya kase imposibleng magawa niya iyon kung hindi siya kagaya sa atin o kung may nagturo ba sa kaniya, alam mo ba sinagot niya?

Hindi, nyeta kinekwento mo pa lang e, HAHAHA tapos?

De p uta! Sinagot niya si kung-fu panda daw!

HAHAHA laptrip tol, tapos?

Bahagyang nangunot ang nuo ko sa ingay. May dalawang lalaki akong naririnig na nag-uusap. Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Malabo ang aking nakikita pero kalaunan ay luminaw rin, ako ay nasilaw kahit hindi ganoon kaliwanag ang bumbilyang nakikita ko.

Patuloy ang mga lalaki sa pag-uusap na pakiramdam ko ay pamilyar ang kanilang pinag-uusapan. Pamilyar ang kanilang mga boses.

Ganon?

HAHAHAHA PU KI NG INANG 'YAN! HAHAHA

Sabay pa silang nagtawanan nang marahan ko silang nilingon. Nasa may gilid ko lang sila. Malapit naman sila sa isa't-isa, ang hindi ko alam kung bakit sila parang nagsisigawan kung mag-usap. Napapahampas pa sa kung saan kakatawa.

Joker yata ninakawan mo, tol!

Wirdu ang t angina!

HAHAHAHA!

Nailibot ko ang aking paningin. Mukhang hindi nila agad naramdaman na gising na ako. Hindi ko alam kung nasaang kwarto ako, madilim ang kulay ng pagkakapintura dito sa pader. Hindi ko mawari dahil sa nahihilo pa ako ng kaunti lalo na sa amoy rito na masangsang. Para bang..

amoy nabubulok na dugo

Ang baho, saan nanggagaling iyon?

Iniangat ko pa ng kaunti ang aking ulo upang matignang mabuti kung nasaan ako. Kaagad kong napansin na makalat dito at hindi gaanong kalakihan ang silid na ito. Namalayan kong nakahiga ako sa isang sopa. Sa gilid ko ay may katabi akong nebulizer at maliit na planggana na may lamang bimpo at tubig.

Nasan ako?

G ago! Ginawa niya 'yun!?

Oo nga paulit-ulit t angina neto.

E kumusta 'yung si buldog?

Ayon, tulog. Tinadtad ba naman ng suntok at tinuhod. Basag na siguro panga no'n panigurado

HAHAHA put angina nahiya pa hindi na lang pinalipit ang leeg! HAHAHA

HAHAHA put angina talaga itong nanakawan ko, parang minalas ako bigla 'tol

Patuloy nila sa pag-uusap, para bang isang daga lang ang pinag-uusaan nila. Hindi ko alam sinong papalipitin ang leeg.

Napagmasdan ko ang aking sarili. Naka bandage na ang bali ko sa kaliwa kong kamay. Bigla silang natahimik, hindi ko alam ang dahilan. Patuloy ako sa pag-aaral ng sarili. Mukha ring kagagamot lang ng mga sugat ko lalo na sa aking kamao...at..at..

I'm brOKenWhere stories live. Discover now