Bölüm 四十

81 14 6
                                    

Nasa banyo ako ngayon dito sa Campus at wala sa dorm. Abala ako sa paglalaro ng balisong na hawak ko habang umiihi. Ilang beses na akong nasusugat nito sa tindi ng pagsasanay ko, pero wala na lang sa akin iyon.

Wala ako sa mood. Paano ba naman ay ilang beses tumanggi sina James at Lito sa balak kong pagsali sa natukoy na kakaibang pustahan na iyon. Pakiramdam ko tuloy ay hindi lang kakayahan ko ang minamaliit nila kundi ang pagiging bata at babae ko.

Palabas na ako ngayon sa banyo nang matapos ako, naitago ko na rin ang balisong na sa bag ko na hiniram ko. Nakapamulsa akong naglakad nang mahinto ako, nagkasalubong kami ni kuya Daxton. Napatingin siya sa akin, agad ko siyang nilampasan na kalmado lang na naglalakad.

Sa Cafeteria.

Kita ko sa 'di kalayuan sina ate Betty pero hindi ako nagpahalatang nakita ko sila. Magkaiba ang schedule nila ate kaya nauna pa sila dito dahil iba-iba kase ang mga kurso nila.

May natira pa naman na pera sa ibinigay nila Lito sa akin para daw sa panggamot ko kaya may pambili ako ngayon ng pagkain. Iyon nga lang ay wala ako no'ng card na ginagamit nila para sa pambayad, susubukan ko na lang kausapin na naman ang tindera.

Lumakas ang usap-usapan dito lalo na't medyo maraming tao ngayon ramdam ko rin ang pagdating nila kuya Dax kasama ang mga kaibigan niyang sina kuya Travis at Rowan.

Papalapit na sila sa pila kung nasaan ako nakapila, naaamoy ko na kase ang mga pabango nilang panlalaki.

Naka-order na ako at babayad na lang. Mukhang kilala na ako nitong tindera dahil sa palagi kong pamimilit na magbayad gamit ang pera at hindi card, kulang na lang ay mainis na siya sa akin agad nang magkatinginan kami, peke at pilit akong sinubukang ngumiti sabay pasimpleng abot ng 500 pesos.

Naririnig ko ang impit na tawanan sa tabi kong mga kababaihan nang makitang pera ang iniabot ko. Iyon 'yung napapansin ko ng palagi akong pinag-uusapan ng kung anu-ano sa t'wing nakakasama ko sila kuya Dax, sila rin 'yung nang-insulto sa akin niyong hinila ako nila ate dito sa Cafeteria at wala akong pambili kaya nilibre ako ni kuya.

"Hay nako hija, sa susunod talaga ay hindi ko na tatanggapin 'yan" taas kilay na reklamo ng tindera at parang naiinis na kinuha ang pera, sinuri pa kung totoo iyon.

"Tss, at least nga nagbabayad" bulong ko pa.

Tuluyan ko ng nakuha ang order ko. Kita ko sa gilid ng mata kong kasunod ko na lang pala sila kuya Dax na ipinagtaka ko, kanina lang kase ay nasa dulo sila ng pila ngayon ay halos kasabay ko na silang mag-order. Nagagawa nga naman ng sikat at mayaman.

Maraming tao dito pero hindi naman siksikan dahil sa napakalawak nitong Cafeteria nila kaya ang ikinakunot ng nuo ko ay ang pasimpleng patulak sa akin nitong mga babae na nagsitawanan kanina para bang siksikan dito. Mabuti na lang at hindi ako madaling matumba.

Hindi ko na lang sila pinansin saka dire-diretsong naghanap ng mauupuan.

"Sis, dito oh!" rinig kong tawag ni ate Wendy sa akin pero hindi ko sila binalingan ng tingin at dire-diretso lang ang paglalakad palampas sa kanilang tatlo. Alam kong dismayado na ngayon ang mga mukha nila.

Nakahanap na ako ng mauupuan ko sa pinakadulo, kahit malayo ay nilakad ko dahil sa iyon lang ang may espasyo. Akmang lalapit na ako sa pwestong iyon nang may magmamadaling kalalakihan na inunahan akong maupo doon. Nababagot ko silang tinignan nang makita ko ang palihim na pangisi nila.

Hindi ko na lang ito pinansin at naghanap na lang ng ibang mauupuan, kung saan nasa gitna naman ako at wala sa dulo kaya hindi ko ramdam ang pagkain ko matapos kong magdasal na kanina, dahil sa mga matang napapalingon sa akin. Isa sa dahilan kung bakit gusto ko sa dulo lang.

I'm brOKenWhere stories live. Discover now