Bölüm (三十)

74 13 1
                                    

Namimilog ang aking mga mata mula sa aming posisyon. Napamaang akong naialis ang aming mga labi—————este sa pagkakadampi ng aming mga labi. Hindi ko na alam ang susunod na hakbang na gagawin at nagugulat kaming dalawa na nagkatitigan.

Hindi maproseso sa aking isip ang nangyari lalo na't nahulugan pala ako ng bote ng shampoo. Nadagdagan tuloy ang aking bukol na no'ng nakaraang araw lang ay inumpog ako ni Papa sa couch. May helmet siguro ang bungo ko kaya buhay pa ako ngayon.

Hawak niya pa rin ang kaliwa kong kamay na napahigpit ang hawak doon nang akma ko itong aalisin. Napadaing ako sa sakit, mukhang may bali ako doon.

Nagbaba ako ng tingin sa kaniyang labi, dumudugo iyon. Dahil siguro sa pagbagsak ko at gayon din sa akin dahil sa nakaramdam ako ng hapdi sa labi.

"What are you looking at!?" aniya kasabay nang malakas na pagtulak sa akin.

Napagulong ako sa sahig. Napapikit sa sakit ng pagkakatama ng mga pasa ko sa katawan mula sa pagkakatulak niya. Nang lingunin ko siya ay nakatayo na kaya mabilis akong napabangon at nakaupo na umaatras papalayo. Mukha siyang galit habang pinupunasan ang kaniyang labi.

Wala na akong maatrasan dahil nakasandal na ako sa kung saan habang siya ay papalapit sa gawi ko at dinakma ang damit ko sa may leeg. Nilamukos niya, pilit akong pinapatingin sa mga mata niya dahil sa panay ang iwas ko. Kinakabahan na baka saktan niya ako.

"Do you know what you did!?" mataas ang kaniyang boses, inalog ako.

"I could put you in jail for theft!" pagbabanta pa niya dahilan upang mapatitig ako sa kulay berde niyang mga mata.

Pamilyar ang kaniyang mga mata, parang may kamukha siya. Namalayan kong namumula ang kaniyang pisngi.

Ikukulong ako?

Hindi..

Sawa na akong makulong..

Baka hindi na naman ako makakain...

Hindi rin makagamit ng banyo...

"You can put me in... jail?" paninigurado ko pa sa aking narinig.

Nang magsalita ako ay walang pinagkaiba ang kaniyang reaksyon sa mga taong unang marinig ang boses ko. Lagi naman'g gano'n.

"Yes! You could also be jailed for stealing... my.. first k-kiss!"utal niya pang pagbabanta, lumuwag ang kaniyang pagkakahawak sa akin.

Pinagmasdan ko siya, sinusuri kung nagsasabi ba ng totoo. Kase pinagtataka ko kung bakit mas mukha pa siyang kabado kaysa sa akin, pinagpapawisan pa kahit ang lamig dito.

"K" pagbasag ko ng katahimikan, napangiwi siya.

Kung hindi ako nagkakamali, sa aking pinagmulan. Walang nakadipende sa edad o katayuan sa buhay ang maaaring mapaparusahan dahil kapag nagkasala ay kaagad mapaparusahan kapag napatunayan sa paglilitis.

"Before you put me in jail, can I eat first?" paalam ko, kinapalan ko na muli ang aking mukha.

"I'm starving.." ako'y napayuko. Sumasakit na naman ang aking tiyan dahil sa wala akong kain.

"I just want to eat... I apologize for stealing" humihina ang boses ko.

Ikinatigil ko nang bigla niya akong binitawan. Nag-angat muli ako ng tingin sa kaniya, nakita kong nagbaba siya ng tingin sa kaliwa kong kamay. Namamaga pa rin iyon at nangingitim na, may namuo ring dugo. Pasimple kong itinago ang kamay ko dahil sa napatitig siya doon.

I'm brOKenWhere stories live. Discover now