Chapter 3

3.8K 69 4
                                    

"Ate! Ate!" Napabangon ako sa sigaw ng kapatid ko.

"Oh, bakit?"

"May artista sa baba! Hinahanap ka! Ang gwapo niya ate!!" Napatakip ako ng tainga sa lakas ng tili ng kapatid ko.

"Dali Ate!" Hinihila niya ko patayo ng kama.

"Teka nga, Mikka! Kalma pwede? kalma?"

Inabot ko 'yung cellphone ko kasi panay ang alarm.

Teka! 5:30 AM pa lang ah. Sinong pupunta dito sa bahay ng 5:30 ng umaga? Tapos artista pa daw?

Maya maya lang, may bumusina ng sunod sunod na akala mo may emergency.

Dumungaw ako sa bintana at nakita ko ang bestfriend ni Santanas!

"Hoy! Babaeng pinaghalong breed ni sleeping beauty at ugly duckling!" Sigaw niya habang panay pa din ang busina niya sa sasakyan niya.

"Hoy ayos ka ah! Ano ako?! Magandang duckling!"

"Ang kapal mo naman! Sleeping Ugly ka!"

Bwisit na lalaki 'to! Ang aga mambwisit! Nakakaasar!! Ang ingay ingay pa ng busina!

"Hoy! Bestfriend ni santanas! Tigilan mo yang busina mo! Nakakaistorbo ka ng kapitbahay!" Nginitian niya ako ng ngiti niyang pangsantanas.

"Come here and make me stop!"

"Aba't- Hala ka!!"

Biglang may dalawang lalaki na lumapit sa kanya at pinagtulungan siyang sapakin.

Tatakbo na dapat ako pababa pero humarang na naman si Mikka na akala mo nasapian.

"Hoy! Anong nangyari sayo?"

Nangislap ang mga mata niya na parang nananaginip ng gising.

"Ate... Para akong nanunuod ng teleserye ng live. Nakakakilig kayo. Sige.. papaubaya ko na lang siya sayo. Mas bagay kayo e."

Napairap na lang ako sa imahinasyon ng kapatid ko

Kabata bata e.

"Milette!" Sigaw ng boss ko! Sht! Ginugulpi na pala siya sa labas.

Halos magpagulong na ko pababa ng hagdan sa pagmamadali.

"Manong! Manong! Boss ko po 'yan!" Awat ko sa kanila.

"E gag0 pala 'tong boss mo e! Ang aga aga mambubulabog!"

Binigyan pa siya ng isang suntok sa sikmura.

"Sorry na po." Nagpagitna na ako sa kanila.

Naku kung hindi ko lang boss 'tong lalaking 'to. Ako pa mismo magpapabugbog sa kanya!

"Sa susunod na mambulabog yan dito Milette, di na namin 'yan pauuwiin nang nakakalakad" Umalis na din naman agad 'yung dalawa naming kapitbahay.

Mabuti na lang.

Inakay namin ni Mikka papasok ng bahay 'yung boss ko pero ayaw niya.

"I'll stay in the car." Hindi ko na siya sinagot pa. At pabalyang binitawan.

"Ouch! I'll sue everyone of you!"

"E kung isuksok ko kaya 'tong kamao ko dyan sa bibig mo."

"Ate..." Hinawakan ako ni Mikka sa braso.

Hay naku.

"E bakit ka ba kasi nandito? Pano mo nalaman ang bahay ko?"

Montenegro Brothers Series 2 - RAFAELOù les histoires vivent. Découvrez maintenant