Chapter 5

3.1K 67 13
                                    

Nagising ako sa sunod sunod na ring ng phone ko.

"Hello?"

"Good morning Milette. This is Guillianne. Please take Rafa here at the office may Board Meeting at 8 am."

"Wha- ouch!" Napabangon ako bigla kaya naramdaman kong sumakit ang balikat ko.

"You okay?" Halata ang pag aalala sa boses na nasa kabilang linya.

"Yes. I'm okay. What if ayaw niya?" Tanong ko. Dahil siguradong may ibang balak gawin ang NAPAKATINO kong boss.

"Do everything. Bye"

"Wait!"

Bago pa man ako makapagreklamo naputol na ang tawag.

Anong gagawin ko? Paniguradong papairalin na naman ng boss ko 'yung pagkamatigas ng ulo niya.

Lumapit ako sa pintuan ng kwarto niya at kumatok. Pero wala akong narnig na sagot o kahit anumang ingay mula sa loob.

Kumatok pa ko ng isang beses. Pinihit ko na lang 'yung door knob at nakabukas iyon. Untiunti kong binuksan ang pinto.

Mahimbing pa din ang tulog niya kaya lumapit ako.

Mukhang anghel 'tong lalaking 'to pag tulog. Akala mo kung dining mabait, e. Kahit may pasa siya ang gwapo niya. Parang ang sarap kurutin ng pisngi niya. Grabe, kung hindi ko lang alam ang ugali nitong lalaking 'to baka crush ko na siya.

Wala naman siyang abs pero bakit parang ang hot niya sa suot niyang boxer shorts. Payat siya kumapara sa kuya niya. Pero ang hot pa din niya.

Bakit ba ang hot hot niya? Bakit ang hot na din dito?

At shemay! Bakit ko ba pinagnanasahan 'tong lalaking 'to.

"Ah, boss?" Tinapik ko siya ng kaunti.

Nagulat ako ng hawakan ni boss ang kamay ko.

Hinila ko iyon pabalik pero mas hinatak niya lang ako kaya nasubsob ako sa dibdib niya. Triny kong tumayo pero niyakap niya ko ng mahigpit.

Ramdam na ramdam ko yung paghinga niya at amoy na amoy ko ang alak sa katawan niya. Ang hot hot talaga niya. Pakiramdam ko tuloy pinagpapawisan ako kahit na malakas naman ang aircon sa kwartong 'to.

"Don't leave me, okay?"

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa sinabi niya. Hindi dahil feeling ko na kelangan niya ko. Hello? Kakakilala lang kaya namin. Feeling ko there's someone in his life that left him. And until now he can't move on.

Baka ex-girlfriend niya na mahal na mahal niya...

Nang maramdaman ko ang unti unting pagluwag ng mga braso niya na nakayakap sa akin. Tinanggal ko na din iyon.

I decided na magready muna ako bago ko siya gisingin.

After some time. Tapos na ako magayos ng sarili ko at mga gamit. Linapitan ko na naman siya para gisingin.

"Boss?"

Ngumiti siya pero nanatiling nakapikit ang mga mata niya.

"You smell like my shower gel... And I missed it"

Nagtaka ako sa sinabi niya.

"Boss, may meeting po kayo."

"Let's cuddle first, baby"

Napayakap ako sa katawan ko.

Lord my precious body! He wants to touch it again!

"Ouch! What the hell is your problem?!"

Napabangon siya sa lakas ng sampal ko sa kanya.

"You?! What the hell is your problem?" Balik na tanong ko sa kanya.

Napasabunot siya sa sarili niya.

"Fck this life! Natutulog ako tapos bigla mo kong sasampalin! What kind of sht comes to your mind? Huh, Milette?!"

"Are you crazy? Sabi mo I smell like your shower gel then you want me to cuddle with you! Manyak ka talaga!

Nabigla siya sa mga sinabi ko pero agad din naman siyang nakabawi.

" Manyak ako! Pero hindi ikaw ang tipong minamanyak!"

"Aba't aminado pa!"

"Tss! It's just a waste of time!"

Bumalik siya sa higaan niya at nagtalukbong pa ng kumot.

"May meeting daw kayo, sabi ng kuya mo"

Bumaling siya sa kabilang side ng kama.

"Tell him I'm busy"

"Importante daw!"

Hinila ko yung kumot pero nagtalukbong lang ulit siya.

"Tell him I'm sick! I need rest!"

"Pero boss!"

"Tell him I'm dead!"

Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to!

"Nasa office mo daw si Sab!"

"What the?! Bakit di mo sinabi agad!"

Mabilis pa sa alas kwatro siyang nakapaghanda. At ang bango bango niya. Bakit pag babae ang usapan ang bilis nitong taong 'to!

At teka sino ba yung Sab?

Montenegro Brothers Series 2 - RAFAELDonde viven las historias. Descúbrelo ahora