Chapter 4

3.2K 67 5
                                    

Nag-aantay kami sa elevator na magbukas nang may humalik kay Sir Rafa.

Nahiya naman ako sa dalawang 'to masyadong PDA, at sa harapan ko pa!

Mabuti sana kung smack lang e. E, ang problema halos lamunin na nila ang isa't isa. 'Yung totoo, sabik na sabik?

Tumikhim ako pero parang wala silang narinig. Bwisit! Mabuti na lang at nagbukas na 'yung elevator.

Pumasok na ko at sinenyasan ang elevator girl na 'wag munang isara ang elevator.

"A, Boss, tara na po."

'Di pa din sila natinag sa pagtutukaan nila. Dalawa na kaming nakakakita sa kanila ah!

"Boss!"

Tinignan niya ko ng masama bago humiwalay sa babaeng kahalikan niya.

"See you next time, Lea." Sabi ni Boss.

"I'm not Lea!" Sumimangot 'yung babae. Ang arte ah.

"Oh sorry, Bea baby"

"Who's that?"

Ganun ba kadami ang babae nitong lalaking 'to?

"Jea? Sara? Maria?"

"It's Donna!"

"I'm just kidding Donna, see yah!"

Sa wakas natapos din ang landian ng dalawang 'yun, sumakay na siya sa elevator.

"Penthouse"

Napatingin ako sa kanya.

Penthouse?

"Sayo 'to?"

Nginitian lang niya ko nang puno ng kayabangan.

'Di ko na siya pinansin pa. Siguradong yayabangan lang niya ko.

"Penthouse, Ma'am, Sir"

Derederecho na siyang lumabas ng elevator.

"Thank you ate ah!"

Sumunod na ko sa kanya. Nagdoorbell siya sa napakagarang pinto.

"Akala ko ba sa'yo 'to? Ba't nagdodoorbell ka?"

"When did I say that?"

Inirapan ko na lang siya. Oo na! Wala nga naman siyang sinabi na kanya 'to.

"Ngumiti lang siya, Milette... Ang yabang kasi ng ngiti, e!"

"Are you saying something?"

Napatakip ako ng bibig ko ng marealize ko na nasabi ko pala 'yung nasa isip ko. Umiling na lang ako. Hay naku, Milette!

"Bro!"

May lalaking nakaboxers lang na lumabas mula sa pinto.

Si Jester? Boyfriend ng babaeng nakilala ko sa isa kong raket.

"Milette, right?"

Napansin niya ang dala dala kong bag.

"Bro, 'di mo naman sinabi tinanan mo na 'tong si Milette."

Saka siya tumawa ng malakas.

"You, fvcker!"

Ipinakita ni Boss Rafa ang middle finger niya kay Jester.

"Yeah, I am." Sagot naman ni Jester na nag hand gesture pa, as if he's mastvrbating.

Mga lalaki nga naman.

Montenegro Brothers Series 2 - RAFAELWhere stories live. Discover now