Chapter 1

5.1K 87 1
                                    

RAFAEL's

"No Rafa" nakakaasar si kuya. Until now he doesn't want me to hire, another secretary.

"But kuya"

"Get out Rafa! Marami pa kong dapat gawin, pwede ba umuwi ka na lang kung wala ka rin namang gagawing matino dito sa opisina" ayan na naman siya. Nagsesermon na naman, dinaig pa niya si Mama eh. Lumabas na ko ng opisina niya.

"Popo!" nawala ang init ng ulo ko ng makita ko yung pamangkin kong napakacute. Binuhat ko siya at hinalikan naman niya ko sa pisngi.

"Hi Rafa" Bati ni Guillianne with her adorable smile, mabuti na lang at adorable tong napangasawa ng kapatid ko. Naku kung hindi, ano kayang mangyayari sa pamangkin ko.

"You're so sexy Guil. You don't look like a mother with a one year old kiddo." Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"And you're pretty and adorable, diba baby, ang pretty ni mommy?" humagikhik naman si baby Gino dahil sa sinabi ko. Cute kiddo.

"Tigilan mo nga ko sa pambobola mo. Ano bang kelangan mo Rafa?" napangisi ako sa sinabing yun ni Guillianne. Alam niya talaga kapag may gusto akong hinging favor.

"I need a new secretary"

"Secretary or a-" pinutol niya ang sinasabi niya at tinakpan niya yung magkabilang tainga ni baby Gino.

"One night fck buddy?" pagpapatuloy niya.

"Both?"

"Amin na nga yang anak ko, baka kung ano pang mapulot nito sayo eh" kinuha niya sakin si Gino. Saka nagsimulang maglakad palayo.

"Please, tulungan mo naman ako kay kuya" pahabol kong sabi sa kanya.

Lumingon siya at nginitian ako. "I'll try."

---

MIGUEL's

"Baby, Cutee patootee, I'm your daddy, and your my best buddy~~" napahinto ako sa pagkanta, dahil tinatawanan ako ng misis ko.  Kanina pa siya nakaupo sa couch habang pinapanuod akong kinakantahan ang anak namin habang isinasayaw ko siya sa ibabaw ng table ko, at kanina pa rin siya tawa ng tawa. Gumagaan talaga ang loob ko pag dinadalaw ako ng magina ko dito sa opisina.

"Love! Why are you laughing at us?" I wrinkled my forehead as I look at my love.

"Baby, mommy is laughing at us, your mom is crazy" humagikhik ang anak ko sa sinabi kong iyon pakiramdam ko naiintindihan niyang maigi yung mga sinasabi ko. Tumayo  si Guillianne at sinugod kami ni baby Gino, siguro kung hindi ko lang hawak si Gini, malamang binugbog na ko nitong asawa ko.

"Love! Kapag naniwala yang anak natin sa pinagsasabi mo ha. Humanda ka talaga sa akin" nagmaktol siya sa harapan ko, di niya kasi ako magawang hawakan man lang.

"Love, don't be mad" hinalikan ko siya sa noo, at bigla namang namula ang mga pisngi niya. My wife is acting like a teen ager. Natawa na lang ako sa inakto niya.

"Love, nga pala. About Rafa's secretary" nagulat ako ng bigla niyang ipinasok yung tungkol sa secretary ni Rafa.

"What about that?"

"Baka naman pwede mo nang bigyan ng secretary ulit si Rafa, It's been a month"

"But Love, Rafa will not change kung lagi siyang masusunod." Nilapitan ako ng asawa ko at hinimas himas ang likod ko.

"I know someone who you can hire"

"Who?"

"My friend's friend. She's not Rafa's type. Yeah she has the face but she's not tall, not that sexy, not a beauty queen type. Actually theater actress yun, I met her sa isang theater event, kaya you can be the director of Rafa's life, para mapagbago mo siya" napaisip ako sa mga sinabing iyon ng asawa ko. Kung hindi siya tipo ni Rafa, malamang walang one night stand na mangyayari. And if she's an actress then she can act like what I want her to act.

"That's a good idea love, so how can I reach her?"

She kissed me on my cheeks. "Ako nang bahala, Love"

"Thanks Love. You really are the love of my life" I kissed her on the lips, naghiwalay lang ang mga labi namin ng tumili si Gino.

Oh I forgot I'm carrying our kiddo.

Montenegro Brothers Series 2 - RAFAELWhere stories live. Discover now