Book 4 (Riza & Roi) - Chapter 10

975 62 9
                                    


NAILIPAT na ang kama ni Riza sa master's bedroom. Si Angel ay tulog na rin sa crib nito. Alam niyang nasa banyo si Roi, nagsa-shower gaya ng nakagawian nito bago matulog.

Hindi naman siya mapakali sa kuwarto nila ni Dely. Hindi niya alam kung lilipat na rin sa kabila.

Gamit lang naman sa pagtulog ang inilipat nila. Ang mga gamit niya ay naroroon pa rin sa kuwartong pinagsasaluhan nila ni Dely.

Kung hindi pa siya lumilipat sa kabilang kuwarto, sa ganoong oras ay nakahanda na siyang mahiga. Ibig sabihin ay tapos na ang lahat ng kanyang seremonyas sa katawan at nakapagpalit na rin siya ng damit-pantulog.

Ngayon ay hindi siya makapagpasya kung ano ang isusuot. She had several pairs of pajama set at nightshirts. Meron ding mga pantulog na sexy ngunit malabong isuot niya iyon ngayon na ang amo ang makakasama niya sa kuwarto.

"Inaantok na ako," humihikap pang wika ni Dely. "Pakipatay mo na lang ang ilaw, ha?" Sumampa na ito sa kama.

Tumango siya. Ni hindi niya ito tiningnan kaya hindi niya alam na may pilyang ngiti na gumuhit sa mga labi nito.

Nakatanghod pa rin siya sa harap ng nakabukas na closet.

"Hindi ka pa ba inaantok?" tanong ni Dely na ikinapitlag niya.

"Akala ko, tulog ka na?" Nilingon niya ito.

Mahinang bumungisngis ito. "Paano ako maka-katulog? Iniisip ko kung ano ang mangyayari sa iyo sa kabila."

Pinandilatan niya ito ng mga mata. "Ano ang mangyayari sa akin? Eh, de matutulog at gigising 'pag nagligalig iyong alaga ko!"

Hindi nabura ang ngiti sa mga labi nito. "Eh, bakit ka sumisigaw?"

"Hindi ako sumisigaw," aniyang hininaan ang tono.

Ikinibit nito ang mga balikat, halatang hindi kumbinsido. "Goodnight."

Nakasimangot siyang humarap sa closet. Basta na lang siya kumuha ng pantulog at tuwalya. Lalabas na siya ng kuwarto nang magsalita ulit si Dely.

"Sorry kung napikon kita."

Pabuntunghiningang lumingon siya rito. "Hindi ako natutuwa sa biro mo. Nagtatrabaho ako. Huwag mong bigyan ng malisya," seryoso niyang sabi.

Ngunit tila walang epekto rito ang seryoso niyang ekspresyon.

"Hindi ako nag-iisip ng malisya. Romansa manapa!" sabi nito at sinabayan ng biling paharap sa dingding. Itinabon na nito ang isang unan sa mukha ngunit nasa paggalaw ng mga balikat ang palatandaang humahagikhik ito.

Naiiling na tumalikod na lamang siya, eksakto namang lumalabas ng banyo si Roi. Tiningnan lang siya nito at pumasok na sa kuwarto.

Pagtataasan sana niya ito ng kilay subalit umingit si Angel. Doon napunta ang kanyang atensiyon.

Nasa bungad na siya ng kuwarto nang mapatda. Roi was stripping his towel. Nasa akto ito ng pagsusuot ng underwear at sa mismong kinatatayuan niya.

Kung tutuusin ay sawa na ang mga mata niya sa human anatomy. But she couldn't help herself staring at his butt. Makinis at maganda ang hubog niyon. Walang ekstrang taba. At pantay na pantay din ang kulay.

Nagpiyesta ang mga mata niya sa kabuuan ng lalaki. Para siyang nahipnotismo at nawala sa loob na ang bata ang pupuntahan.

Mabuti na lang at tahimik si Angel.

Samantala, namalayan ni Roi na may tao. Nang lumingon ito ay nakitang nakatulala siya. Sa halip na magalit ay sumilay ang mahiwagang ngiti sa mga labi nito.

Sometimes You Just Know - Volume 3Where stories live. Discover now