Book 5 (Marra & Tody) - Chapter 9

628 57 3
                                    


ALAS-SAIS ng hapon nang ipasya ni Marra na gumayak para sa hapunan. Papunta na siya sa banyong nasa loob din ng silid na iyon nang maalala niya ang kanyang mga gamit.

Wala siyang natandaang nagbaba ng maleta si Tody.

Napasulyap siya sa walk-in closet. Wala sa loob na binuksan niya iyon.

Sa labis na pagkamangha ay punung-puno iyon ng mga damit. Iyon pa ang mga damit na dati niyang isinusuot. May ilang naka-plastic, mga bago pa at kahit minsan ay hindi pa niya naisuot. Lahat ay maayos na naka-hanger.

Hinila niya ang drawer. Inside were the coordinated piles of underwear from the lightest to the darkest colors. Sa isa pang drawer ay ang kanyang mga pantulog. Nakabukod ang mga yari sa cotton. Sa isang hanay pa ay mga silk at satin negligee.

Sa isa pang pinto ay maayos ding nakalagay ang kanyang mga sapatos.

Why?

Ang lahat ng kanyang mga gamit at damit ay iningatan ni Tody, maayos na maayos na para bang hindi siya umalis.

Bigla siyang nalito. Tila nanginig ang mga tuhod niya. Pinilit niya ang sariling kumilos at pumasok na sa banyo. Naupo siya sa pasimano ng bathtub.

It was indeed a strange feeling.

Ipinilig niya ang kanyang ulo. Hindi niya maintindihan kung bakit pinanatili pa ni Tody ang kanyang mga gamit dito. Ibig bang sabihin, naisip na nito noon ang posibilidad na bumalik pa siya sa kanilang bahay?

Mabilis siyang naligo. Kahit paano ay guminhawa ang kanyang pakiramdam. Hindi siya nagtagal sa pamimili ng isusuot. Nang mahawakan ang hanger ng isang bestida ay iyon na ang isinuot niya.

Lumipas ang tatlong taon na walang nabago sa sukat ng kanyang katawan. The dress still fitted her perfectly.

Eksatong nakahanda na siya sa paglabas nang may kumatok sa pinto. It was just a warning knock bago iyon nabuksan at pumasok si Tody.

Nagkasalubong sila sa gitna ng kuwarto.

Bagong paligo rin ito, bagong-ahit. Ang buhok nito ay maayos na sinuklay.

"Handa na ang hapunan," saad nito.

HAWAK siya nito sa kamay habang pumapanaog sila ng hagdanan.

Sa komedor ay naghihintay na si Aling Consuelo para magsilbi sa kanila.

Nang makaupo sila ay saka lang sinenyasan ni Tody ang katiwala na maaari na silang iwan.

"Ano'ng gusto mong inumin?" tanong sa kanya ni Tody.

Sa bandang dulo ng mesa ay may pitsel ng orange juice. Ang isa pang pitsel ay tubig ang laman. At may nakababad na bote ng alak sa isang ice bucket.

"Juice, please," aniya.

Ipinagsalin siya nito ng juice at pagkatapos ay sinalinan din ng soup ang kanyang tasa.

Tahimik silang nagsalo sa masaganang hapunan.

Hindi niya pinansin ang dessert, bagay na napuna ng asawa.

Pinuno niya ng hangin ang kanyang dibdib. Kanina pa siya nate-tense dahil sa matiim na titig sa kanya ng asawa.

"So I'll stay here not less than a week."

Tumango ito at saka inabot ang bote ng alak. Matapos salinan ang baso ay mabilis nito iyong tinungga.

Makapal na katahimikan ang bumalot sa kanila.

Siya ang hindi nakatiis. "You kept all my clothes."

Sometimes You Just Know - Volume 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon