Book 5 (Marra & Tody) - Chapter 10

686 50 6
                                    

KINABUKASAN, nagising si Marra na may nakahanda nang almusal sa loob ng kanilang silid. Asikasung-asikaso siya ni Tody. Para siyang reyna na pinaglilingkuran nito.

"Good morning!" masiglang bati nito nang makitang nakadilat na siya. Dagli nitong inayos sa ibabaw ng kama ang bed tray.

"What's this?" she asked stupidly. Langhap niya ang amoy ng bagong-lagang kape. Tapsilog, toasted bread, butter, bacon, sliced papaya at orage juice ang mga nasa ibabaw ng bed tray. Lahat ay gusto niya.

"Seeing your eyes, I know sulit ang pinaghirapan ko," nasisiyahang sulyap nito sa kanya.

"You prepared all these?" manghang tanong niya. Dinampot niya ang puswelo ng kape at humigop nang kaunti. Halos bagong kulo pa iyon.

"Actually, si Manang ang nagluto kanina. Ako lang ang tumapos. Inutusan ko siyang mamalengke. We'll go on a picnic today," sabi nito habang pinanonood siyang magsimulang kumain.

"Picnic? Hindi ba makakaabala sa 'yo ang ganoong lakad? I know you're busy."

Ikinibit lamang nito ang mga balikat. "I'm not as busy as you have presumed."

"Tody..." Ilang sandaling nagtalo ang isip niya para tugunin ang tinuran nitong iyon. "Ikaw?" pagkuwa'y naisip niyang alukin na lamang ito.

"I haven't changed, Marra. A cup of coffee is always enough for me in the morning."

Nagkuwentuhan na sila. Hanggang sa hindi niya namalayan ay naubos niya ang inihanda nitong almusal. Nang sinimulan niyang ligpitin iyon ay maagap na pinigilan siya nito.

Wala siyang nagawa kundi ang panoorin na lamang ito.

"I'd rather a take a bath..." aniya.

Awtomatikong umangat ang paningin nito sa kanya, nangislap ang mga mata na wari'y nagustuhan ang sinabi niya at pagkuwa'y tumango.

"Wait. Ibababa ko lang ito. Ako na ang magpapaligo sa 'yo," kaswal na sabi nito.

"No, of course not!" agad na sabi niya.

Tumawa na lamang ito at walang kibong tumalikod na.

Nais naman niyang maasiwa sa gayong trato nito sa kanya. At kung hindi pa nga niya ito pinigil ay talagang aasistihan siya nito pati sa paliligo.

Magaan ang pakiramdam niyang tila wala nang problema sa pagitan nila. Nagsimula na naman siyang umasam na magiging maayos na ang kanilang pagsasama.

"Anong klaseng paliligo ang ginawa mo?" Nasa pagitan ng amusement at panghihinayang ang tono nito nang pagbalik nito ay maabutan siyang nakabihis na.

"Just a quick shower."

"Quick?" bulalas nito. "O ayaw mong totohanin ko ang sinabi ko?"

"Tody..."

Marahang tawa ang pinawalan nito bago ito lumapit sa likuran niya sabay yapos sa kanyang baywang.

"Hmm... so fresh..." malambing na bulong nito.

Napalunok naman siya. No matter how light his touch was, ang epekto niyon sa katawan niya ay kapareho rin ng tila apoy na mga haplos nito. Parang isa-isang sinindihan ang mga mumunting mitsa sa loob ng kanyang katawan.

Napahawak siya sa bisig nitong kumukulong sa kanyang baywang. His lips were lazily nibbling the soft flesh of her nape. Awtomatiko nang napasandal siya sa malapad na dibdib nito.

"Tody..." tila inaantok na usal niya.

Waring iyon naman ang nagpauntag sa asawa. Sa panggigilalas niya ay kagyat itong bumitiw.

Sometimes You Just Know - Volume 3Where stories live. Discover now