Book 4 (Riza & Roi) - Chapter 11

1.2K 70 6
                                    


PABIGLA itong naitulak ni Riza at mabilis na bumangon. Ni hindi niya nakuhang ibalik sa pagkaka-butones ang pajama top dahil sa pagpalahaw ni Angel.

His diaper was full. Mabilis siyang kumuha ng pampalit at pinalitan ito.



ALL THE while, Roi was watching her. He was fascinated by the sight of her, uncaring if her blouse was open, exposing two firm breasts. He longed to taste them. And just by thinking it made him desire her more.

Subalit ang tanging atensiyon nito ay ang asikasuhin ang bata. She did it with so much care and tenderness as if she was the mother.

And suddenly, something hit him. Bakit hindi na lang nito gawing pangalawang ina si Riza sa kanyang anak?

Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Paano na ang alaala ni Carmela kung papalitan niya ito? And it was barely six months after her death.



UMIIYAK pa rin si Angel. Binigyan ito ni Riza ng gatas. Nang hindi pa rin tumigil ay kinarga na niya at ipinaghele. Noon lang siya naging conscious sa pagkakabukas ng kanyang blusa.

Napatingin siya kay Roi. He was looking at her yet it seemed not. Parang nasa kabilang planeta ang iniisip nito.

Tumalikod siya. Habang hawak ng isang kamay niya si Angel ay isinasara naman niya ang mga butones. Her breasts were still aching. Their peaks were still hard.

Naramdaman niyang bumangon na si Roi.

"You shouldn't turn your back on me," banayad nitong sabi. "Nagsisisi ka ba sa nangyari?"

Pumihit siya paharap dito. "Ano ba ang dapat kong maramdaman? You seduced me."

"You allowed it," he accused softly.

Nag-init ang magkabila niyang pisngi. "Biyudo ka, Roi, unfortunately, in your very active age. You kissed me like there was no tomorrow. I thought kissing you back was the best thing to do. I was afraid that if I fought back, you'll force me."

Sinungaling! anang budhi niya.

Tinitigan siya nito. His eyes went down to her lips, nagtagal doon na tila kahit sa pamamagitan ng titig ay kaya siya nitong angkinin.

He made a few steps close to her... habang ang mga mata nito ay nanatiling nakatutok sa kanya.

It brought a delicious shiver to her spine. At hindi niya kayang itangging lubos ang epekto niyon sa sariling katawan.

Humakbang siya para iwasan ito. Anyo siyang lalabas ng kuwarto subalit humarang ito sa kanyang daanan.

"Tumahan na si Angel. Ibalik mo sa crib," mahina ngunit puno ng awtorisasyong utos nito.

Napabuntunghininga siya ngunit sa huli ay pumihit din at maingat na inilapag sa crib ang bata. Hindi pa siya ganap na nakakaunat ay niyakap na siya ni Roi buhat sa likuran.

"I may have been celibate for the past few months but no one has driven me crazy like this," bulong nito sa likod ng kanyang tenga.

He kissed her earlobe deliberately. Kissing and licking... habang ang kamay nito ay dumadama sa kanyang dibdib.

Humigpit ang hawak niya sa pasimano ng kuna. Nakulong sa lalamunan niya ang kanyang paghinga.

Marahan siya nitong ipinihit para mapaharap dito. At sa pangalawang pagkakataon ay muli nitong inangkin ang kanyang mga labi.

Sometimes You Just Know - Volume 3Donde viven las historias. Descúbrelo ahora