Ram Hoffman

10.2K 270 29
                                    

Title: I'm Inlove with my bestfriend (RamHoffman)

He's the typical campus crush. Normal nalang iyon sakanilang magkakapatid, Ang pag-agawan at pagpantasyahan ng mga babae. Hindi naiiba sa mga kapatid niya si Ram Hoffman. Sikat na sikat rin ito dahil sa taglay nitong kagwapuhan at bonus pa ang pagiging song writer-singer nito. Marami tuloy sa kanilang paaralan ang nababaliw sa aking talentong taglay ni Ram.

Bata pa lang si Ram ay best friend na nito si Cheng. Ang nag-iisa ngunit boyish niyang bestfriend. Sabay silang lumaki dahil kinder palang sila ay kaibigan na niya ito hangang sa mag-college sila. Ngunit habang nagkakaroon sila ng edad ay tila nagiging babae na ang kinikilos nito. Hindi niya iyon inaasahan na magdadalaga rin ito katulad ng mga babaeng kasing edad nila. Buong buhay niya lalake ang tingin niya kay Cheng lalo na't halos araw araw silang magkasama. Kalaro niya ito sa basketball at sa mga video games. Mas close niya pa nga ito kaysa sa mga kuya niya.

Nagulatang nalang siya ng magsabi ito sakanya na mayroon raw itong manliligaw sa kanilang campus at gusto na raw nitong mag-pakababae ng tuluyan. Dahil babae raw talaga ito at hindi tomboy.

Para bang nataranta ang buong pagkatao niya sa sinabi nito. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili dahil parang selos at takot ang kanyang naramdaman. Possible kayang may gusto na rin siya kay Cheng?

Ram HoffmanWhere stories live. Discover now