Chapter 3

3.2K 221 15
                                    

Chapter 3

Tinitigan ni Cheng ang kanyang repleksyon sa salamin.

Hindi niya mawari kung matatawa ba siya o iiyak sa kanyang itsura. It looks like she's trying so hard to be a real woman. Bakit ba ang hirap magmukhang babae kahit babae naman siya?

Agad niyang hinubad ang kanyang suot na sandals dahil hindi nga siya makatayo ng maayos habang suot iyon, Makalakad pa kaya?

Naiinis na hinubad niya rin ang kanyang crop top t-shirt dahil nagmukha lamang siyang bakla sa kanyang suot at higit sa lahat halatang halata ang umbok ng kanyang malusog na dibdib at parang hindi siya sanay makita iyong nakaumbok. Mas gusto niyang itago sa malalaking tshirt ang malulusog niyang dibdib kaysa makita ito ng ibang tao.

"Ahrrr! Bakit ba ang hirap!" Napasalampak tuloy siya sa sahig ng kanyang kwarto sa sobrang inis niya sa kanyang itsura

Akala niya magsusuot lang siya ng damit pang babae ay magmumukhang babae na rin siya. Ngunit ngayon parang naaasiwa siya sa itsura niya

Tinangal niya rin ang hair clip sa kanyang maiksing buhok dahil hindi iyon bagay sakanya

Wala siyang nagawa kundi magbihis muli ng mga dati niyang damit.

Maluwang na t-shirt at hiphop na pantalon. Doon siya mas komportable at mas katangap tangap para sakanya ang itsura niyang iyon.

Isinuot niya rin ang kanyang sumbrero bago siya lumabas ng kanyang kwarto. Nakasalubong niya ang ate Pancy niya sa may hagdanan. Nainis ito dahil hindi niya daw ginamit ang mga binigay nitong damit.

"Anu ba yan Cheng? Akala ko ba gusto mong maging babae--"

"Ate hindi bagay sakin. Nagmukha akong trying hard" Nilagpasan niya ang kanyang ate habang nakasimangot siya

"Sa umpisa lang yun ano ka ba? Masasanay ka rin--"

"Ayoko na. Bawiin mo na ate yung mga gamit mo"

Derederetso na siyang lumabas ng kanilang bahay habang nakasukbit sakanyang isang balikat ang kanyang back pack.

Narinig niya pang tinawag siya ng ate pancy niya ngunit hindi na niya ito pinansin.

As usual nasa tapat na ng kanilang bahay ang kotse ni Ram. Araw araw sa tuwing papasok sila sa campus ay sinasabay siya nito dahil magkalapit lang naman ang kanilang bahay.

"Aga aga nakasimangot ka?" Tanong ni Ram sakanya pag pasok niya ng kotse nito

Hindi siya sumagot.

"Teka parang may kakaiba sayo--Damn nag-ahit ka ng kilay?"

Tinignan niya lang ng masama si Ram dahil mapang-asar itong tumawa ng malakas. Binato niya ito ng kanyang sumbrero.

"Saya mo. Tara na late na tayo"

Tawa parin ito ng tawa ngunit sinimulan na nitong magmaneho ng kotse nito.

"What's happening to you Cheng? Natatawa ako sayo" Hindi parin maka-get over si Ram sa pang aasar sakanya kahit nakarating na sila sa parking lot ng campus nila.

Trip na trip nitong pagtawanan ang bagong ahit na kilay niya.

Hindi nalang niya pinansin ang pang aasar nito dahil mas lalo lamang siyang nababadtrip.

Akala niya kasi mag mumukhang babae na agad siya sa isang iglap. Nagkamali siya. Napakahirap pala! Lalo na sanay na siyang kumilos ng ganito.

Lumabas na siya ng kotse ni Ram at sinundan agad siya nito.

As usual, Inakbayan nanaman siya ni Ram habang naglalakad sila papunta sa kani-kanilang classrooms. Ganito ito palagi simula pa noon. Nakasanayan na nitong akbayan siya.

Ram HoffmanWhere stories live. Discover now