Chapter 1

5.5K 243 30
                                    

Prolouge

"O softdrinks"

Napalingon si Cheng ng tapikin ni Ram ang kanyang balikat. Napansin kasi nito ang pagiging matamlay niya. Kasalukuyan siyang nakatambay sa kwarto ni Ram.

"Salamat tol" Sagot niya kay Ram bago niya kinuha ang softdrinks na ibinigay nito.

Matalik na kaibigan niya si Ram kahit malayo ang agwat ng kanilang pamumuhay. Kasambahay kasi ng mga ito ang kanyang nanay at dahil doon nagkakilala sila ni Ram. Pinag-aral siya ng magulang ni Ram kung saan nag aaral rin ang mga anak nito.

Kinder pa lang sila noon ay nagkalapit na ang kanilang loob bilang magkaibigan.

"What's up?" Tanong ni Ram sakanya at umupo pa ito sa kanyang tabi at inakbayan siya

Balewala sakanilang dalawa ang isat-isa dahil sanay na silang maging ganito kaclose simula pa noon. At isa pa wala talagang malisya ang pag akbay ni Ram sakanya dahil lalake ang tingin nito sakanya.

"N-Niregla ako tol" Alanganin na balita niya kay Ram. Kagabi kasi ay nagkaroon na siya ng regla. Inis na inis nga siya dahil unti unti na rin siyang nagkakaroon ng dibdib

Tumawa ng malakas si Ram "Really? Tuli kana" Pang aasar ni Ram sakanya at ginulo pa nito ang maiksi niyang buhok

Boy cut ang gupit ng buhok niya. Gustong gusto niya kasi ang ganitong buhok dahil napakainit sa Pilipinas. Halos pareho sila ng gupit ng buhok ni Ram

"Nakakainis nga eh. Ang sakit" Napahawak siya sa kanyang puson. Para kasing may kumukurot sa loob ng bandang puson niya. Makirot iyon.

"Atleast tuli ka na bago tayo mag high school" Pang aasar pang muli ni Ram sakanya

"Kaya nga e. Kaso nakakahiya"

"Pwede ka na mag girlfriend. Ipapakilala kita sa kaibigan ni Faye--"

"Nako tol huwag na. Ayokong magkagirlfriend katulad ng girlfriend mong kitikiti no"

Tumawa sila ng sabay ni Ram dahil sa kanyang sinabi. Totoo namang mukhang kitikiti ang girlfriend ni Ram. Parang may kitikiti ito sa puwet kapag nakikita nito si Ram

"You should start dating Cheng. Para bago tayo mag high school mag doble date tayo"

"Papanget naman ng schoolmate natin" Dinaan nalang niya sa biro ang sagot niya kay Ram kaya tumawa itong muli.

Ngunit ang totoo naiinis siya sa tuwing pinag uusapan nila ang tungkol sa mga nagiging nobya nito. Hindi niya rin maintindihan kung bakit.

Ininom niya ang sofdrinks na binigay ni Ram sakanya.

"Wala ba tayong miryenda?" Tanong niya kay Ram

"Pupuntahan mo lang ako dito dahil sa miryenda eh" Napakamot nalang ito sa ulo nito bago ito tumayo upang maghanap ng makakain nila sa ref.

Pinagmamasdan niya si Ram habang nakatalikod ito sakanya. Lalo itong gumagwapo sa pagdaan ng mga araw. Palihim niya itong hinahangaan dahil sino ba namang hindi hahanga sa kagwapuhan nito?

Ngunit ayaw niyang masira ang kanilang magandang pagkakaibigan. At higit sa lahat wala naman siyang magiging pag asa kay Ram dahil lalake ang tingin nito sakanya

Ram HoffmanWhere stories live. Discover now