Chapter 2

3.5K 227 29
                                    

Chapter 2

Player one defeated

Napatalon sa tuwa si Cheng ng matalo niya sa kanilang video game si Ram.

First time niya itong matalo sa laro na iyon kaya naman tuwang tuwa siya. All those years palaging ito ang nananalo sa mga laro nila.

"I won!" Tuwang tuwang sabi niya habang ito naman ay nakasimangot

Mukhang wala itong gana makipaglaro sakanya kanina pa.

"Tol huwag mo dibdibin ang pagkatalo mo"

"I'm just not feeling well" Walang gana nitong sabi sakanya bago ito tumayo at uminom ng tubig sa kusina

Kasalukuyan nanaman silang nakatambay sa kwarto ni Ram sa mansyon ng mga hoffman. Madalas after class palagi silang naglalaro ng video games sa kwarto nito o di kaya ay nagsusulat ito ng kanta.

Pinicturan niya ang big screen ng kanilang game. First time niya kasing manalo sa laro na ito kaya naman itatago niya iyon bilang remembrance.

"You're not really serious earlier, right?" Maya maya tanong ni Ram sakanya habang busy siya sa pag picture ng ibat-ibang shot sa screen ng flat tv nito.

"Ha?"

"With that monkey"

Kumunot naman ang kanyang nuo sa sinabi ni Ram. Si Ford ba ang tinutukoy nito?

"Maka-monkey ka naman tol. Cute naman siya ha?"

Hindi nagustuhan ni Ram ang kanyang sinabi.

"Kinikilabutan ako sayo Cheng. I can't believe it. Papatol ka talaga sa lalake?" Naiinis na tanong ni Ram sakanya. Para bang ang laki laki ng problema nito dahil lang magpapakababae na siya

"Tol it's about time. Mag 18 years old nako next month eh. Kailangan ko na sigurong magpakababae dahil babae naman talaga ako."

"Edi magpakababae ka. But do you really have to let that monkey court you? Mukhang bakla yun eh. Mas lalake ka pa nga dun" Kunot na kunot parin ang nuo ni Ram. Para tuloy itong tatay niya.

"Alangan naman ikaw lang may lovelife? Panahon na rin para pumag-ibig ako. Sige uwi nako--"

"Wait bakit ka uuwi agad?" Pigil sakanya ni Ram

"Magpapakababae nako tol at hindi nako pwedeng matulog dito"

Masama ang tingin nito sakanya habang hawak nito ang kanyang kamay

"Nothing will change between us Cheng. Lalake ka parin para sakin kaya dito ka matutulog--"

"Tol babae talaga ako. Lalake lang siguro talaga ang tingin mo sakin" Naiinis na rin siya sa sinasabi ni Ram.

Madalas kasi dito siya natutulog sa kwarto ni Ram.

"Babae ka?" Tinignan siya ni Ram mula sa kanyang sumbrero hangang sa kanyang pananamit at sakanyang jordan rubber shoes

"Babae ako. Nakasanayan ko lang magdamit ng ganito"

"Hindi ka babae Cheng. Don't be so gay."

"Bahala ka nga diyan--" Lalabas na sana siya ng kwarto ni Ram ngunit napatigil siya sa sinabi nito

"Kung babae ka, May gusto ka siguro sakin no kaya ayaw mo ng matulog dito?"

"A-Ano?"

Lumapit si Ram sakanya

"Kaya pala kung yakapin mo rin ako minsan parang--"

Pinalo niya ang braso ni Ram dahil halatang nang aasar lang ito.

"Siraulo"

Tumawa si Ram at hinila siya papasok ng kwarto nito

"Mamaya kana nga umuwi eh"

Ram HoffmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon