Chapter 5

4.4K 228 30
                                    

Chapter 5

"Nasan si Cheng?"

"Di raw pupunta" Kunot nuong sagot ni Ram sa kaibigan niyang si Toby. Kararating lang nito sa kanyang music room. Kaibigan rin nila ito simula pa noong bata sila. Tatlo silang magkakaibigan ngunit si Cheng ang mas malapit sakanya.

Ngunit ngayon parang unti unti na itong napapalayo sakanya. Simula ng magdesisyon itong magpakababae na ng tuluyan.

Napapansin rin naman niyang madalas kilos babae ito ngunit hindi niya akalain na talagang magpapaligaw pa ito ngayon? Kailan pa ito nagkagusto sa lalake?

Naalala niya pa nga noong elementary sila. Mayroong authograph notebook silang sinagutan. Nabasa niya kung sino ang crush nito.

Flashback

Napasimangot si Ram ng mabasa niya ang nakasulat sa autograph notebook na pinapaikot ng classmate nila sa kanilang magka-kaklase.

Maraming tanong doon na patungkol sa personal na bagay katulad ng who is your crush?

Na-curious siya kung sino ang crush ng kanyang matalik na kaibigan. Ngunit laking dismaya niya ng makitang babae rin ang crush nito. Tama pala ang hinala niya. Tomboy si Cheng. Crush nito si Faye.

Kahit may nakaburado pa itong isinulat doon na diniinan lang nito ng tinta ng ballpen kaya hindi niya mabasa kung sino ang una nitong isinulat. Ang mahalaga nakasulat naman sa tabi ng buradong pangalan ang pangalan ni Faye.

"Cheng crush mo ba si Faye?" Kumpirma niya kay Cheng ng minsan makasama niya ito sa isang basketball game na sila sila lamang magkakaibigan ang naglalaro. Ilang araw na kasi niyang iniisip iyon.

Pawis na pawis na ito dahil sa kanilang paglalaro.

"Binasa mo yung autograph no?!" Singhal nito sakanya

"Oo nabasa ko" Nakasulat kasi sa autograph nito na may crush ito sa kaklase nilang si Faye. Maganda naman si Faye ngunit hindi niya akalain na magiging crush ito ni Cheng.

"M-Maganda kasi siya--"

"Liligawan ko siya" Deklara niya kay Cheng. Hindi niya rin maunawaan kung bakit naiinis siya. Basta buo na ang kanyang desisyong ligawan si Faye kahit hindi naman niya ito gusto.

Mukhang nainis rin si Cheng sakanya kaya itinuloy niya lalo ang panliligaw kay Faye. Isang araw palang ay sinagot na agad siya ni Faye.

Kitang kita niya ang pamumula ng mata ni Cheng ng araw na iyon ngunit binalewala niya.

End of flashback

"Bakit daw hindi pupunta? Nag away nanaman kayo?" Tanong ni Toby sakanya ng makapwesto ito sa pwesto nito

Nakasimangot parin siya

"Balita ko may nanliligaw na kay Cheng" sabi ni Toby sakanya

"Her classmate" Maiksing sabi nalang niya

"That's good for her. Buti naman at nagpakababae na siya--"

"Anong mabuti dun? Tignan mo nga ilang araw palang hindi mo na mahagilap kung saan saan nagpupunta"

Kanina pa siya badtrip simula ng mabasa niya ang text message ni Cheng kaninang umaga. Araw iyon ng sabado at tuwing sabado at linggo ay nagjajaming sila sa kanyang music room. Nakasanayan na nila iyon. Nagtext ito sakanya na hindi daw ito makakapunta. Tinanong niya kung bakit at ang sinagot lang nito sakanya ay may date daw ito.

"Sabi niya may date daw siya. Alam naman niyang may tinatapos akong kanta ngayon para sa festival at kailangan ko ng tulong niya--"

"Hayaan mo na. Para ka namang nagseselos niyan eh. Nagseselos ka ata eh?" Natatawang sita sakanya ni Toby. Sa ibang school ito nag aaral dahil nursing ang kinukuha nitong kurso.

Lalo naman kumunot ang kanyang nuo

"What? Bakit naman ako magseselos?"

Bakit naman siya magseselos? Eh wala naman siyang gusto kay Cheng. Alam niyang malabong mangyari iyon dahil lalake ang tingin niya rito. Hinding hindi niya ito magugustuhan at isa pa matalik niya itong kaibigan.

"Baka gusto mo ikaw kadate ni Cheng?"

"You don't get me. Ang dumi ng isip mo. Alam mo namang kahit kailan hinding hindi ako magkakagusto kay Cheng" Isinauli na niya ang kanyang gitara sa lalagyanan nito. Nawalan na kasi siyang gana gumawa ng kanta ngayon

"Uy! Cheng nandiyan ka pala" Sambit ni Toby

Sabay silang napalingon sa pintuan ng malaglag ni Cheng ang susing hawak nito.

Kanya kanya kasi sila ng duplicate ng susi sa music room niya. Dahil sa pag uusap nila ni Toby hindi nila narinig ang pagpasok ni Cheng sa loob at narinig nito ang pag uusap nilang dalawa ni Toby

Nakasimangot ito at derederetsong lumapit sakanya. Piningot nito ang kanyang tenga.

"H-Hoy. Kahit kailan rin hinding hindi ako magkakagusto sayo no" Pabiro nitong sabi sakanya. Mukhang balewala lang dito kahit narinig nito ang usapan nilang dalawa ni Toby

As usual napakabango nanaman nito. Palagi itong bagong ligo sa tuwing pupunta ito sa mansyon.

Pasimple niyang inamoy ang pabango nito. Bumango kasi sa buong paligid simula ng dumating ito.

Ngunit nainis siya sa sinabi nito. Tumawa naman ng malakas si Toby

"Cheng balita ko dalaga kana?"

"Hello tol! Long time no see. Oo nabalitaan mo pala" Nag high five si Toby at Cheng. Kung kumilos talaga ang babaeng to parang lalake talaga.

"Akala ko may date ka?" Singit niya sa usapan ni Cheng at Toby. Natutuwa rin naman siya dahil narito ito.

"Naalala ko malapit na yung festival eh. Baka sakalin mo ko kung di ako pumunta ngayon"

Napangiti na siya dahil sa sinabi ni Cheng.

"Wala bang almusal diyan?" tanong ni Cheng na mukhang nagugutom na

"Maghanap ka dun sa kusina" sagot niya

Agad naman nagpunta si Cheng sa kusina upang maghanap ng almusal.

"Dumating lang si Cheng napapangiti kana ata ah?" Panunukso ni Toby sakanya

Doon niya lang napansin na nakangiti pala siya. Agad naman siyang sumimangot.

"Kung ano anong sinasabi mo" Napapailing nalang siya at muli niyang inilabas ang kanyang gitara.

Ram HoffmanWhere stories live. Discover now