Prologo

50.1K 962 33
                                    

PROLOGO

MADALAS na nagiging usap-usapan ng matatanda ang tungkol sa mga nilalang na nabubuhay sa dilim. May nilalang na may pangil at makakapal na balahibo. Mga nilalang na sa gabi lamang lumalabas at ni wala ni isa sa mga tao sa bayan namin ang naghahamak na makilala sila o makita man lang ang kahit isa sa kanila.

Ang sabi pa ng ilan, isa raw silang lahi ng mga halimaw.

Nakakatakot. Nakakapanindig balahibo. Isang napakabangis na hayop.

Handa raw silang pumatay para lamang may makain at mapakain sa kanilang tribo. Handa raw silang manguha ng mga dalaga para lang asawain at anakan ang mga ito para mas lalo pang lumaki ang lahi nila.

Isa lang tribo ng masasamang nilalang.

Mabangis. Walang puso. Hindi tao.

Naaalala ko pa noong maliit pa lamang ako, madalas akong sabihan ng akin ina na huwag na huwag raw akong lalabas ng aming bahay kapag dumilim na lalo na kapag katirikan ng bilog na buwan. Huwag daw akong pupunta sa may kagubatan kung saan madalas kaming maglaro ng mga kaibigan ko sa umaga.

At oras daw na may marinig na kaming alulong ng mga aso, tumakbo na raw kami dahil nariyan na sila. Handang humanap ng magiging hapunan. Handang dumukot ng mga tao para lang ialay sa kanilang tribo.

Sila ang mga taong lobo.

At magiging isa ako sa kanila.

Dahil ikinasal ako sa pinuno ng kanilang angkan.

Siya si Winston. At kailangan niya ako para isalba ang kanilang tribo.

At ito ang aming kwento.

Wolves (Wolves Saga Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon