CHAPTER 09

62 2 0
                                    


Pag katapos ng pag kikita namin ni Rei kahapon ay hindi sya pumayag na hindi ako maihatid sa tinutuluyan ko. Nakipag talo pa ako sakanya at sinabing hindi nya naman kailangan na ihatid pa ako pauwi sa apartment ko pero mapilit sya at sinabing hindi rin daw sya makakampante hanggat hindi sya ang nag hahatid pauwi saakin, hanggat hindi nya daw ako nakikitang nakauwi ng maayos lalo pa daw ay late na kaya delikado sa daan. Baka raw may mantrip pa saakin pag uwi ko kaya sa huli ay pumayag na rin akong ihatid nya dito sa apartment ko dahil alam kong hindi sya papaawat o titigil sa pakikipag talo saakin hanggat hindi ako napapapayag.

Naisip ko tuloy na ang swerte ng magiging girlfriend nya in the future dahil kahit gano'n sya ay may pag ka protective at gentleman side din pala sya na ngayon ko lang nakita kaya tuloy mas lalo akong humanga sakanya. Sa panahon kasi ngayon ay bibihira na lang na makatagpo o makahanap ng lalaking katulad ni Rei na gagawin ang lahat ng alam nya para lang makitang ligtas ang babaeng mahal nila. Napaisip tuloy ako kung may naging babae na ba si Rei sa buhay nya maliban saakin? Kung may babae na ba syang minahal? Kapag naiisip ko ang mga gano'n ay nakakaramdam ako ng paninikip sa dibdib ko na pinag tataka ko.

May sakit na ba ako sa puso? Kailangan ko na bang mag pa check-up?

Inalis ko ang isiping iyon sa isip ko at bumangon na lang sa pag kakahiga upang mag bihis dahil bago ako ihatid ni Rei dito kahapon ay inaya nya ako na kung pwede daw ba kaming lumabas tutal ay Sunday naman at medyo maluwag daw ang schedule nya kaya pumayag na ako. Wala rin naman kasi akong gagawin dito sa apartment ko. Ma bo-bored lang din ako kaya pumayag na ako sa gusto ni Rei na lumabas kami. Minsan lang naman 'to at parang friendly date lang kung titignan.

Pumasok na ako sa Cr at nag madali ng maligo. Baka kasi mamaya ay nandito na si Rei para sunduin ako. Ayoko naman na pag hintayin sya dahil lang mabagal akong mag bihis dahil ayoko talaga 'yonng nakakaabala ako sa isang tao. Nakakahiya kasi na ikaw at ikaw na lang ang hinihintay, hindi mo alam na may oras din silang nasasayang kakahintay sayo.

"Ayan. Muka na akong tao" ang nasabi ko sa sarili ko habang ngiting-ngiti na nakaharap sa salamin at pinag mamasdan ang sarili ko. Nakasuot ako ng high waist jeans na pinartneran ko ng off shoulder na white para sa pang itaas ko at naka tuck in iyon kaya nag belt ako. Lumabas tuloy ang hubog ng katawan ko dahil sa suot ko.

Nag lagay ako ng powder at liptint bago ulit ngumiti ng makita ko na ang itsura ko sa salamin. First time kong may nag ayang lumabas kasama ako bukod kay Hailey kaya naman excited na excited ako at pinag handaan talaga ang araw na ito! Halos hindi na nga ako makatulog kagabi dahil sa kakaisip kung anong susuotin ko para ngayon. First time naming lumabas ni Rei kaya naman dapat ay maganda ako sa paningin nya 'no. Kahit muka akong patatas na bigla na lang tumubo sa isang gilid palagi.

Ano kayang magiging itsura ni Rei? Excited na tuloy akong makita sya! Siguradong magiging gwapo nanaman sya sa paningin ko dahil sa itsura nya ngayon. Halos araw-araw naman atang gwapo si Rei sa paningin ko kahit hindi sya mag effort sa susuotin nya.

Tinitigan ko muna ang sarili ko sa salamin bago ulit ako ngumiti at tumalikod na para kunin ang sling bag ko na nakapatong sa kama ko. Kukunin ko na rin sana ang cellphone ko ng makita kong umilaw iyon at nag pop ang isang message kaya kinuha ko agad iyon sa ibabaw din ng kama ko at ngiting-ngiti na binuksan ang message ni Rei.

From: Rei

-I'm here outside your apartment already. I'll wait for you here until you get prepared.

Mas lalong lumawak ang ngiti ko dahil sa message na iyon. Ang hilig nya talaga akong hintayin. Hindi ba sya nag sasawa kakahintay saakin? Sa araw-araw ay lagi s'yang ganito. Lagi kong naabutan na nag hihintay sya saakin sa labas ng coffee shop kahit na kung minsan ay late na, nandoon pa rin sya at matyagang nag hihintay saakin kaya kung minsan ay nahihiya na ako dahil pati sya ay naabala!

A Painful Dream (Chaos Series #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now