CHAPTER 31

97 3 0
                                    


"Madame, Dito na po ako. Ingat po kayo," I looked at my assistant who's in the passenger's seat of this van. Inaayos ang kanyang mga gamit at handa ng bumaba.

Napakunot ang noo ko at napatingin sa labas ng bintana and then I realized that we're now at the front of her condo unit.

Hindi ko namalayan. Ilang oras na ba akong nakatanaw sa labas at nakatulala?

I looked at her again and I smiled. "Sure, take care," sabi ko dito at tumango pa.

She smiled back. "Sige po, Madame. I text nyo na lang po ako kung may kailangan po kayo sa work. Bababa na po ako, ingat din po kayo," tugon naman nito at ngumiti pa saakin bago bumaba at isinara na ang pinto ng van sa gilid nya. Nakita ko pa s'yang kumaway sa labas habang nakatingin saakin kaya nginitian ko lang din ito at kinawayan bago ko ulit maramdaman na muling umandar ang van paalis.

I sighed before I rest my back at the backrest of my chair again. Hindi ko namamalayan na nakatulala na pala ako habang nakatingin sa labas ng bintana kanina pag katapos naming mag usap ni Owen, tungkol sa gusto n'yang mangyari na gawing new movie project ang book na isinulat ko.

Napailing-iling na lang ako bago ulit bumaling sa labas ng bintana. Well, if he want to adopt my book and make it as a movie project. Sorry na lang sya dahil hindi na mag babago ang isipan ko.

Hindi ko iyon ipapagalaw. Hindi ako papayag na gawin nilang movie adoption iyon.

Once I made a decision for myself, it means no one can change my mind because once I made a decision... It's final.

Napatingin ako harapan and there, I saw my driver maneuvering the Van. On the way at my condo unit.

"Kuya," I called him. May naalala kasi akong sasabihin ko sakanya.

He looked at the side mirror. "Bakit po, Ma'am?" Takang tanong nito.

I smiled at him. "Kuya, pwede naman pong huwag nyo na po akong ihatid araw-araw. Kaya ko naman pong mag maneho ng sarili ko," sabi ko dito. Totoo naman kasi, aanuhin ko ang sarili kong kotse kung hindi ko din naman magagamit dahil lagi akong inihahatid ng driver namin?

"Nako, Ma'am! Hindi po pwede, ako po ang malalagot kay Sir. Kieran." Pangangatwiran nito.

Napailing-iling na lang ako. That man, Isa din iyon. Over kung mag protekta saakin na parang hindi ko kaya ang sarili ko kaya kung minsan ay nag tatalo kami dahil lagi kong pinipilit sakanya na kaya ko naman ang sarili ko pero dahil makulit sya, ayaw n'yang pumayag at talagang kinuhanan pa ako ng driver para lang ipag maneho ako araw-araw pag pasok sa trabaho ko.

Minsan nga ay pag labas ko ng Condo ko, nagulat na lang ako dahil may nag hihintay na saakin na driver sa labas at no'ng tinanong ko kung bakit sinabi lang nitong inutos daw ng kapatid ko na ipag maneho ako kaya wala na akong nagawa kundi sumang-ayon na lang dahil nand'yan na, eh. Ano pang magagawa ko?

Talagang pinanindigan n'ya ang sinabi nya saakin no'n na babawi sya saakin.

I smiled again while reminisce the scene that happened to us years ago.

The day when I found out that I am really a Villa Fuente.

Iyong araw na nabuo ang pag katao ko. Kung sino ba talaga ako.

I looked at my driver again. "Sasabihin ko na lang po kay Kuya, para hindi na rin po kayo maabala kakahatid saakin araw-araw." Ngiti ko na dito pero umiling lang ito.

"Okay lang po, Ma'am. Trabaho ko naman po iyon dahil kinuha po ako ni Sir. Kieran, para ipag maneho kayo." Pangangatwiran pa nito kaya napabuntong hininga na lang ako at hindi na umimik pa. Ibinaling ko na lang ang tingin ko ulit sa bintana.

A Painful Dream (Chaos Series #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now