1

29.5K 569 12
                                    

Iikot ang istorya sa buhay at paglalakbay ng Mag asawang James at Mary at ng kanilang anak na pinangalanang Bea. Masaya ang kanilang pamumuhay sa Empire Academy kasama ng kanilang mga kaibigan. Ngunit dahil sa trahedyang magaganap mismo sa araw ng panganganak ni Mary ay mawawalay sa kanila ang anak nila na si Bea. Si Bea ay mapapadpad sa mundo ng mga tao sa tulong ng mag asawang Robert at Margaret. Pinalaki ng maayos ng mag asawa ang bata. Hanggang sa nag elementarya at nag high school ito. Ngayon na nasa 16 taong gulang na ito, hinayaan na nila na makapasok ito sa high school at tumulong sa gawaing bahay. Minabuti ng mag asawa na huwag muna sabihin kay Bea ang tungkol sa tunay nitong pagkatao.

Sa kanyang pag aaral makikilala niya si Stephen na naging kamag aral niya mula elementary magpahanggang high school....

*************

Sa StarMoon High School......

"Bea tara na, male late na tayo...." stephen

"eh ikaw kasi nagpahabol habol ka pa sa akin.. Hahahaha!" bea

Ako pala si Bea, 17 years old at etong kasama ko, si Stephen 17 years old. Magkaklase kami sa StarMoon High School kaya lagi kaming magkasabay pumasok. Hinayaan na ako nina Mama at Papa na laging sumabay kay Stephen dahil alam kong safe naman ako sa kanya.

Makalipas ang dalawang subject ay nag bell na rin. Sa wakas! Kasi super bored ako. Sa isang puno lagi ang tambayan namin ni Stephen. Duon na rin kami kumakain.

"bes, 10 mins na lang at math subject na natin. Bilisan mo kung ayaw mong maparusahan tayo ni Ma'am.." stephen

"Yes sir! (with matching kamay na naka salute)" bea

"baliw ka tlga.. Tena! (tara na!)" stephen

      Habang naglalakad ako, naramdaman kong tinatawag na ako ni kalikasan kaya...

"Mauna ka na stephen, mag Cr lang ako." bea

"Sige. Bilisan mo ah.." stephen

   Nang natapos ako ay paglabas ko sa restroom ng girls ay kapansin pansin ang isang room sa 4th floor. Ang floor na iyon ay hindi na nagagamit dahil sa isang trahedyang bumabalot dito 10 taon na ang nakakaraan......

FLASHBACK......

"Hey guys bilisan niyo dali mahuhuli tayo ni Ma'am" sabi ng isang grupo ng mag aaral sa nasabing iskuwelahan.
"eh bakit sino ba may sabing mag cutting tayo ahh.." sabi nung isang babae.

   Hanggang sa napadpad sila sa fourth floor na noo'y maayos pa. Namangha sila sa nakita nila dahil napadpad sila sa isang music room kung saan laging may nagpapakita..

"uyy guys halika na. Ayoko na dito. Aware naman siguro kayo na may nagpapakita dito diba?!" sabi ng isang lalaki
"ano ba?! Kalalaking tao napaka duwag! Oh sige mauna ka,susunod kami." sabi nung isa pang babae..

    Pababa na ang isang lalaki na kabilang sa grupo ng istudyante nang makarinig sila ng isang sigaw mula sa hagdan. Nang tignan nila ay nakita nila ang kamag aral nila na naliligo sa sariling dugo. Tukoy na tukoy kung ano ang nangyari sa bata. Natakot at nagulat sa nakita at di namalayang malapit na siya sa hagdan kung kaya't nagpagulong gulong ito dahilan para mabagok ang ulo at dead on arrival na nang dalin sa ospital.

     At dahil sa nangyari, minabuti ng principal ng StarMoon High School na huwag nang ipagamit iyong floor na iyon.....

FLASHBACK ENDS......

   Nanakbo na ako papunta sa room. Hindi ko na lang inintindi ang nakita ko. Buti na lang at umabot ako sa room namin habang si Ma'am ay pasalita pa lang.

"i'll be your adviser for the whole year so expect that you will always given some school projects and assignments. I am Mrs. Lacson and Ms. Bea you can take your sit." sabi ni Ma'am Lacson.

Ibig sabihin simula ngayon siya na mag tuturo ng lahat ng subject. Astig! Natapos ang tatlong subject ay uwian na. Yehey!!!

"Bes, kanina ka pa tulala.. Ano bang nangyari sayo?" stephen habang hilot hilot ang kanyang sentido

"May kapansin pansin na room kasi kanina sa may 4th floor, buti na lang at nanakbo na ako dito sa room natin." sabi ni bea habang nag aayos na nang gamit.

"Teka okay ka lang ba stephen?" nag aalalang tanong ni Bea

"ahh wala to. Tara na uwi na tayo.." sabi ni stephen habang palabas ng room nila..

STEPHEN POV

Hay salamat naman at naisipan ni Author na gawan ako ng POV.

(a/n: GUSTO MO WAG NA LANG?!)

Hindi naman mabiro. Anyways. Ako si Stephen at anak ako nina Robert at Margarita ngunit sa isang malalim na dahilan hindi alam iyon ni Bea. Kaya ngayon nakatira ako sa mga Lolo at Lola ko kasama ang mga pinsan at tito ko.

Kanina sa school, papasok na kami sa room ay nag cr si Bea. Ayoko sana siyang iwan pero ayoko naman na magalit siya sa akin kasi hihintayin ko pa siya. Masama ang kutob ko kasi nakakakita ako ng pangitain na posibleng mangyari ngunit kayang pigilan kung gugustuhin din ng taong anduon sa pangyayaring iyon.

**********

"oh andito na tayo bes, tita Marge,  alis na po ako.." sabi ni stephen

Kumaway na lang si mama tapos umalis na rin siya. Ako naman ay pumasok at pumanhik sa itaas para makapahinga.

Nang gabi rin ng araw na iyon, hindi ako makatulog. Parang may naka masid sa akin mula sa malayo... Ngunit dala na rin ng antok dahil sa pakikinig ng musika sa aking ipad ay nakatulog din ako ng mahimbing at maayos.

-----------------------------------------

PLEASE DO VOTE. And hope enjoy reading. ^^,

Anonymously~Falling

Empire Academy(Finding the Lost Princess of Water) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon