16.......................

4.9K 180 1
                                    

Nagsimula na. Ang kinatatakutan ng lahat. Sa Empire Academy ay tatlo ang kalaban na pawang nasa ilalim ng kadiliman dahil sa ginawa ni Alex, ang magic stealer. Once na makuha niya ang power ng kalaban, nasa ilalim na ito ng kadiliman. Si David,can read mind and has the ability of cloning at si Edgar, a doppleganger and the ability to throw balls of electrically charged balls. Si Felix at Gabriel ay kalaban sina David at Edgar, samantalang ang kambal ay kalaban si Alex. Asan si Stephen? Gumagawa siya ng Healing balls, kung saan kapag kinain iyon ng mga taga Academy ay babalik ang lakas nila maski ang powers nila pero pag kinain ng kaaway ay malalason sila. Pinag aralan ni Stephen iyon habang si Bea ay busy sa kanyang pag eensayo.


Samantala sa lugar ng mga Hari at Reyna ay naruruon si Brian. Si Brian na wala sa katinuan. Pilit niyang sinisira ang barier na ginawa ng mga Hari samantalang si Bea ay handang handa nang makilala ang makakalaban nito.. Wala pang limang minuto ay nakapasok na si Brian, na naka-itim na damit at itim ang mata. Halos hindi na siya makilala ni Bea ng magkita sila sa gitna ng daan papuntang pintuan ng kaharian ng mga Hari at Reyna.


Brian - Nagkita rin tayo, Bea. Ang tagal kong hinintay to.

Bea - I-ikaw? Pero bakit?

Brian - Ako nga Bea. Miss me?

Bea - Teka... Hindi ikaw si Briann!! Ano nangyari sayo? Sinong gumawa niyan sayo?

Brian - Ako si Brian. Ohh ano pa hinihintay mo? oh baka gusto mo wasakin ko itong lugar na ito?


Nawalan ng focus si Bea. Naging emosyonal siya dahilan para hindi siya makalaban. Kapag umiiyak siya, umiiyak ang kalangitan. At ganun ang nangyari pero hindi siya nababasa. Tila naman basang sisiw si Brian na nilalapitan ni Bea habang si Bea ay nakatungo. Sasaksakin na ni Brian si Bea nang magalit si Bea at sabay sigaw. Tumilapon si Brian. Ngunit hindi pa rin nagpatinag hanggang sa naging purong itim ang mga mata ni Bea. Naging mapangahas si Bea dahilan para madaliin ang pagpatay sa kalaban. Gumawa siya ng electrical light, pinagsamang enerhiya na nagmula sa kanyang katawan ng gabing iyon at liwanag sa kanyang mga mata. Nasaksihan ng mga Hari at Reyna ang kakaibang lakas ni Bea dahilan para hindi sila mangamba na maililigtas ni Bea ang kaharian na itinayo ng mga magulang ni Bea.


"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh! aaaaaaaaaaccckkk!!" sigaw ni Brian habang natatamaan siya ni Bea. Bigla na lamang siya nakahandusay na sa lupa samantalang si Bea ay nananatiling nakatayo.


"Kabayaran yan dahil sa pagpatay ng Ama mo sa aking mga magulang! Hindi ka na dapat nabubuhay!!" pagkatapos sabihin ni Bea iyon ay kinuha niya ang kaluluwa ni Brian at saka nilagay sa isang garapon at itinapon. Saka niya sinunog ang katawan nito senyales na tapos na ang laban dahil namatay na ang lider nila.


Sa Academy naman...


David - Sumuko na kasi kayo.


Edgar - Gusto niyo na talaga mamatay ahh..


Alex - sabihin niyo lang. Ako na tatapos sa inyo.


Aria - Ano akala niyo sa amin, mahina?


Alyssa - Ako na lang kalabanin niyo, mga gunggong!!


Felix/Gabriel - Kami na lang!!!


Alex - Akalain mo nga naman ano? May nabubuo na bang love team dito?


Ang hindi nila alam na 7 ay lihim silang pinagmamasdan ni Bea. Nakita niya na nagka apoy si Alyssa sa katawan nito, si gabriel ay magpapaulan ng Ice Spikes, si Aria sa hangin at Si felix sa mga sanga ng puno. Nang biglang.....


Alex/David/Edgar - Aaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!!! Ano *ubo* ang *ubo* nangyayari *ubo*? sabay sabay nilang sabi.


Napalingon ang apat sa kanilang likod. May isang tao na nagmamanipula sa kanilang kapangyarihan. Si Bea. Nakakasilaw ang puti sa kanyang katawan habang naglabas siya ng tornado. Hindi biro ito. Dahil ang tornado na nilikha ni Bea ay may balanseng hangin, tubig, at warm fire na may ice spikes sa paligid nito na nakapulupot sa mga sanga. Agad rin namang namatay ang mga kalaban. Nasunog ang kanilang katawan dahil sa ginawa ni Bea. Nawala agad ang tornado pero ang ilaw sa katawan nito ay nanatili. Lumipad ang kanyang katawan sa gitna ng Academy kung saan naroroon ang mga katawan ng mga nasugatan. Muli na namang umilaw ang mata niya, pero sa oras na iyon umiilaw na rin ang kamay nito. Hindi na natakot ang mga estudyante sa kanya dahil sa ginawa niya. Gumaling at bumalik sa dati nilang lakas ang mga naruruon na estudyante kasabay ng biglang pagbagsak ng katawan ni Bea na siya namang sinalo ni Aria gamit ang hangin.


Stephen - dalhin na natin siya sa clinic.

Nurse Yna - Hindi na kailangan. Stephen, suot mo ba yung singsing?

Stephen - O-opo. Bakit po Nurse Yna?

Nurse Yna - Itapat mo ang singsing sa kanyang dibdib.


At yun nga. Ginawa ni Stephen ang sinabi sa kanya ni Nurse Yna. Kasabay nun ay ang pag liwanag ni Bea. Sobrang liwanag na halos hindi na dumilat ang mga taong nakakakita sa kanila. At wala pang 1 minuto ay nagising na rin si Bea..



******************


GUSTO NIYO BANG UPDATE AGAD?

^^,



Empire Academy(Finding the Lost Princess of Water) (COMPLETED)Where stories live. Discover now