2

16.2K 438 11
                                    

Kinaumagahan....

"Beaaaa anak bumangon kna diyan at andito na si stephen. Kakain na tayo.!" sigaw ni Mama. Kahit kailan talaga oh..

BANGON

AYOS NG KAMA

LIGO

BIHIS

AYOS NG GAMIT

Hay salamat. Natapos din. Nang makababa ako ay napansin kong masayang nagkukwentuhan sina mama, papa at bestfriend kong si Stephen. After namin makakain,nagpaalam na rin kami. Malapit lang naman ang iskuwelahan namin sa bahay namin. Mga 3 kanto kung masipag kang maglakad pero kung tamad ka, isang tricycle lang.

"Ayos ka na ba bes?" tanong ko kay Stephen

"Ahh oo. Ipinahinga ko na lang yung sakit ng ulo ko kahapon.." sabi ni Stephen

*batok* ikaw talaga tinatanong kita kahapon kung okay ka lang?! baliw ka talaga.. - bea

"Mashaket! Naman bes sorry na.." stephen

"alika na nga. Male late pa tayo ehh.." bea

Sa di kalayuan....

"anlaki na ng anak natin robert, at bagay pa sila ng bea. Sana ay hindi siya magalit pag nalaman niya ang totoo.." margaret

____________

Samantala sa school...

"bes subukan kaya natin akyatin ang 4th floor..." sabi ni stephen sa akin habang naka tambay kami sa corridor.
"nababaliw ka na ba bes?! AYOKO NGA!!" bea

"ayy nako.. Bahala ka diyan!! Basta ako aakyat ako.." sabi ni stephen

"uyyy intay.. Kasi naman to napaka kulit ehh.." bea

Nasa hagdan pa lang kami ay ramdam ko na may malakas na enerhiyang nanggagaling sa ika apat na palapag na iyon. Ayoko ipahalata kay stephen kasi panigurado ibaba na niya ako....

"Nararamdaman mo rin ba yun?" stephen
"Oo eh. Ikaw din?" bea
"Oo.. Haaayy..." stephen

Naglakad lakad kami papuntang music room kung saan may nagpapakita. Nang nasa pinto na sila, nag deep inhale exhale muna silang dalawa. Nung akmang bubuksan na nila, bigla silang hinigop ng nasabing pinto.

BLACKOUT

Nang idilat na namin ang mga mata namin, namangha kami pareho sa nakikita namin. Mala palasyong lugar, gold at silver ang kulay ng loob samantalang blue and red ang ibang kagamitan. May isang malaking chandelier sa gitna ng kwarto.

"Sino kayo? Papaano kayo nakapasok sa aming mundo?" sabi ng isang hari katabi ang kanyang reyna...

"A-ako po s-si Bea at ito po si Stephen, galing po kami sa mundo ng mga tao. Uh-uhmm.. Pasensya na po.." sabi ni bea habang nakayuko.

"ahh kung ganun.. Alam niyo bang hindi na kayo makakabalik sa mundo niyo once na makapunta kayo dito?" sabi ng Hari.

"P-po?! Teka pano po ang mama at papa ko?! Hinahanap din nila kami. Saka po si Stephen hinahanap din sya ng mga lolo at lola niya!" sabi ni bea na nag aalala..

"Eto ba sila?! Wag kayo mag alala, nasabihan na namin sila.. Kamukhang kamukha mo ang nanay mo, Bea." sabi ng Hari naka ngiti ito kay Bea.

"a-ahmm.. Si Robert at Margaret po ang magulang ko? Sino po ba tinutukoy niyo?" pagtatakang tanong ni Bea.

"Anyways, Headmaster Henry pakihatid na sila sa kanilang tutuluyan. Kung may iba pa kayong tanong ay maari ninyong itanong kay HM Henry. Makaka alis na kayo." sabi ng Hari.

Naglakad kami palabas ng palasyo. Nakita agad namin ang Empire Academy. WOW!! Yung pangalan ng Academy nakaukit mismo sa building tapos rainbow ang color. Astig!! Aakalain mong palaruan sa ganda... Natigil ang aming pagka mangha ng nakita na namin ang mga tao sa paligid namin.

May magic sila? Ay hindi powers? At meron ding fairies? May mga creature na sa t.v ko lang nakikita. Teka, totoo ba to? Kinurot ko sarili ko.."ARAY!! Totoo nga!! Hindi ako nananaginip.! Huhuhu!! Uwi nko. Ayoko na dito.!!" "Huuy!! Best, hindi tayo nananaginip. Totoo to." sabi ni Stephen.

"Ito ang Empire Academy. Itinayo ito nina King James at Queen Mary 30 years ago. Ngunit dahil sa kasakiman ng kapatid ni Queen Mary na si Queen Victoria ay gumuho ito. Sa tulong ng mga kings at queens ay nabuo muli ito 15 years ago. Ngayon ay bumabangon na kami sa ginawa ni Queen Victoria ngunit may pangamba na mauulit muli iyon. Kung kaya't hinahanap na ngayon ang nawawalang Prinsesa ng liwanag at tubig. Sa unang palapag makikita ninyo ang canteen, katabi ay ang music hall, and then ayan ang restroom dito. Sa ikalawang palapag ay ang rooms ng professors, nurse at headmasters the rest of the floors are the student's dorms. Sumunod kayo sa akin." sabi ni Headmaster Henry.

Pumasok kami sa isang transparent elevator. (Imagine niyo yung sa Charlie and the chocolate factory) Natatanaw na namin lahat ng estudyante at nang makarating kami sa pinakadulong floor...

"Iyang kulay Silver at Gold na pinto ay sa inyong dalawa. Diyan ka muna din mag room Stephen ngunit panandalian lamang iyan hangga't wala pang nakikitang room na para sa inyo. Sa academy na ito, ang isang rules ay hindi pwede mag sama sa iisang kwarto ang babae't lalaki unless kabilang kayo sa grupong ei-yah.." sabi ni HM Henry

"Salamat po.. Ngunit paano po ba mabubuksan ito?" naguguluhang tanong ni Bea.

"Halika lumapit ka.." sabi ni HM Henry kay Bea.

Sinugatan ako ni HM tapos yung dugo ko, pulang pula siya. Ngayon ko lang nakita dugo ko. Yung pagka pula niya may bahid ng maroon. Tapos pinatak niya sa may door knob. At kusa siyang bumukas.

"Pumasok na kayo at magpahinga, makaka tanggap kayo ng sulat mula sa aking opisina na naka saad kung anong section kayo kabilang... Hanngang dito na lang ako.. Paalam..." ani ni HM Henry

*******************

Sa isang banda....

"Master, nakapasok na sa Empire Academy ang nawawalang prinsesa ngunit wala pa rin silang clue na siya na nga iyon.."

"Magaling!! pero hindi pa tayo ngayon lulusob.. sa ika tatlong buwan tayo lulusob. Paghahandaan ko pa ang pagkikita namin ang aking prinsesa... Bwahahahahahahah!!!!"

----------------------------------

SINO KAYA ANG TAONG YUN? MALALAGAY KAYA AGAD SA ALANGANIN SI BEA? MALALAMAN NA KAYA NIYA KUNG ANO ANG TUNAY NIYANG PAGKATAO?

********************

Woooohhh!! Please vote po kayooooo...
Ciao!!!

Empire Academy(Finding the Lost Princess of Water) (COMPLETED)Where stories live. Discover now