6.............

8.1K 258 8
                                    

ETO NA ANG UPDATE..

****

“Dalhin niyo siya sa akin. Magmadali kayo..” sabi ng ama ni Felix na si King Edward.

Ngayong araw na ito, pinatatawag ni Amang hari ang kaibigan namin ni Gabriel, si Bea at Stephen. Pero di pa nila pwede malaman na alam na namin na si Bea ang nawawalang anak at ang Prinsesa ng Liwanag at tubig. Mapapahamak siya. Hindi pa ito ang tamang oras.

Makalipas ang ilang minutong pag hihintay ng Amang hari. Bumukas ang pinto ng Empire Palace, ang palasyo kung saan nakatira lahat ng hari at Reyna pwera lamang ang hari at reyna ng kasamaan.

“Ipagpaumanhin niyo ama ang aming katagalan, ito nga po pala si Bea (Na nasa kanan ni Felix) at si Stephen (na nasa kanan ni Ice). Si Stephen po ang oracle.” Mahabang pahayag ni Felix.

Tumingin muna si Felix kay Stephen bago lumapit ang Hari sa kanila. Ang tingin na nagsasabing wag kang madudulas sabihin ang totoo.. Dahil sa naging pag uusap ng apat ilang oras bago sila pumunta sa Empire Palace.

 FLASHBACK

“Ayan.. dumilat ka rin sa wakas.. Pinapatawag tayo ng aming Amang Hari. Isa sa mga malalakas na Hari sa Palasyo at sa Academy na ito. Pero bago tayo pumunta dun. Pakiusap ko lang sa inyong dalawa, bea at stephen. Hindi pwede malaman ng aking ama na buhay ang nawawalang prinsesa ng liwanag at tubig, mapapahamak ka Bea. Kailangan makasiguro muna ako na siya nga ang aking ama at hindi isang manggagaya lamang.” Mahabang pahayag ni Felix sa dalawa.

“Anong ibig mong sabihing manggagaya? Teka isang doppelganger tama ba?” bea

“Oo, isang barkada sila. Hindi halata na masasamang tao sila pero nakapasok na sila sa academy na ito. Kaya kailangan niyo mag doble ingat, lalo ka na bea. Wag ka mag titiwala kahit kanino..” Ice

“Pero paano malalaman na isa siyang doppelganger?” stephen

“Kapag tumayo ka, at tumingin sa pagitan ng mga hita mo pailalim… Isa siyang doppelganger..” Felix

“Halika na kuya, hinahanap na tayo ng tauhan ni Ama..” Gabriel

FLASHBACK ENDS

Kinuha ng Hari ang kamay ni Stephen at isinaklob sa kamay nito. At duo’y nakita ng Hari na naghahanda na ang kasamaan para sa pag kuha sa Prinsesa ng liwanag at Tubig.  Naroon din ay maraming magbubuwis ng buhay para sa prinsesa kasama ang kanyang dalawang anak. Bigla syang nangamba.....

"Sige maari na kayo umalis. Gabriel, felix maiwan kayo.." sabi ng Amang Hari

"Ama annong nangyayari sa inyo?" nag aalalang sabi ni Ice

"Magmula ngayon, hahanapin niyo ang nawawalang prinsesa at kung sakali man na mahanap o makilala niyo siya, iwasan niyo na. Nakita ko na maraming mamamatay sa pag ligtas sa prinsesang yun, kasama na kayo. Ayoko mangyari iyon." sabi ng kanilang ama.

Tila nabalisa naman ang magkapatid sa narinig sa ama. Hindi nila maintindihan kung bakit kailangan nila iwasan si Bea. Samantalang binago lang naman ni Stephen ang totoong mangyayari sa mga susunod na buwan.. 

*****

sorry for short update.. 

 

Empire Academy(Finding the Lost Princess of Water) (COMPLETED)Where stories live. Discover now