Masayang Pamamaalam

9 10 0
                                    

Ang tadhana'y sadyang mapagbiro Dahil pati pag-ibig ginawa niyang laro
Bakit pa nga ba tayo pinagtagpo?
Kung sakit man lang din, ang idudulot mo sa puso ko

Minsan humiling kay Bathala, sana 'di ka na lang nakita
Sapagkat alam kong ako'y walang laban
Sa tindig mo't katayuan, ngiti, at kabaitan
Sa akin ipinakita, kaya natamaan

Ngunit aking paghanga sa iyo'y, 'di mo kayang tugunan
Sapagkat ang puso mo'y sa ibang binibini na nakalaan
Siya ang laman ng iyong puso at isipan
Kahit pa ang mahal niya'y iba naman

Nasaktan ka man sa iyong nalaman
'Di ko naman kayang salohin, ang kasiyahang sa kaniya mo lang nararamdaman
Kaya akin na lamang iniluha ang aking kalungkutan,
Kalungkutan para sa 'kin, at sa iyo din naman

Ngunit ako'y nasiyahan nang taon ay nagdaan
Luha kong iginugugol sa'yo noon, ngayo'y natuyo't biglaang naglaho
Pagkat pag-ibig ko sayo'y aking winakasan
Masayang babanggitin ang katagang paalam, at salamat sa inspirasyon na hanggang sa noon lang

—beshay💛👸🦢

Papalubog Na ArawWhere stories live. Discover now