Mahal Kong sarili,
Patawad kung ikaw ngayo'y
pagod na parati
Bagama't masama ang pakiramdam, ngunit piniling magpaka-okay lang
Patawad kasi mas pinili kong pahirapan ka
Kaysa maglaan ng oras upang papahingahin ka munaMahal Kong sarili,
Patawad sa pagkakataong mas maraming beses kitang naipapahiya
Alam kong hindi ka sanay sa mga ganong bagay ngunit andiyan ka't hinarap mo nga
Patawad sa pagkakataong mas pinili kong magpasaya ng iba
Kaysa sa 'yong kailangang-kailangan mo sana,
Patawad sarili kung mas pinili kong ipakitang masaya ka
Kahit baga nasasaktan ka't lumuluhaMahal Kong sarili,
Patawad kung mas pinili ko na namang magpaka mang-mang sa harap ng maraming tao
Kaysa magpakatotoo at sabihing hindi ito ako.
Patawad sarili kasi hinayaan kong lumuha at magpakasakit kang mag-isa
Habang pinapayohan ko at pinapakalma ang iba
Patawad sapagkat kahit nanginginig na ang iyong mga kamay
Hinang-hina kana at nanlulupaypay
Hinayaan mo pa ring lumaban at gawin ang iyong trabahoMahal Kong sarili,
Patawad kung halos gabi-gabi
Nagmumukmok at nanginginig ang labi
Nang dahil sa kirot at hinagpis
Dulot ng mga katagang hindi ko matiis
Walang tulog at pahinga
Ang iyong utak, totoo nga
Masyado pang maaga
Ang alas nuwebe at alas onse
Para hindi ipagpatuloy ang gawain
Na hanggang imponto katorseNgunit sa huli'y ikaw pa rin ay ikaw
Walang nagbago, walang sinumang sumaludo
Ako, ikaw, siya ay tayo
Ang nag-iisang naka-iintindi ng pinagdaanan
Kaya huwag ka ng malungkot
Andito lang ako handang intindihin ka
Anuman ang sabihin ng iba
Walang makakapigil sa 'yo
Kung hindi ikaw lang din
Sariling mahal ko
![](https://img.wattpad.com/cover/286186571-288-k101513.jpg)
YOU ARE READING
Papalubog Na Araw
PoetryAng lahat ay mapaparam at lumilipas katulad ng paglubog ng araw, kapalit nito'y liwanag pagsapit ng umaga. Kaya nawa'y basahin ninyo itong aking likha na pinamagatang Papalubog na Araw. Isang compilation kung saan ang lahat ng aking kaalaman at imah...