Kabataan Ang Pag-asa ng Bayan

9 12 1
                                    

Paano ko ba 'to sisimulan?
Ang isang tampong alam naman na siguro ng mga kabataan.
Oh kung meron man ang hindi nakaka-alam.
Aba! siguroy panahon na upang ito'y ating malaman.
Isa, dalawa, tatlo.
Hanggang ilan paba ang mananatiling bulag, sa harap ng karamihan ay nagbibingi-bingihan.
Hindi niyo ba tanaw?
Pag-asa ng bayan ako, siya, ikaw.
Ang sabi ng ating namaalam na bayani tayo ang pag-asa.

Ngunit bakit hindi natin ito inintindi, sa halip sa kalayawan ang sa isip pinagbuti.
Nakakalungkot lamang isipin na ang malaking tiwala, at pangarap ng bayani natin noon.
Nasira at tila hindi binigyang pansin ng mga kabataang pinaghandogan ng mga pangarap na iyon.
Mas iniisip ng iba na sila ang tama.
Katuwiran at kaalaman nila, hindi mabitaw-bitawan.
Pagkat ang sariling pananaw ang mas inintindi kaysa sa mas nakakabuti.
Kaya akin namang hiling nawa'y inyong tanggapin at unawain.
Huwag hayaang ang sistemang hindi maunawa ang manaig kaysa nakabubuti sa atin.

Papalubog Na ArawDonde viven las historias. Descúbrelo ahora