Simple lang kung bigkasin, pero maraming pwedeng ibig sabihin.
Palaging magkasama sa sakit at ginhawa.
Nakakaramay ang isa't-isa.
Nagbabalikan at nagpapatawad.Di bale na kung marami man o hindi,
Hindi naman basehan ang rami ng kaibigan.
Hanapin natin yung tunay at totoo,
Sapagkat sila ay makakasama natin hanggang dulo.Yakapin mo sila ng mahigpit.
Sulitin na natin ang bawat oras.
Kalimutan na ang away at sakit.
Maikli lamang ang panahon.Hindi lahat nagkakatipon.
Katulad na lamang nang pandemya ngayon.
Alam kong ang saya na galing sa kanila, ay isa na lamang ala-ala.
Kaya tama ang iyong ginawa, sa huli n'yong pagkikita.Pagmamahal ang pinadama, at gano'n din sila.
Bumuo ng kasiyahan, kasiyahang hanggang sa isipan na lang.
Kasiyahang kakaiba na sa kanila masusumpungan.
Oh kay sarap balik-balikan, ang ala-alang kasama sila na iyong kaibigan.—beshay💛👸🦢
![](https://img.wattpad.com/cover/286186571-288-k101513.jpg)
YOU ARE READING
Papalubog Na Araw
PoetryAng lahat ay mapaparam at lumilipas katulad ng paglubog ng araw, kapalit nito'y liwanag pagsapit ng umaga. Kaya nawa'y basahin ninyo itong aking likha na pinamagatang Papalubog na Araw. Isang compilation kung saan ang lahat ng aking kaalaman at imah...