Ang Kuwento ni ISSA

3.8K 101 10
                                    

Kung isa lang itong romcom movie, siguro ito na yung nasa gitna ng pelikula. Iyong na-establish na kung gaano tayo ka close bilang magkaibigan pero hanggang doon lang talaga tayo. At dahil may pinakilala ka na naman na bagong girlfriend, nag-desiyon ako na ayoko na.

Sobra na akong nasaktan sa mga nangyayari kaya I will try to live my life without you. Pero hindi ko aaminin sa iyo ang totoo. Hindi ko ipapaalam sa iyo na mahal kita.

At habang oblivious ka sa feelings ko, may makakausap kang barkada natin. At siya ang magsasabi sa iyo na “Hindi mo alam? In love siya sa ‘yo matagal na! Kaya siya pupunta sa ibang bansa para kalimutan ka.”

At magugulat ka sa nalaman mo. Hindi mo inexpect na mahal kita. And suddenly, bigla kang napa-What if? And you would be struck by the idea of having me as your girlfriend.

Kaya bigla kang maghahabol kung saan man ako pumunta. And just in the nick of time, bago ako makasakay sa eroplano, o bago ako makapag “I do” sa ibang lalake, darating ka para pigilan ako. Tapos magbibitiw ka ng isang kilometrong dialogue tungkol sa undying love mo sa akin.

Pero wala tayo sa pelikula. This is reality. And in reality, kapag umalis ako at umiwas, hindi mo man lang mapapansin na wala na pala ako. O puwedeng magpaalam ako sa iyo, at hahayaan mo lang ako.

Walang habulan sa airport. Walang mahabang dialogue sa dulo. Walang happy ending.

Si Jolina sa Labs Kita, Okey ka lang. Si Kim sa Paano na Kaya. Si Bea sa She’s the One. Sila ang may kasalanan kung bakit may mga babaeng umaasa na possibleng magkatuluyan ang mag best friends.

Lahat sila na in love sa best friend. Pero hindi ako sila. Wala tayo sa pelikula. At sa totoong buhay, ang mga tulad ko na babaeng secretly in love sa best friend, hanggan doon lang habang buhay – best friend.

The Goodbye GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon