Ang Kuwento ni ELLA

4.9K 82 6
                                    

Anniv nyo bukas. Isang taon na kayo. Ano pa nga ba ang masasabi ko kundi “Congrats.” May dapat pa ba akong sabihin?

Last week lang, tinext mo ako. Depressed ka kasi at kailangan mo ng kausap.

Kaya kahit tulog na ako, tinawagan pa rin kita para kausapin. Nag-kuwento ka tungkol sa kanya. Lahat ng hinanakit mo, mga resentments mo. Sabi mo, sawang-sawa ka na kaya iniisip mong makipag-break na sa kanya. Lihim naman akong natuwa. Dahil naisip ko, finally ay natauhan ka na.

Pero ambilis ng mga pangyayari… Gaya ng dati, nagkaayos din agad kayo. Kasi, kahit inaabuso ka niya, mahal na mahal mo pa rin siya. At hindi mo rin siya matitiis. 

Gusto sana kitang awayin. Gusto kitang murahin. Gusto kong ipamukha sa yo ang katangahan mo. Pero siyempre, hindi ko ginawa. Kasi kung tutuusin, pareho lang tayong tanga.

Anniv niyo na bukas. May date kayo, siyempre. Kung saan, hindi ko na alam. At kung anuman ang gagawin nyo, ayoko nang pakialaman. Basta ang alam ko, magse-celebrate kayo, mag-eenjoy. Samantalang ako, magmumukmok, maghihintay kung kailan ka na naman made-depress para itext mo uli ako.

The Goodbye GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon