Ang Kuwento ni JONA

3.2K 89 7
                                    

Isa-isa ko nang binubura ang mga text messages mo. Mga text messages mo na gabi-gabi ay binabasa ko. Parang lullaby. Mga text messages mo na binabalikan ko tuwing namimiss kita.

Bawat text sa cellphone ko ay may kuwento. May dalang alaala at laging kasama ka.

Mula noong simpleng Hi pa lang ang nasabi mo. Hanggang sa mga pag-aya mo ng date. Yung mga sweet messages na I love you and I miss you. Pati yung mga exchange of messages ng mga tampuhan natin. Yung mga panunuyo at pagso-sorry mo. At oo... pati yung mga cold and perfunctory messages mo noong nagkakalabuan na tayo.

Binabalik-balikan ko sila. Ayokong burahin dati kasi umaasa ako na madadagdagan pa yun. Na bigla kang magti-text ulit para magparamdam. Umaasa ako na bigla mo akong maalala at mamiss. Tapos babalik na tayo sa dati.

Pero matagal na nanahimik ang cellphone ko sa mga messages mo. Ibig sabihin, masaya ka na sa buhay mo... at hindi na ako ang kasama mo.

Kaya isa-isa ko nang binubura ang mga texts mo.

Messages Deleted.

Sana puwede ko ring gawin yun sa 'yo. Iyong isang pindot lang, pwede na kitang kalimutan at tuluyan ka nang mawawala sa buhay ko. Hindi na puwedeng balikan.

Pero hindi ganoon kadali ang lahat. Kaya inuunti-unti ko muna.

Ngayon, mga text messages mo ang binubura ko sa cellphone ko. Bukas o makalawa, ikaw na mismo ang aalisin ko... Sa isip ko... sa puso ko... sa buhay ko...

The Goodbye GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon