44. Den-Ly

7.3K 152 4
                                    

Den's POV

June 13, 2014

5:30 am

Wow it's too early para magising ng ganitong oras, pero hindi na siguro masamang magising ng ganito kaaga sa apat na sulok ng dorm na ito katabi ng taong nagpapasaya sayo.

This will be our 2nd day here at ang unang gising namen sa loob nito. Hindi pa ko sanay na magkatabi kame matulog pero mabilis naman ako makaka-adjust.

"Happy fourth month babe" -sabi ko sabay nakaw ng halik sa labi nya.

At ito ang isang bagay na hinding hindi ko pagsasawaan.......

ang paulanan sya ng halik at pagmamahal.

Hayyyy, anong oras kaya sya magigising? Kapag nagsimula na ang training, hindi na pwede ang ganitong gising and for sure ako ang pinakamahihirapan pag dating sa panggigising sa kanya. Napakatulog mantika kase minsan.

Yinakap ko sya ng mas mahigpit at hinihipan ang leeg nya kung san nakasiksik ang ulo ko, medyo naalimpungatan na sya, pero pag ka ilang segundo..... Tulog na ulit.

"Ano ba yan?"-- kumalas na ko sa pagkakayakap ko sa kanya at bumangon na for my morning routines.

Pumasok na ko ng CR at nagtoothbrush.. Tumingin ako sa salamin habang tumatakbo a isip ko ang mga linyang

"hindi ba sya excited na I-date ako ngayon!!??"

(Ayoooooon, excited naman pala😒😒 FYI mag mo mall lang kayo, wala pang bukas na mall sa ganitong oras)

"Tseeee!!! Pweeeeee!" - sabay buga ng tubig at lumabas ng CR.


Diretsong sala na din ako at dun naabutan ang mga rookies na nag kkwentuhan with ella


"Salubong ang kilay? Ang aga naman ata nyan!" -Ella

"Tumigil ka nga dyan, tulungan mo na lang ako magluto ng breakfast naten" - sagot ko sa kanya

"Ako na lang ate" -maddie ...at biglang ngiting aso na naman ang nakaligtas na si Ella sa gawain

Diretso na kameng kitchen...

"You really love to cook?" -sabi ni maddie at natawa naman ako bigla

"I really don't know how!"

"Ooppppppsss wait ate," - sabay pigil nya sa paglalagay ko ng oil sa pan

"Masyadong Madame ng oil..." -sabi nya


"I told you" - sabay kamot ko sa ulo


"Ayaw ni ate Ly ng madameng oil, lalo na kapag breakfast na vovomit sya!" -sabi ni maddie at napalingon ako sa kanya

"REALLY?" -gulat na tanong ko sa kanya

"Ahhh.. Ehh,, siguro? 😕 Malay mo, wala lang nasabi ko lang" --sagot nya

"Ahhhh okay, hindi ko rin naman alam since hindi ko talaga sya mahilig ipagluto, pero I think that's one thing I really wanted to work on para naman masabeng deserving ako para sa kanya, yung maipagluto man lang sya diba, na kahit tinatarayan ko yung damulag na yun mahal ko naman yun e. for 4 months we're together,, ma-----"

"4 MONTHS ATE?" - maddie

At na patatas naman ako ng kilay sa biglang pag singit nya sa kwento ko

"Ahh I mean 4 months na pala kayo haha" -sabi ni maddie. Weird

"OO 4 months pa lang sila. Pero kita mo kung makaasta feeling mo aasawahin na sya" -singit ni Ella habang may nginungutngot na biscuit

"Tseeee.. FYI dun din papunta yun"

"FYI din......"



"Ano?????" --tanong ko habang nakapamewang at hawak yung sandok


"4th year college ka pa lang"

"Daaaaah? And I'm 22"

"And she's 21" - Ella

"And you're 48! Dapat disqualified ka na dito dahil-----"

"48 ako?? Ewwww I'm 22 din.. Disqualified sa sobrang ganda?" --ella


"Dahil overweight ka!"


"Amoy sunog..." --maddie


"OO nga?" -sagot ko


"Amoy sunog DEEEEEEEENNN!!"


----


Nakaupo na silang lahat at ready na mag almusal, bagsak lahat ng balikat at nakatingin sa jumbo "sunog" hotdog na nakahain sa mesa


Aly's POV


"Di ka man lang aakyat ng room nyo para gisingin ang girlfriend mo" - rinig kong sabi ni Ella



"Yanmusyang damulag na yun"
- at mukang mainit ulo ng girlfriend ko ah


"Oh tinawag mo na naman akong damulag?" -at sabay sabay silang napalingon saken pababa ng hagdan..
And okay here comes her morning kiss..

"hi babe" -sabi ko at tinaasan nya lang ako ng kilay

Iniiwas ko na lang ang tingin ko, at napansin ko ang breakfast namen..

kaya pala mainit ulo nito dahil sa breakfast hahaha


"Oh?? Ano na naman ginawa mo Ella sa hotdog?? HAHAHAHAHAHA. Ang laki laking sunog nyan. Hahaha.. Naku di ka pa pwedeng magasawa nyan, mag aral ka muna mag fry ng hotdog" --niloloko ko lang si Ella di naman ganun ka pikon to e, minsan lang



"Hahahahahahaha" -Ella,, oh tingnan nyo tumatawa pa din,



"Tama yan Ella,, tinatawanan lang minsan ang kapalpakan" -sabi ko



"Hahaha OO nga Ly, tawanan lang ang kapalpakan!!" -at sagot pa nya...di pikon yan



"Ahhhhhhh,," -sabay tayo ni Den at bagsak ng kamay sa Mesa na sobrang ikinagulat ko. Inalis nya ang nakaakbay kong kamay sa kanya at padabog na umakyat ng kwarto namen

"Oh babe!??" -tawag ko sa kanya


"BABE MO MUKA MO!!" --
Awtssss anyare dun??

"Anong?????" -- sabay lingon ko sa mga kasama namen sa bahay


"Yanmuna ate Ly napagod lng siguro sa pagluluto"- at

50%

75%

95%

99%



100%

All data processed


"Nak ng.....SYA NAGLUTO? Bat di nyo sinabi??"


"Hayaan mo na Ly, tawa ka na lang, sabi mo nga....." - sabi ni Bea at nag senyas pa sa mga teammates namen

At nagsabay sabay pa nga sila


"TAWANAN LANG ANG KAPALPAKAN... HAPPY MONSARY! CONGRATULATIONS"

Here in my Heart (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon