37. Den-Ly

10.1K 185 8
                                    

(Si Den pa rin to ha)

Tun ten tun ten tenn

(Message alert tone yan ng phone ko)


[Hatid na kita school ha] ---from babe

[---> dumiretso ka na ng girschool.Baka malate ka pa sa training nyo. ]

[ihhhh gusto kitang makita] --babe

[bahala ka nga damulag]



Tapos biglang

Ding dong..

Dont tell me sya na agad yun???

Si jirah naman agad yung tumakbo para buksan yung gate sa labas.


Hi jirah -- tssss si Ly nga yung dumating parang wala pa namang 1 minute nung nagreply ako ahh -__-

Hi ate Ly sabay na tayo pagpuntang training?? -- salubong ni jirah

"Ihahatid pa nya ko, tsaka si mama maghahatid sayo ah - biglang singit ko naman sa usapan nila at yumakap sa bewang ng babe ko.. Inirapan naman ako ng kapatid ko at bumalik sa dining area para ituloy yung pagkaen nya dun

"Goodmorning Alyssa" --pasigaw na bati ni mama mula sa dining

Hinigit naman ni Ly kamay ko papapunta dun at humalik kay mommy

"Galingan nyo sa Finals ha dahil excited tong si jirah para sa surprise ng daddy nya kapag nagchampion kayo"

"Ma di nyo na kelangan sabihan yan.. Kampante akong makukuha ko yung surprise na yun.. Di ba Ate ly??" --jirah

Mautal utal naman nakasagot ang babe ko.. Napressure ata dahil nakasalalay pala sa kanya yung surprise ni papa kay jirah. Pero ako man e 100% panatag ala Lactum sa kakayanan ng damulag na to.

"Ma mauna na kame ha" -- sabi ko

"Teka naman hindi mo man lang ba pakakainin si Alyssa?"

"Ahhh e tita hindi na po, kumain na po ko sa bahay nina kuya" -- sagot ni Ly

"Ahh o sige.,, be careful on driving ha.. Ingat kayo.." -ma

At ayun umalis na kame ni Ly. 1week syang excuse sa class para sa training for Finals, pero may makeup class naman sya. Nakakastress yung schedule nya at ngayon magstart yun.. Waaahh mukang madalang na kame magkikita hanggang matapos ang season ng league ngayon

"Babe" -- napalingon naman ako sa nagdadrive na to

"Mamimiss mo ba ko?"

Tinaasan ko lang sya ng kilay sabay pout at mukang nagiisip

"Ahhhh ano ba yan.. Kelangan pa bang pagisipan yun??" -- reklamo nya

"Oo" -- sagot ko

" talaga mamimiss mo ko? Ako sobra kitang mamimiss"

"I mean OO.. Kelangan pang pagisipan yun" - at biglang kunot naman ng noo nya sabay kamot sa ulo nya.. Tapos tumahimik na sya.. Halata mo naman nagtatampo tapos ako medyo natatawa na..

Kinurot ko yung right cheek nya kase hindi ko naman talaga sya matiis

"Ahhh damulag di bagay sayo.. Mamimiss naman talaga kita o.."

Tapos ang kapal nya di pa rin ako pinapansin

"Hoy damulag!!" - tapos tiningnan nya ko ng masama

"Babe" -- niyugyog ko yung balikat nya..

"Ahh wag kang magulo baka mabangga tayo" - saway nya saken nag crossed arms na lang ako

Tumahimik na kame...





In

1

2

3

"Wag ka mambababae dun ha?" -- bigla na lang lumabas sa bibig ko yun. Ewan pero yun talaga gusto kong sabihin

"Depende kung hindi ka mamimigay ng number mo"

"E SILA NAMAN YUNG LUMALAPIT HINDI AKO"

Kalmado pa rin sya kahit nasigawan ko sya.. Pangiti ngiti pa tong damulag na to

"Chill babe.. Trust me.. Im only yours"

"Siguraduhin mo lang kung ayaw mong maputulan ng paa"

"Whaaaaaat babe????" -- nagulat naman ako kase lakas ng preno nya...

"ANO BAAAAAAAAA" - sigaw ko ulit

"PUPUTULIN MO TALAGA PAA KO?" - ang ingay na namen sa sasakyan nya

"BAKIT MAMBABABAE KA TALAGA?"

"Hindi naman e" -sagot nya na syempre ikinatuwa ko.. May tiwala naman ako sa kanya.. Pero ewan ba. Ayoko talaga na pumupunta sya ng girlschool.naaalala ko yung mga nakita ko dun date. Kung gaano kadameng babae na umaaligid sa kanya

Dito na kame sa eagnimo at natatanaw ko na sina Bea, ella at mae dun na iniintay ako.

"Yung pinagusapan naten baldo ha" -- andito pa rin kame sa loob ng kotse nya

"Yes Boss.. Pero teka lang"

Tinaasan ko naman sya ng kilay

"Kiss ko muna.. " --Sabay ngiti naman nya ng nakakaloko

Tumingin naman ako sa labas nakita ko yung tatlo na naiinip na sa paglabas namen

"Hindi naman nila makikita e" -- sabi nya at bigla na lang akong hinalikan.. E di gumanti na lang ako

"Ano ba?? Babab-------" -- nagulat naman kame pareho ng biglang buksan ni Bea yung pintuan na hindi na pala nakalock..narindi na lang ako sa malakas na pagbagsak ng pinto ng kotse sa gilid ko..

Ahhh nabalit naman ako ng hiya.. Syempre.. Never pa nila kame nakikita na ganito.. Uhhhhh >__<

Eto kasing damulag na to.. Nakakahiyang lumabas..


"Hindi mo ba ko sasamahan bumaba?" - tanong ko sa damulag na to na ngiting ngiti na naman. Palibhasa hindi nya makakasama maghapon tong mga to wala syang pinoproblema... Ahhhh parang kamatis na ko neto..

"Wala kang kasalanan sila nga tong basta ngbubukas e nasa akin ka pa.. Baba ka na malalate na ko" -- yun yung sinabi nya at akmang kukurutin ko na naman sya sa may bewang ng nahawakan naman nya agad ako sabay smack pa sa lips ko..

Inirapan ko na lang sya at nakatungo lang akong bumaba sa kotse..

"Ingat Babe.. Love you"

"Tse!!"

Eto na.. Alam kong iba ang tingin saken ng tatlong to.. Ramdam ko.. Nakadagdag naman sa kaba ko yung biglang umalis na yung pulang sasakyan ni Damulag..

Uhhhhhhhh...

Humarap na ko sa tatlong to.. Di ko rin naman sila matatakasan

Pag tingin ko nakakaloko lang yung mga ngiti nila

"Ohhhh ano?? Bat kayo ganyan?" - tinarayan ko na lang

"Taray ahh.. Nakakatakot palang halikan si Ly.. May nagtatransform"

"Tseeeee!!" -- at nauna na ko maglakad sa kanila...







-- yeahhh Thanks for Reading :)

#Anne

Here in my Heart (AlyDen)Where stories live. Discover now