36. Den-Ly

10.5K 169 7
                                    

After 3 days

Den's POV

Nakaupo lang ako sa may sala namen habang hinihintay si Baldo. Manunuod daw kame ng semi-finals ngayon. Ngayon na kase malalaman kung sino talaga makakapasok sa Finals at makakatapat nila.

Pero may kasamang inis tong pag-iintay ko, e kase naman sabi nya bibilisan na daw nya pagpunta dito kase sobrang miss na nya ko, tapos ako naman nagexpect kaya ang bilis ko nagbihis...

Tapos tingnan nyo hanggang ngayon wala pa din. Pag ako nainip di na ko sasama dyan. >...<

Tok

Tok


Tok

"Hi ba--"

"Oh baket?" -- tanong nya agad e kase naman tinulak ko agad yung muka nya na akmang hahalik sabay labas ko ng pinto at ngtungo na sa sasakyan nya

"TATAYO KA LANG BA DYAN??" - pagtataray ko sa kanya na nakatayo pa rin sa may pintuan namen habang ako e nakalabas na ng gate

"Babe meron ka ba ngayon??" - tanong nya agad at napasandal naman ako sa gilid ng kotse nya nung nacorner nya ko nung makalapit sya

"Ako wag mo lalong iniinis Damulag ha.. Bakit antagal tagal mong dumating?" -sabi ko pero napatungo naman ako dahil ang lapit lapit na ng muka nya saken.. Tumataas yung balahibo ko kapag ganitong super dikit na kame.. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko

"Kiss mo muna ko bago ko sabih-------ARAAAAAAAAYYYY" -sigaw naman nya matapos kong kurutin yung tagiliran nya kaya nakaalis ako sa posisyon namen kanina

Binuksan na nya yung pinto pero hindi mo talaga mapipinta yung muka ng damulag na to... Masakit talaga siguro yung kurot ko.. E sya naman kase...

Nasa loob na kame ng kotse nya at may kinuha sya sa backseats..

"Oh eto... Dumaan pa kase ko ng flower shop para bilhan ka nyan.. Hindi ko naman alam na kahit March na ang dame pa rin nagsisibilihan ng bulaklak kaya nagtagal ako" -- hindi sya tumingin saken iniabot nya lang yung boquet ng lilies na sobrang umaalingasaw yung bango sa buong sasakyan

E ako naman hindi ko alam kung paano ako magrereact.. Nahiya ako sa kanya pero sobra sobra akong kinilig dahil dito..

"Babe......" - sabi ko pero hindi pa rin sya lumilingon

"Isuot mo na yung seatbelt at aalis na tayo"

"Ayoko......" - medyo nainis naman ako...sya date naglalagay nun tapos uutusan nya ko..

"Isuot na sabeeee" -- sabi nya pa at tumingin na sya saken

"Galit ka naman e"

"hindi ako galit" - sagot nya pero halata naman na galit

"E di ikaw maglagay" -- sabi ko sa kanya.. Tinanggal nya agad yung seatbelt nya at inabot yung seatbelt ko

Nung malock na nya e ini unlock ko tsaka ko hinila yung collar ng polo shirt nya..

Hindi ko alam kung san ko hinugot ang lakas ng loob ko para halikan sya pero nakaramdam naman ako ng tuwa nung gumanti sya... Ayoko lang talaga kaseng nakikitang galit sya saken..

Sabay naghiwalay ang mga labi namen.. Nakalimutan ko kaseng kelangan nga palang huminga.. Hanggang sa napatingin ako sa kanya na ngiting ngiti na

Tinaasan ko lang sya ng kilay..

"Sungit mahal na mahal kita...kahit parang armalite ka minsan magsalita" - sabi nya saken at hinampas ko sya sa braso

"Aray babe..... Sa sunod talaga na hampasin mo pa ko---------

Here in my Heart (AlyDen)Where stories live. Discover now