Chapter 15: Marupok 101

360 26 5
                                    

Laney's POV

Medyo awkward ung dare sakin ni ate nandito pamandin si Amy nakakaasar para sa 5k, sorry Amy pero ngayon lang to.

Kiniss ko sa pisngi si Thea pero saglit lang un, sobrang saglet katapos un tumingin ako kay Amy buti nalang di siya nakatingin nakahinga tuloy ako ng maluwag.

"Okay na te, asan na 5k?" Agad namang inabot ni Ate ung 5k kaya ung ngiti ko hanggang batok hehe joke

Lumapit nako kari Amy at nakasunod naman sakin si Thea.

"Dipaba natin ilalabas ung alak?" Tanong ni Jaydee kaya napataas kilay ko "Uwing uwi na si Amy" bulong niya saken

Napatingin ako sa oras 5:30 palang bakit naman nag mamadali siya dati naman pag birthday ko dito siya natutulog e.

Lumapit ako kay Amy tyaka ako umupo sa tabi niya, diko na muna inisip si Thea bahala siya di naman kami e.

Nung kaupo ko sa tabi ni Amy medyo nagulat pa siya nung nakita niya ako kaya humarap siya ulet kay Coco, katapos niya kong paiyakin kahapon. Pinatong ko ung baba ko sa balikat niya tyaka siya yinakap mula sa likod narinig ko pa siyang napasingap kaya medyo natawa ako.

"Pag katapos mokong paiyakin kahapon dimoko papansinin ngayon, di ata tama un Amanda" bulong ko sa tenga nya

"Laney.. " bakit ganon ung pag kakasabi niya sa pangalan ko, nag init tuloy ung pisngi ko pwede naman kaseng normal na Laney lang e bakit pang sexy ung pag kakasabi niya

"Uwing uwi ka na? Talaga ba.. " ginaya ko ung tono niya kanina dun sa talaga ba "Gusto mo parin bang umuwi ha?" Tanong ko sakanya nagulat ako nung unti unti siyang umiling "Good, dito ka matutulog ah" sabi ko tyaka ako lumayo sakanya

Tampo tampo pang nalalaman eh alam naman niyang mas pipiliin ko siya kesa kay Thea, well diko alam kung alam niya un pero natutuwa ako kase onting suyo lang sakanya mukhang okay na kami agad.

Hinanap ng mata ko si Thea, asan un?

"Umalis na, nag selos ata e" natatawnag sabi ni Jaydee

"Siraulo ka" sabi ko "Pero seryoso umuwi na siya?" Tanong ko

"Oo nga, napairap pa nga e" halatang ayaw nya ko para kay Thea e pinag tatawanan niya

"Ikaw kase eh, babaero ka din" asar naman nj Daryll

"Gago kayo ah" sabi ko "Pero okay na rin un, ayaw ni ate sakanya e diko naman siya mapaalis" totoo naman eh, ayaw ni ate sakanya

"Kaya pala, pero bakit may dare na ganon?" Pabulonh na tanong ni Jaydee

"Ahh yunn, malay ko sakanya may tinitignan lang daw siya" napatango lang si Jaydee

"Tara naaa labas mo na ung alak" sabi ni Ate Ruth kaya natawa kami, siya kase ung pinka mahina samin e.

Our Promise (LAMY)Where stories live. Discover now