Wattpad Original
Mayroong 18 pang mga libreng parte

Blood Of A Casanova

741K 11.4K 931
                                    

Casanova? Sounds playboy. Sounds malandi. According to google, Casanova is a man who seduces women as a matter of habit. Meron pa, sabi d'on, Casanova is a man who is passionate about women. Ganyang ganyan! Oo! Ganyang ganyan si Duke Aris Palermo. Kilala sa mundo ng business dahil CEO ito ng isa sa pinakamalaking kompanya ng mga sasakyan sa Pilipinas--ang Palermo Cars Incorporation.

Hindi lang siya kilala sa mundo ng business. Kilala din siya sa mundo ng kalandian. Sus! Ano pa bang aasahan sa isang casanova'ng tulad niya? Isa yata siya sa pinaka-gwapong nilalang na nabubuhay sa mundo. Sa kutis niyang dinaig pa ang babae, sa matangos niyang ilong at mapupulang labi. Sinong babae nga ba ang hindi magkakandarapa sa kanya lalo't titingnan ka pa lang niya ay para ka na niyang inuutusang maghubad? At dahil kinikilig ka at nahulog sa charm niya, maghuhubad ka nga sa harap niya. Ganoon ang mga babae niya. Ginagawa niyang bed warmers. Kung gaano siya kahilig mag-collect ng mga sasakyan, gan'on din siya kahilig mag-collect ng mga babaeng pasasayahin niya ng isang araw pagkatapos ay paiiyakin.

Some says, it's in his blood. But some says, it's his nature.

Pero isang babae ang magsabi na, hindi 'yun sa dugo at hindi 'yun sa nature kundi sadyang malandi lang talaga siya. Ika nga niya, "Makati. Minsan lugar, madalas si Duke Aris Palermo." Ang babaeng aaminin mang mahirap tanggihan ang charm ng isang Palermo ay hindi siya maitutulad nito sa mga babaeng pinagsawaan at pinaglaruan nito--si Cherrypink Castillo--who hate boys who think they can get any girl.

Ano ang mararamdaman ng isang casanova kung siya naman ang mapaglaruan?

BLOOD OF A CASANOVA

by Pinkyjhewelii, 2015 copyright

Blood Of A CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon