Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 14

212K 4.5K 728
                                    

Cherrypink POV

Hindi ako makagalaw. Feeling ko, kaunting galaw ko lang, magkakadikit ang mga balat namin ni Duke, at kapag nangyari iyon, baka may milagrong mangyari.

Tulad ng gusto ni Duke, dito siya natulog sa unit ko. At dito sa mismong kama ko nakahiga ang malanding 'to.

"Love..."

Ayan na naman siya. Masyado siyang seryoso sa endearment na iyan. Kinikilabutan kasi ako kapag naririnig ko ang word na iyon mula sa kaniya.

"Hmm..." Pareho kaming nakahiga lang at nakatingin sa kisame. Kaunti na lang, matutunaw na ang kisami sa titig naming dalawa. Ang awkward kasi.

He cleared his throat. "Are you sleepy?"

"Not yet? How about you?" Tanong ko.

Paano ba naman ako aantukin kung katabi ko siya? Kailangan kong ingatan ang pearly shell ko. Minsan pa naman, kapag tulog ako, hindi ako masyadong nakakaramdam. Tulog mantika ako, e. Baka mamaya, makatulog ako, hindi ko na mamalayang nahubaran na niya ako napagsamantalahan.

"No. Not sleepy yet. Can we...talk?"

He seems serious. Nasaan ang playful na Duke? I expected him to be aggressive. Iyong tipong pagkahiga niyo sa kama, dadambahan ka agad niya kasi nga malandi siya. But no, he's stucked in his position.

"Talk about what?" Tumingin ako sa kaniya sa tabi ko. Nakatingin na din pala siya sa akin.

"About each other? Tell me about yourself."

I smiled bitterly. About myself? Well, I'm just a bitch, lonely girl who's longing for her parent's attention. I'm the kind of girl who lacks love. Dinaig ko pa ang ulila. All I wanted was my parent's attention, so I need to be this bitchy.

"I'm a party goer who loves business and a loving daughter." I lied.

Maybe yes with the last part. But the party goer? Ginagawa ko lang iyon para maging maingay ang pangalan ko, at iyong loves business? Oh, come on. I never love business. And I'm doing all of these crap for my parent's attention. Bakit ko magugustuhan ang business? E, iyan nga ang main reason kung bakit walang oras sa akin ang pamilya ko mula pa noong bata ako.

"You love business? Cool. Party goer, magkakasundo tayo diyan. I love hanging out in the bar."

Malamang, doon ka kumukuha ng mga babaeng ika-kama mo, e.

"And a loving daughter? Sweet..."

Psh. Kakaiba yata si Duke ngayon? Seryoso at mukhang nakikinig talaga sa akin. Unlike the first time we met, iyong arogante, flirt at presko.

"How about you, Duke? Tell me about yourself?"

Ako na ang magde-describe. Malandi, malandi, at malandi.

"Business is my first love."

Really, huh? Hindi ba condom ang first love niya? Psh.

Tahimik lang akong nakinig sa kaniya.

"I'm a loving son, and brother."

Really?

"I'm good at playing billiards."

Hindi ba playing girls?

"I'm a good cook."

Hm, talaga lang?

"I'm gentlemen."

Gentlemen sa kama, ano?

"I have a lot of fangirls. Especially sa company. You know..."

Grabe, ang hangin. Muntik na akong madala. Fangirls? Ano siya, KPOP idol?

"I am every woman's ideal man. According to them."

Muntik na akong masamid. Grabe talaga siya magbuhat ng sariling bangko. Hindi ko kinakaya. Kung masama lang ako, baka nabara ko na siya, e. Pero syempre kailangang magbait-baitan.

"Sanay akong pinagkakaguluhan ng mga babae. Hindi na 'yon bago sa akin."

O—kay?

"I'm good at bed."

Kumabog ang dibdib ko. What the hell? Sinabi niya talaga 'yon? Though, alam kong mahilig siya sa tutut, hindi ko akalaing sasabihin niya pa sa akin 'yan. So proud siya?

I wonder kung hindi ba siya nagkaka-aids dahil ilang babae na ang na-ano niya. Eww.

"Good at bed, like... do you want a sample?"

Nanlaki ang mga mata ko nang magkadikit na ang katawan namin. Ang bilis ng gagong 'to. Nakadantay na agad sa bewang ko ang braso niya.

"Cherrypink..." He whispered seductively. And swear! It gave me goosebumps! Ang lapit ng labi niya sa tainga ko. Para akong nanigas sakinahihigaan ko.

Napalunok ako. No, naku! Masama na. Kailangang maging alert! Hindi na pwedeng isuko ang pearly shell!

"Duke..." Siguro naman napansin niya sa boses ko na kinakabahan ako.

He blew air through my neck and it gives shivers to my spine. Muntik na akong mapasinghap. Napigilan ko lang ang sarili ko.

"How many times did we try..." He said in his husky voice. "But we always failed."

Mariin akong pumikit. Patay na. Wala na ba akong ligtas ngayon? Kapag ako nainis, babayagan ko ang lalaking 'to. Napakahilig, e.

"Duke..."

"Yes, love. I love it when you say my name..."

Shit. Kailangan kong makaisip ng paraan para tumigil si Duke! This can't be...

"Duke..."

"Hmm..."

"N-Naiihi ako."

"That's normal. You're just...wet?" He sexily laughed.

Nanlaki ang mga mata ko. Tulad ng sinasabi ko. Hindi ako inosente sa mga berdeng bagay pero jusko! Napakabastos ng lalaking 'to.

Naramdaman ko na lang ang labi niya sa leeg ko. Punyeta ka, Palermo! Galawan mo talaga, e.

"Stop..." I said.

"I can't. Fuck." He continued planting kisses on my neck.

And damn, nagwawala na ang hormones ko. Walang'yang lalaki talaga 'to!

"OMG!" Malakas kong sigaw saka bumalikwas sa kama. "Lalabas na ang ihi ko! Sasabog na ang pantog ko!" Mabilis akong bumangon at tumakbo sa sarili kong CR dito sa kwarto ko.

Mabilis kong ikinandado ang pinto saka sumandal sa likod ng pinto. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng kabog. Para akong tumakbo ng napakahaba dahil hingal na hingal ako.

Letseng Duke talaga 'yan! Magku-kwentuhan daw! Wow ha. Kaya pala nilalandi niya ako! Kapag talaga nakatabi mo ang isang Duke Palermo sa isang kama, talagang may mangyayaring milagro, e.

I almost had a heart attack when I heard a knock.

"Cherrypink. Are you okay!?"

At may gana pa siyang magtanong? Isa siyang damuho! Walking penis dapat ang tawag sa kaniya, e. Hayok na hayok lagi.

"Y-Yes! Nagbabawas lang ako." Pagsisinungaling ko.

"Alright." Narinig kong sagot niya.

Huminga ako ng malalim. Paano ako makakatulog nito? Parang anytime ay mabubuntis ako sa Palermo na 'yan. Parang uhaw na uhaw sa sex. Nakakainis! Bakit kasi ang libog niya?!

Tumingin ako sa salamin at pinaypayan ang sarili ko ng kamay ko. Grabe! Para akong pinagpapawisan sa mga paandar ni Duke.

Inayos ko ang sarili ko. Bahala na kung anong gawin ko, mawala lang ang kalibugan ni Duke ngayong gabi. Psh.

Lumabas na ako ng banyo. Naabutan ko si Duke na nakaupo sa kama at nagpipipindot sa cellphone niya.

Nag-angat siya ng tingin nang makalapit ako sa kama.

"Hey. Are you really okay?" Tanong niya. Ipinatong niya ang cellphone niya sa side table. Feel at home, ah.

Tumango ako saka umupo sa kama. "Yes, I'm fine." Inayos ko ang higaan at tumingin sa kaniya. "Let's sleep? Parang nanghina ako."

Hay, pwede na akong maging liar queen. Well, kasalanan naman ni Duke kaya ako nagsisinungaling sa kaniya.

He looks worried. "May masakit ba sa 'yo?"

"Wala, wala. Nanghina lang ako pagkatapos kong magbawas. Baka dahil sa nainom ko kanina." Arte pa, Cherrypink.

"Alright. You should take a rest. Let's sleep." He said.

Sa wakas! Jusko. Buti na lang laging effective ang mga drama ko sa lalaking 'to.

Humiga na ako. Ganoon din siya. Magkatabi kami, as usual.

"Good night." Sabi ko saka pumikit. Syempre magpapanggap na nakakatulog na.

Naramdaman ko ang labi ni Duke sa labi ko. Ang damuho! Naka-score na naman! Pinilit kong hindi magmulat ng mata.

"Good night, love."

Hindi na ako sumagot. Hindi na rin ako gumalaw para isipin niyang nakatulog na ako. Pero ang hindi niya alam, gising na gising ang diwa ko. Kailangang mauna siyang matulog. Mahirap na.

Maya maya pa ay narinig ko ng humihilik si Duke. Okay, tulog na siya. I can peacefully sleep now.

-

SUMIMANGOT ako nang inakbayan ni Frey si Kentin. Ano ba 'yan. Siya pa talaga ang umaakbay. Kahit kailan talaga 'tong kaibigan ko.

"Hoy, Frey. Huwag kang umakbay kay Kentin, nagmumukha kayong mag-ate."

Tumawa si Frey. "Baliw! It's Kenshin. Ano ba 'yan, biatch. Lagi na lang Kentin ang tawag mo sa kaniya. Canteen lang talaga ang peg?"

Inirapan ko lamang siya sa sinabi ko. E, sa laging Kentin ang naiitawag ko, e. Psh.

Ito namang Kenshin na 'to, tahimik lang at patawa-tawa. Mukhang ewan. Ayan ha, tama na ang pagbigkas ko ng pangalan niya. Nakakahiya naman kasi kay Frey.

Narito kami sa Hashtag Bar. Seriously, natatawa ako sa pangalan ng bar na 'to. Sa pagkaka-alam ko, sa tatay 'to ni Kenshin.

Kanina ay dinaanan ako ni Frey sa unit ko at pinilit na sumama dito. Nabo-bore daw kasi siya at nami-miss na niya ang night life naming dalawa. Mula daw nang dumating si Duke, hindi na kami masyadong nakakapag-bonding sa bar. Pinagbigyan ko na lang. Tutal, na-stress ako kay Duke.

Pagkagising ko kaninang umaga ay nagulat na lang ako na nasa ibabaw ko na si Duke, hinahalik-halikan ako. Ang walang'yang 'yun. Naitulak ko tuloy siya kaya ayo'n nahulog sa kama at lumagapak sa sahig. Serves him right.

Nag-sorry ako kasi nabigla ako. Iyon ang sabi ko pero ayoko talaga dapat mag-sorry. Nag-sorry din naman siya. Ang sabi niya ay hindi daw niya mapigilan dahil nang-aakit daw ang mga labi ko kaya hinalikan niya ako. Magda-dahilan pa siya!

Pagkatapos no'n ay pinagluto ko siya ng breakfast. Sinwerte pa siya niyan. Ang sarap sarap ko daw magluto samantalang fried rice at fried egg and hotdog lang naman 'yung niluto ko. Bolero talaga, e.

Umalis na rin siya at pumasok sa kompanya niya pagkatapos. Naiwan ako sa unit ko at doon, bumawi ako ng tulog.

"Alam ba ni Duke Aris na narito ka, babae?" Tanong ni Frey.

Umiling ako. Kanina pa ako naiinis sa titig ni Drake. Parang mangangain ng buhay na hindi mo maintindihan, e.

"No." Sagot ko. "Hindi ko kailangang sabihin sa kaniya ang mga gagawin ko." Ininom ko ang beer ko.

"Cherrypink." Walang emosyong sambit ni Drake.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Yes?"

He smiled revealing his oh-so-white-teeth. Pwede ng model ng toothpaste.

"Can I get your number?"

Nabulunan si Kenshin. Seryoso, nawala ang angas niya. Gusto ko tuloy matawa, e.

"Ano ba 'yan, Kenshin!" Reklamo ni Frey. "Maka-react ka naman!"

"What? Bawal ba? Is it because of Duke?" Tanong pa ni Duke. Cool lamang siyang nakangiti habang hawak ang baso niyang may brandy.

"Why don't you get my simcard, instead?"

Tumawa sina Frey at Kenshin. Sinamaan ko sila ng tingin. Bagay talaga sila, e. Bagay silang pag-untugin.

"You're funny, huh. Well, I'm serious here. Wala naman sigurong masama?"

Sabagay, wala naman talagang masama. Hindi naman kami totoong magjowakers ni Duke. Isa pa, nasa circle of friends niya itong si Drake kaya wala ngang masama. Hindi ko nga alam kung bakit ko siya tinatarayan. Pero infairness, hindi man lang siya tinatablan ng katarayan ko.

Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya. "Phone mo?"

Ngumiti siya lalo saka ibinigay sa akin ang phone niya. I dialed my number then ended it.

"Andiyan na sa call logs." Sabi ko pagka-abot ko ng phone niya pabalik sa kaniya.

"Great." He said while looking at his phone. "I saved your number. It's Cherry blossoms."

Pinaningkitan ko siya ng masama. "Seriously?!"

He just laughed at me and toast his glass to my beer. "Cheers!"

Napailing na lamang ako.

Tumingin ako kina Kenshin at Frey na ngayo'y may pinapanood sa phone ni Frey. Tatawa-tawa pa ang dalawa. La-landi!

"Hey, Kenshin!" Agaw ko sa atensyon niya.

"Yes?"

"Sa inyo ba 'tong bar na 'to?" Tanong ko. Hindi naman kasi kami lagi dito. Iba ibang bar ang pinupuntahan at tinatamnbayan namin ni Frey.

Umiling siya. "My father owned this."

Psh. E'di sa kanila nga. "May tatanong pa ako."

"What is it?"

"Bakit Hashtag Bar ang pangalan ng bar na 'to?" Na-curious talaga ako.

Humagalpak ng tawa sina Drake at Kenshin. Yung totoo?!

"It's because, literally, my father loves hashtag."

"Hashtag as in..."

"Hashtag hot si ken. Fuck!" Tumawa pa lalo si Kenshin.

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

"Hay naku, biatch. Don't ask him na nga. Hindi mo din mage-gets. Basta hashtag, sa twitter, facebook. You know. His dad loves it. And his father's name is Ken Sarmiento."

Gets ko na. Ang weird naman no'n.

"So, you're here."

Nanlaki ang mga mata ko at nag-angat ng tingin. Omg. Si Duke. Bakit narito siya?!

"Why are you here?"

"First, I called you many times. And you didn't bother to answer it. Second, this is my friend's bar and I like hanging out here. Hindi ko lang inakala na narito ka lang pala. Busy chatting with my friends?"

I sighed. Anong meron? Para siyang ewan. "Niyaya lang ako ni Frey dito and 'di ko naman alam na narito din ang friends mo. Isa pa, nasa bag ko ang phone ko. Naka-silent."

"Hindi ka dapat nagsa-silent ng cellphone mo." Seryosong sabi niya.

Pinandilatan ako ng tingin ni Frey. Nagtatanong ang mga tingin niya. Hindi ko pa naku-kwento sa kaniya na kami na ni Duke kagabi pa. Alangan namang i-kwento ko sa kaniya sa harap nina Drake at Kenshin.

"I'm sorry." Sabi ko na lang. Pero labas sa ilong. He's acting weird. Hindi bagay sa kaniya ang sobrang seryoso.

"Hey, man. You're too serious. We're just having fun here." Singit ni Drake.

Sinamaan siya ng tingin ni Duke. "Having fun?"

Tumango naman agad si Drake. "Yes. Cherrypink and I, Kenshin and Frey were having fun. What's wrong with that?"

Shit, bakit feeling ko ang intense?

Duke grins. "What's wrong with that? Man, you're having fun with my girlfriend, and that was fucking wrong."

Bigla akong hinila ni Duke kaya napatayo ako at nagpahila na lang sa kaniya. Sumenyas na lang ako kay Frey. Ang lalaking 'to! Basta basta na lang!

"Duke! Ano ba..."

"What?!" Sigaw niya nang makarating kami dito sa parking lot ng bar.

Kumunot ang noo ko. "What's your problem? Bakit ba mainit ang ulo mo? Kung may problema ka, huwag mo kaming idamay!"

"You are my problem, Cherrypink!"

"Ako?"

"Nakalimutan mo na bang boyfriend mo ako? I called you many times! Then malalaman ko lang na nagpapakasaya ka kasama ng mga kaibigan ko? Really, Cherrypink, huh?"

Seriously? Iyon ang kinakagalit niya? He's acting like a real boyfriend. E, jusko! Hindi naman totoo 'yun para sa akin. It was an act! Saka sa pagkakaalam ko babaero siya, he loves flirting with girls. Bakit nagkakaganyan siya? Parang napakaseryoso niya.

"Duke you're being unreasonable!"

"No, I'm not! I have the rights to know where's my girlfriend or what is she doing. I have the rights!"

Oh, come on. Seryoso talaga siya.

"Don't shout at me." Banta ko. Hindi ko ianakalang magse-seryoso ng ganito si Duke sa relasyon namin na hindi naman seryoso para sa akin.

He runs his fingers through his hair. Then, he grabs my head and kissed me. It was...hard. But not painful.

Nagpumiglas ako pero wala din naman akong nagawa kaya hinayaan ko na. Ilang saglit lamang ay tumigil na siya.

"You are mine, Cherrypink. And I want you to know that I am fucking possessive."

Naguguluhan ako.

"Be responsible enough. Act like a real girlfriend." He said then walks out.

Sumakay siya sa kotse niya at mabilis na umalis. What the hell did just happened?!

He nagged about me going here in the bar. He complained of not answering his calls. He shouted at me because I was having fun with his friends then, he kissed me and told me that's he's possessive. And lastly, he told me to act like a real girlfriend and be responsible?!

SERIOUSLY?

Anong nangyayari sa lalaking 'yon? At nakuha pang mag-walk out! Bwisit!

Blood Of A CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon