Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 15

187K 4.7K 845
                                    

Cherrypink POV

MASAYA ako kanina nang pumunta ako dito sa mansyon. Akala ko kasi ay narito sina Mama at Papa but I was wrong. Kaaalis lang daw papuntang Canada for business matters.

Bumuntong-hininga ako. Akala ko pa naman, matutuwa sila dahil dinalahan ko pa sila ng cake na ako mismo ang nag-bake. Bumili pa ako ng groceries dahil balak ko din silang ipagluto ng dinner. Nakakapanlumo. Nasayang na naman ang effort ko.

Napailing na lamang ako saka kinausap ang katulong.

"Manang, gamitin niyo na lang iyang groceries na dala ko. Hindi na ako magluluto. Saka, aalis na rin ako."

Tumango ang katulong. "Hindi na po kayo dito magdi-dinner?"

"Hindi na. Aalis na ako. Kapag dumating sina Mama at Papa, paki-inform na lang ako." Bilin ko saka isinakbit ang sling bag ko sa kanang balikat ko.

"Sige po, mam. Masusunod po."

Tinanguan ko lamang siya saka lumabas ng mansyon. Sumakay ako sa pink porsche cayenne ko—na regalo ni Papa. Hindi ko na matandaan kung kailan. Napapaisip tuloy ako. Sobrang swerte ko sa mga ganitong materyal na bagay. Iyon nga lang, kabaligtaran sa presensya at atensyon ng pamilya ko.

I heaved a sigh and started my car engine. Nagmaneho ako papunta sa Hashtag Bag. I needed some fresh air, and I need to have fun. Ayokong malungkot. At ayokong isipin na kung gaano ako ka-swerte sa yaman, ganoon ako ka-malas pagdating sa pamilya.

Kumunot ang noo ko nang umilaw ang cellphone ko. May tumatawag and it's not registered in my contacts.

Inabot ko ang headset ko at sinagot ang tawag. "Who is this?" Pambungad ko.

"Hi! Is this Applepink—wait, Cherryred? I mean, what the hell? I'm not good at names! What's your name again?"

I arched my left eyebrow and spoke. "You're the one who called. Then you're asking me who I am? Seriously?"

Babae ang nasa kabilang linya at hindi pamilyar ang boses niya.

"Oops! Sorry, alright? I am just confused. Your name here on my brother's phone is Love, and it's freaking the hell out of me. Well, not only me. Even my other brother."

Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. "I don't understand you. I do not know you at the first place, and..."

"I am Empress. Okay? Empress Palermo. The gorgeous and sexy youngest sister of Duke "asshole" Palermo."

Nanlaki ang mga mata ko. Muntik pa akong mapa-preno ng biglaan. Empress Palermo? Kapatid ni Duke? What the…?

"What? I mean, why did you call me?" Tanong ko. Ano namang dahilan nitong kapatid ni Duke at basta na lang ako tinatawagan? Ni hindi ko pa nga siya nami-meet.

"You know, I was just wondering if you could help me."

"Help you?"

"Yes. My asshole brother, Duke. He's acting like a weird rat. You know, locking himself on his room. He didn't eat his dinner last night, his breakfast and lunch today. He is really weird. I'm not used to it."

Si Duke? Hindi pa kumakain mula kagabi na nag-walk-out siya sa Hashtag Bar? Anong drama ng lalaking iyon? Mula kagabi ay hindi siya nagparamdam. I sent him a message nang makauwi ako but there's no reply. Kahit kaninang umaga ay binati ko siya ng morning text, pero wala pa ding reply at ngayong araw na ito ay hindi pa siya nagpaparamdam.

"What can I do?"

"My instinct said that it was you, who's the reason why my brother is acting like that. Mom and Dad are worried. We're really not used to that kind of ka-dramahan of Duke. He didn't go to work today and said he's not feeling well."

Hindi siya pumasok sa kompanya. E, priority ni Duke ang company niya.

I took a deep breath. "Anong dapat kong gawin?"

"Can you go here? At our house? I can send you the direction. Please? He's so annoying and I can't help it but called you."

Dapat ko bang puntahan si Duke? Pero hindi ko naman talaga alam kung bakit nagkakagano'n si Duke, e. Basta ang alam ko lang nag-drama siya kagabi at kung anu-anong sinabi sa akin. Nagawa pa ngang mag-walk-out sa akin.

Pero girlfriend niya ako—kahit for me, it's fake.

"Alright, send me the address."

"Great! I am so excited to finally meet you Orangered!"

Naningkit ang mga mata ko. "Yeah. But I want to correct you. It's Cherrypink."

"Oh. Sorry. I'm really not good at names. See you later! Bye!" She said and ended the call.

Tinanggal ko na ang earphone sa tainga ko saka napabunga ng hininga. Hay, Duke. Ano ba kasing ka-dramahan ang ginagawa mo? At anong dahilan?

-

KINAKABAHAN ako kahit hindi naman ako ang klase ng babae na ganoon. Makapal nga ang mukha ko, e. Dahil sa pagre-rebelde at dahil na rin nahawa sa kagagahan ng bestfriend kong si Frey.

Tumunog pa ang cellphone ko pagkapasok ko sa village kung saan naroon ang bahay nila Duke. Nagpakilala ako sa guard kanina sa gate, at sinabing nasabihan na sila ni Empress na darating ako kaya hindi ko na kinailangang mag-iwan ng ID. D

From: Drake
Hi, are you free tonight? Let's hangout.

Kumunot ang noo ko. Bakit naman nagyayaya ang lalaking 'to?

Muling tumunog ang message tone ko.

From: Drake
Sorry, wrong send ;)

Lalong kumunot ang noo ko. Uso pa pala ang wrong sent messages ngayon. Nagkibit balikat ako at tumingin-tingin sa paligid.

Sinabi naman ng guard na kulay itim ang mataas na gate ng bahay nila Duke at may naka-engrave na PALERMO FAMILY. Sa bandang kanan lang daw iyon at malapit lang mula sa gate.

Habang mabagal akong nagpapatakbo ng sasakyan ay agad kong nakita ang mataas na itim na gate. The mansion is huge. Hindi lang siya basta bahay. Hindi na ako magtataka. Mayaman naman kasi sila. At kilala ang Palermo sa mundo ng business. At sa pagkakaalam ko ay nasa Top 10 successful companies sila.

Huminga ako ng malalim nang itigil ko ang kotse ko sa harap ng malaking gate. Bumusina ako at kusang bumukas ang malaking gate. Napansin ko ang guard, at sumenyas siya na ipasok ko ang sasakyan ko.

Grabe, bakit ganito ang kabang nararamdaman ko ngayon. Huminga akong muli ng malalim saka ipinasok ang sasakyan ko. I parked my car at their garage at napansin ko ang babaeng may pulang buhok na tumatakbong lumabas mula sa main door ng mansyon.

She must be Empress?

Bumaba ako ng sasakyan at sinalubong siya.

"So, you're Cherrygreen?" Bungad niya sa akin.

Hindi ko napigilang mag-straight-face sa kaniya. "Cherrypink." Pagtatama ko.

Bumeso siya sa akin at bumeso na rin ako.

"Sorry again!" She said with her peace sign. "Welcome to our house. Duke has no idea that you're here now. I am sure he will be surprised." Hinila niya ako papasok sa loob ng bahay nila.

Feeling close agad siya dahil sa pagkapit niya sa braso ko.

"Wait here. Ipapakilala din kita sa buong family namin." Excited niyang sabi.

OMG. Is she serious? Buong pamilya? So, with their parents and? Shit. Ready na ba akong makilala ang pamilya ni Duke? Kung si Duke nga hindi pa ako napapakilala. Tapos itong kapatid pa niya ang magpapakilala sa akin.

Speaking of his kapatid na si Empress. She's gorgeous. Tama siya. Kamukha niya si Duke. She's sexy at aaminin ko, nanliit ang melons ko sa kaniya. Grabe, ilang taon na ba 'yun samantalang iyon ang na-kwento sa akin ni Duke na bunso nila. She looks matured on the way she dressed.

"Cherryblue!"

Nag-angat ako ng tingin kay Empress. Mamaya ko na siya iko-correct sa pangalan ko dahil kumabog na ang dibdib ko nang kasama na niya ang parents niya. I know them. Nakikita ko sila sa billboards, sa internet or sa mga business parties. May isang lalaki silang kasama na kamukha rin ni Duke. I know him. Kasama din ni Duke 'yan sa mga pictures niya at billboards.

Lumapit sila sa akin at halos mahigit ko ang hininga ko. Kinakabahan talaga ako na makilala sila. My gosh!

"This is my gorgeous mom, Charisse Palermo. This is my handsome father, Luke Palermo and of course, one of my asshole brothers, Lucas Palermo." Pakilala ni Empress. "And of course, I'm Empress Palermo!"

I calmed myself and cleared my throat. Inilahad ko ang kamay ko sa kanila. "Nice meeting you all po." Shit gumamit ako ng "po" kahit hindi naman talaga ako magalang. Bitch nga ako, hindi ba?

"Mom, Dad, Tandang Lucas, she's Cherry..." Mukhang nakalimutan na naman niya ang pangalan ko. Agad agad?

"Cherrypink." Nakangiting sabi ko.

"Yes. Cherrypink, the ever-gorgeous girlfriend of Duke." Aniya.

Paano niya nalamang girlfriend ako? Saka nakakahiya. Wala naman silang alam na acting lang ang ginagawa ko sa relasyon namin ni Duke.

"Oh, you're the girlfriend." Sabi ng nanay ni Duke. Niyakap niya at at bumeso sa akin. "What happened? Nag-away ba kayo ni Duke kaya nagkukulong siya sa kwarto niya? Pagpasensyahan mo na ang anak ko pero minsan naman ay matino iyon."

"Mom! Huwag mong siraan si Duke. Tch." Sabi no'ng Lucas. "Hey, do you want to go to his room? Any moment from now, he will commit suicide." Biro niya.

"Lucas." Nagbabantang boses ng ama nila. Si Mr. Luke Palermo. "Nice meeting you, iha."

Ngumiti ako sa kanila.

"Mom, it's better if we let her enter Duke's room. I am sure he will be energized!" Empress said.

"Sure, anak." Sagot agad ng ina nila. "Manang, pakikuha ng duplicate keys!" Sigaw niya pa.

"We want to bond with you, pero may date pa kami ng asawa ko. Sana ay maabutan ka pa namin mamaya dito pag-uwi namin. Dito ka na mag-dinner kasama sina Empress."

Lalo akong ngumiti. Napaka-accomodating nila. Saka kitang kita ko sa kanila kung gaano sila ka-close sa isa't isa. Duke is so lucky to have this wonderful family. Unlike me.

"Sure po. No problem." Sagot ko. Ang bait bait ko ngayon. Napakabait kasi nila sa akin kahit hindi pa naman talaga ako nila kilala. Pangalan ko palang ang alam nila.

"Mauna na kami." Sabi ng ina nila. "Lucas, Empress, guide her to Duke's room. Kayo na rin ang bahala diyan sa mansyon."

"Yes, Mom!" Sabay na sagot nila Lucas at Empress.

Buti pa sila, kasama ang parents nila dito sa bahay nila. Parang lagi silang kumpleto. Kahit may mga kompanya sila, nagagawa pang mag-date ng mag-asawang Palermo.

I heaved a sigh and looked at Empress. She's smiling at me.

"I am really excited about Duke's reaction! Gosh!"

"Tumahimik ka nga, witch." Reklamo ni Lucas.

"Hmmp. Don't talk to me, Tandang Lucas." Sabi ni Empress.

May closeness talaga kahit sa kanilang magkakapatid. Samantalang ako, masdyadong perfectionist ang kapatid ko. Isama mo pa ang parents ko. Kailan ko kaya mararanasang makipagbiruan o sagutan ng ganito sa kapatid ko?

Bahagya akong umiling. Ano ba 'to, bakit iniisip ko ang pamilya ako at ikino-kumpara ko sa pamilya ni Duke? Tama na ang pagkukumpara dahil pangitang-pangita naman ang pagkakaiba. Napakalayo.

"Hey, Cherryblooms!"

Naningkit ang mga mata ko. "Empress, sometimes, I am bitchy. So please, can you just remember my correct name? It's Cherrypink. PINK."

"Oh. I am bitchy too, sometimes! Haha! Alright. I am sorry. Cherrypink. Okay? Let's go upstairs! Here's the key!" Sabi niya habang nakangiting ipinapakita sa akin ang susi.

Kinakabahan ako. Ano kayang ginagawa ni Duke sa kwarto niya?

Umakyat kami sa taas ni Empress. Naiwan na si Lucas sa salas dahil may sinagot siyang tawag.

Tumigil kami sa itim na pinto ng kwarto. Kumabog ang dibdib ko. Ano namang sasabihin ko kay Duke? Bakit ako narito?

"Dyaran! It's open! Go inside and make his heart melt. Alright? Goodluck!" Sabi niya saka basta na lamang ako itinulak papasok sa kwarto ni Duke saka muling isinara ang pinto.

Ang lakas lakas tuloy ng kabog ng dibdib ko. Maloko din pala 'yung kapatid ni Duke. They trust me that easily kahit kakikilala palang nila sa akin.

Na-konsensya naman ako. Ako, heto at nakipag-relasyon kay Duke dahil may hidden agenda ako sa kaniya tapos sila, napakabuti ng pakikitungo nila sa akin.

Pagpasok dito sa pinto ng kwarto ni Duke ay isang malaking bookshelf agad ang sasalubong. Naglakad ako pa-kanan at doon bumungad ang king size bed at sa tapat nito sa may paanan ay may malaking flat screen TV na naka-hang sa pader.

Napalunok ako nang mapansin si Duke na nakadapa sa kama niya. He's topless at may kumot sa bandang bewang niya. Wala akong ideya kung anong suot niyang pambaba, o meron ba?

Nakabukas pa ang TV. May mga bote ng alak sa center table niya na nasa gitna ng dalawang mahabang couch sa gilid ng kama niya. Maaliwalas ang kwarto niya. Napakalaki nito. Balck and white ang kulay ng mga gamit niya.

I heard him groan. Nagigising yata. Anong sasabihin ko.

Hanggang sa manlaki ang mga mata ko ng basta na lamang bumangon si Duke mula sa kama ng naka-boxer shorts lang. Dire-diretso siya sa isang pinto sa gilid na sa tingin ko ay banyo. Nasa kabilang side kasi iyon, at doon siya nakatingin kaya hindi pa niya ako napapansin.

Maya maya pa ay lumabas na sa ipintong iyon si Duke. Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin.

Messy hair, topless, black boxer, his 6-pack ABS, biceps, broad shoulder— napalunok ako. Ang mga mata ko nagiging makasalanan.

"What the fuck?"

Nabigla ako sa pagmumura niya.

"What the fuck is this dream? Tch." Sabi niya at muling pumunta sa kama niya. Nahiga ulit siya room.

'Yung totoo? Akala niya panaginip lang ako? Walang'yang lalaki 'to.

"DUKE!" Sigaw ko.

Napabalikwas siyang muli ng bangon saka gulat na tumingin sa akin. "Cherrypink?!"

"Yes. And I am not a dream, asshole!" Sigaw ko.

Lalong nanlaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"BLOODY HELL." Napalunok siya. "You're fucking real."

Oo, Duke. Real na real.

Blood Of A CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon