Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter 17

204K 4.5K 1.2K
                                    

Cherrypink POV

Halos mapanganga ako nang dalhin ako ni Duke sa isang park. Luneta park yata 'to. Ang init init tapos dito niya ako dinala. Ano namang gagawin namin dito?

"I'll tour you around." Aniya.

'Yung totoo? Ito-tour? Ano ako, hindi Pilipino? At hindi taga-Pilipinas?

"That statue? That's Jose Rizal." Itinuro niya ang rebulto ni Rizal. "Pambansang bayani siya." Naningkit ang mga mata ko.

"Hoy Duke Aris." Tumingin siya sa akin. "Sa tingin mo, hindi ko kilala 'yan? At malamang bayani siya."

Napakamot siya sa ulo niya. "Okay. Sa iba na lang." Sabi niya.

Naglakad-lakad kami. Tinitiis ko ang init ng araw. Susme 'tong lalaking ito. Ganito ba talaga siya makipag-date?

"Nakikita mo ang mga punong iyan?" Turo niya sa mga puno sa gilid. "Itinanim 'yan diyan."

Naningkit na naman ang mga mata ko. "Seriously?!" Ginagawa akong bobo ng lalaking 'to. Malamang itinanim diyan ang mga punong 'yan. Alangan namang magic, tumubo agad. Psh.

"Akala ko 'di mo pa alam."

Jusmiyo. Ano bang magiging reaction ko sa pinagsasasabi ng lalaking 'to?

"Ang lugar na ito ay Luneta Park. Ito ay isang park." Nakangising sabi niya.

"Isa pa, Duke. Isa pa, tatamaan ka na sa akin."

"What?! I was just explaining things!"

"Wow. Explaining things? Mukha mo!" Sabi ko saka bumitaw sa kaniya. Nakahawak kasi siya sa kamay ko. "Uuwi na ako!"

"Wait!" Hinabol niya ako hanggang mahawakan niya ulit ang kamay ko. "I'm sorry. I thought you will enjoy here."

"Dito mo ba lagi dinadala ang mga ka-date mo?" Tanong ko. Naglalakad na kami papunta sa pinagparadahan niya ng kotse. Wala namang kaso sa akin kung dito niya ako dalhin sa Luneta. Kaso, ito-tour niya ako. Jusko.

"No. This is the first time na nagdala ako ng babae dito. The last time...hmm, I came here with Lucas and Empress. We toured her around. So.."

"At tingin mo naman sa akin, hindi alam ang Luneta? Naku, Duke."

"Sorry. Let's go to other place." Aniya saka patakbong nilapitan ang kotse niyang nakaparada. Pinagbukas niya ako ng pinto.

Sumakay ako sa kotse. Pagkatapos niyang saraduhan, ay mabilis siyang sumakay sa driver's seat.

"Where do you want to go?" Tanong niya.

Saan nga ba? Pero mas maganda kung siya ang mag-iisip kung saan. Kumbaga, effort na niya iyon na dalhin ako sa isang lugar na sa tingin niya ay magiging masaya ako.

"Anywhere." Matipid kong sagot. Sa mga galaw ni Duke, halatang hindi siya nakikipag-date ng normal na date. Usually ay sa condo niya 'yan pupunta or sa hotel. At doon sila mag-chuchukchakchenes ng mga ka-date niya or better to be called, her flings.

"Let's eat? What kind of food do you often eat?"

Grabe itong si Duke. Itatanong na lang Babea niya sa akin lahat?

"Beer." I joked. Hindi kinakain ang beer, kundi iniinom.

He smiled. "Then let's go to the bar." He started the car engine.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Date sa bar? What the hell, Duke?!" Kahit kailan talaga, oh. Palibhasa, ang mga babae niya taong bar.

"What?! Saan mo ba gusto. It's hard for me to choose where..."

"Hard? Really? Wala ka man lang bang sweetness diyan sa katawan mo? Psh."

"Cherrypink."

"What? Mag-drive ka na nga lang. At kahit saan, sige. Go lang." Sabi ko na lang. Anong klaseng date 'to.

I expected a date that is kind'a sweet and with so much effort. Tulad no'ng mga nasa movies or others. Iyong date, lalo na kapag first date, pinaghahandaan talaga ng mga lalaki iyon. And they will do everything to impress their girls. Pero si Duke? Asa. Asa ka.

Tumahimik na kami pareho. Buti naman. Sana lang makaisip pa ang lalaking 'yan ng magandang lugar na matutuwa naman ako. Saka, nakakagutom siya. Promise!

"I think I'm fallin’...fallin’ inlove with you..."

Nanlaki ang mga mata ko. Literal na nagulat ako nang marinig ko ang pagkanta ni Duke.

"Kumakanta ka?!"

"Tumutula. Tch."

"Pilosopo." Sabi ko. Infairness, maganda pala ang boses niya? Hindi lang pala paglandi sa mga babae ang talent niya. Pati pala pagkanta.

"Narinig mo namang may tono. Of course, I'm singing."

Umingos ako. "Sige nga, ituloy mo."

"Kapag ba itinuloy ko, kikiligin ka?"

What the…? "Seriously?!"

"And I don't, I don't know what to do..."

Shems. Bakit ganito ang feeling ko. Ang lamig sa pandinig ng boses niya.

"I'm afraid you'd turn away, but I'll say it anyway...I think I'm fallin’, for you..."

Oh, damn it. I didn’t expect na ganito kasarap pakinggan ang boses ng lalaking malandi na ito.

"That's a song, I want to sing for you. That's exactly how I feel."

Natigilan ako sa sinabi niya. He's falling for me. He really is.

"Duke..."

He looked at me then smile. Saglit niyang itinigil ang kotse. Mabilis niya akong hinalikan sa labi ko. Saglit lang, pero may epekto. Pagkatapos ay ngiting-ngiti niyang pinaandar muli ang sasakyan.

What was that?

Iba ang pakiramdam ko. Nang kumanta siya, ang feels! Tapos bigla niya akong hinalikan. What is this feeling?

"What is your first impression to me?"

Sinulyapan ko siya ng tingin. "First impression? A good for nothing guy? Happy go lucky?"

He grins. "Halos lahat ng babae, ganyan ang first impression sa akin. But most of them, sees me as a fucking great in bed. Which is really true."

Great in bed? Bakit, hindi ba? Totoo nga naman talaga. Kasi naman siya, e. 'Yung mga tingin niya parang dinadala ka na agad sa kama at hinuhubaran.

"How about your second impression?"

Nang makilala ko siya, doon ko nakita na.. "You're a good businessman. And a man with words?"

"Great. All businessmen sees me as a fucking great businessman. Because I'm really good at it."

Sang-ayon naman ako sa part na iyon. Magaling na businessman talaga si Duke. Seryoso siya sa bagay na iyon at hindi siya basta basta malilinlang padating sa business. That's why I'm here. Trapped with him. Acting like I really like him, for the sake of business.

Tumango-tango lamang ako sa kaniya bilang pagsang-ayon. Nakatutok ang tingin ko sa daan.

"How about third impression?"

So kailangan talaga, first, second and third. Ganern? "May ganoon pa?" Tanong ko.

"In your third impression, do you see me as...."

Binitin pa niya ang sinasabi niya. Nakatutok din ang tingin niya sa daan, at ako naman, no choice kung hindi tingnan siya dahil hinihintay ko ang sasabihin niya.

"As your future husband?"

Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya kahit wala namang lamang pagkain ang bibig ko. What the hell? Is he serious?

"Seryoso ka diyan sa tinatanong mo?"

"Of course. Can't you see that I'm serious. I am always serious when it comes to you."

Serious daw. Totoo lang ha? Talaga bang na-fall na siya sa akin? Agad? Gaano katagal palang ba kaming magkakilala? Wala pang taon.

Ano bang isasagot ko? Oo o hindi? Hindi naman siya pwedeng ma-offend sa akin. I am acting like I really like him, so do I need to say yes?

"Medyo?" Sagot ko.

He smirked. "At least."

Akala naman ng gago, totoo. I've never seen him to be my future husband. Never. Saka hindi naman siya husband material.

Nagpatuloy na siya sa pagda-drive. Buti naman. Dami niyang tanong. Iyong way ng pagtatanong pa niya, seryoso na nga ang dating. Parang seryoso talaga siya sa akin. Nahuhulog na nga yata talaga siya sa akin. Makukuha ko na ba ang partnership na hinahangad ako? Kasi kapag nakuha ko na iyon, I need to dump him right away. Dahil ayoko ng tumagal pa na magpanggap na gusto ko siya.

-

Duke POV

I'm smiling from ear to ear like a gay. Fuck, I'm glad I made her happy. Cherrypink loves to eat seafood. Nagkataon pa na sa seafood restaurant ko siya dinala kanina. I saw her childish and lovely side. She's cute while eating. She's so adorable that makes me fall...harder.

She's nice. She's simple. And I really like her. At first, I thought I just like her because she's damn gorgeous but not. I like her, because she's Cherrypink. Fuck. I can't understand myself. Hindi ko nakita ang sarili ko na ma-inlove. That is not my thing. Pero kay Cherrypink, iba.

"Aba, puta!"

"Bloody hell! Bakit ka ba nanggugulat, gunggong ka?!" Sigaw ko kay Lucas. Basta na lang sumigaw pagkapasok ko dito sa loob ng mansyon.

Inihatid ko si Cherrypink sa condo unit niya pagkatapos naming kumain at maggala gala. Gusto ko sanang matulog sa unit niya pero sabi niya, baka umuwi din siya mamaya sa mansyon nila para doon matulog. Tch. I love to wake up every morning with her—beside me.

"Lutang ka na naman, e. Fuck, nakakapanibago ka. Nauulol ka na yata sa babae mo." Tawa-tawa pa ang gago.

I shot him a death glare. "Hindi lang siya basta babae. She's my girlfriend. Ulol."

"Fuck. You're unbelievable! Mahal mo talaga 'yun? Anong nakain mo?!"

Umupo sa sofa. "Hulog na hulog na ako sa kaniya. Fuck." Seryosong sabi ko.

Tumayo si Lucas kaya napatingin ako sa gawi niya. "Hulog na hulog? Log log log log.." Sabi niya habang sumasayaw.

Aba ang gago mukhang tanga. "Naka-drugs ka ba? O nakatira?"

"Nakatira." Humagalpak siya ng tawa. "Ng babae." Dugtong niya saka umupo ulit.

Napailing ako. "Gago ka talaga."

"Pareho lang tayong gago." Sabi ko.

"Mas gago ka."

"Mas gago ka naman."

"You two! You're both gago, as in super gago and asshole. So, shut up. Okay?!"

Sabay kaming napatingin ni Lucas sa nagsalita. My witch sister.

"You witch. Go to your room!" Sigaw ko.

"Malapit na kitang ibitin sa puno sa labas." Sabi ni Lucas.

Empress just rolled her eyes at us. Saka siya tumakbo paakyat sa hagdan. That witch. Tch.

"Pero seryoso ka na ba diyan? Hindi ikaw ang klase ng tao na magseseryoso. Iisa ang likaw ng bituka natin. Palermo tayo."

I showed him my pokerface. "So, you're saying that our father is not serious to Mom because he is Palermo?"

Marahan siyang tumango. "Before. Ibig kong sabihin, as binata. Tch. Nagbago na si Dad. But fuck, I can't accept it. You're serious with that woman. You're a Palermo. Hindi ka dapat nagse-seryoso sa babae."

"I like her. I really like her."

"LUCAS ALLEN PALERMO, ANONG SABI MO?!"

Nanlaki ang mga mata ko. Lalo na si lucas. Tangna mo, gago. Ratatatatat ka ngayon.

"Hi, mom!" Bati ni Lucas.

"Ulitin mo ang sinabi mo." Seryosong sabi ni Mom. Napapailing na lang si Dad sa tabi ni Mom. Kagagaling nga lang pala nila sa date nila.

"Palermo kami, Mom. Dapat nagse-seryoso kami sa babae. Hehe. 'Di ba, Duke?" Pinanlakihan niya ko ng mata.

"Hindi ako bingi, Lucas."

Patay kang gago ka. Matindi pandinig niyang nanay namin. Matindi din bibig niyan 'pag nag-ratatatat.

"Mom nagbibiro lang ako."

"Huwag mong ikakatwiran na Palermo ka kaya hindi ka dapat mag-seryoso sa babae. Nalintikan kang lalaki ka. Manang mana—"

"Hon, oo na. Nagmana na sila sa akin. Nuon 'yun. Tch. Tara na nga at pasasayahin na lang kita sa kwarto natin." Singit ni Dad.

Natawa ako. Putek. Galawan ni Dad, e. Napakamot sa ulo niya si Lucas pero nagpipigil ng tawa.

"Ikaw, Lucas. Umayos ka, ha. 'Yung nabuntis mo, hindi mo pa nahahanap."

"Yes, Mom."

Umalis na sina Mom and Dad. Umakyat na sila sa taas at sigurado rakrakan ang mga 'yan. Wahahaha.

"Ano ka ngayon, gago. Palermo ka pala, e."

"Tangna mo!"

"Nasaan na pala ang nabuntis mo?" Tanong ko. Gagong 'to. Hindi hinahanap ang nabuntis. Malilintikan 'yan kay Mom.

"Nakakatamad hanapin. Kung ayaw niya magpahanap, huwag. Tch. Saka baka hindi ko 'yun anak. Bahala siya sa buhay niya."

"Gago ka talaga. Sa susunod magkabit ka na ng built-in condom."

"Ulol!"

Humagalpak ako ng tawa. "Condom lang, nagtitipid ka pa. Nakabuntis ka tuloy."

"I'm still not sure if I'm the father. Besides, naglayas na siya at nagpakalayo."

"Isa ka talagang gago." Sabi ko na lang.

Napatigil lang ako ng tumunog ang message tone ko. I checked my message.

From: Love
Please come here at my unit :( I need you.

Nanlaki ang mata ko. Kumabog ang dibdib ko. Bloody hell, what happened to her?!

Mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng mansyon. Narinig ko pang sinigawan ako ni Lucas pero hindi ko na pinansin.

Cherrypink needs me. She needs me. Damn it, what happened?!

Blood Of A CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon